Chapter XII

157 10 9
                                    


Nagkatinginan si Kaori at ang lalaki.
Dadamputin sana ng magnanakaw ang pera ngunit nakita nito na may hawak ng bakal na pamalo at tila nag-uumapoy sa galit na mga mata ni Kaori. Alam nitong kalaboso ang hahantungan kung pera pa rin ang uunahin kaya mabilis na itong tumakbo palayo.

Sa pag-aalalang sinaktan ng lalaki si Jillian, hinayaan na rin ni Kaori na makalayo ang magnanakaw. Inuna na niyang puntahan si Jillian.

"Are you all right?" nag-alalang tanong ni kaori

"Masakit ang paa ko."

"Thank God, you're safe. Halika na, aalalayan na lang kita."

"Teka, kailangan ko ng pera."

"Wait lang, dyan ka na muna at dadamputin ko lang 'yong pera. Nabitawan kasi ng magnanakaw nang patirin ko siya. Natakot siguro sa akin kaya tumakbo na nang malamang magkasama tayo."

Tumango na lang si Jillian. 

"Papasanin na lang kita sa likod ko" ani Kaori matapos iabot kay Jillian ang pera.

Hindi na tumanggi si Jillian.

"Thank you so much,"  aniya nang maisakay siya ni Kaori sa kotse.

"Mabuti na lang pala at natapat sa pagkasira ng  kotse ko ang nangyaring ito. At saka sa susunod, huwag ka nang manlalaban. Sigurado naman na kikitain mo pa ang perang iyan kaysa buhay mo."
NangSisermon na naman si Kaori kay Jillian.

"Wala naman kasi akong nakitang patalim sa kanya. At saka iisang card lang ang dala ko ngayon, pano pa ako makaka-withdaw uli, yan lang din ang limit ng withdrawal ng card ko. Nakiusap kasi 'yong isang maid namin dahil ooperahan ang nanay niya." nakangusong paliwanag ni jillian.

"Kahit na, inisip mo na lang sana na pwede naman kitang pahiramin."

Kahit nananakit ang paa ni Jillian, nakaramdam  naman siya ng tuwa sa ipinakitang concern ni Kaori.

"Hayaan mo, ganon na ang gagawin ko sa susunod." saad ni jillian habang lihim na napangiti.

"Huwag mo nang pangarapin ang kasunod," ani Kaori na nakakunot pa rin ang noo.

Ilang minuto pa ay lumakas nang husto ang buhos ng ulan at halos wala na silang makita sa daan.

"May bagyo siguro," ani Kaori.

"Dahan dahan na lang at baka mabangga tayo."

Sinunod naman ni Kaori ang utos ni Jillian ngunit bigla na lang hindi makaabante ang sasakyan.

"What's wrong?" takang tanong ni Jillian.

Umiling si Kaori at muling nag-attempt.
"Sandali, titignan ko lang at baka may nakaharang sa daan.

"Malakas ang ulan," ani Jillian

"Ok lang, basa na rin ako."

Nakita ni Kaori na impassable na ang daan dahil sa punong natumba at nakaharang sa daan. Akala niya kanina ay sadyang lubak lang ang daan.

Napatingin si Kaori sa flash ng ilaw na gumagala. Nilapitan niya iyon at inusyoso.

Ilang sandali pa ay bumalik na sa kotse si Kaori.

"May mga puno ang nakaharang sa daan. Kailangan nating hintayin ang mga tauhan ng DPWH na ma-clear ang daan." saad ni kaori

Tumango si Jillian at pareho na lang silang naghintay. ilang sandali pa ay nakaramdam ng panlalamig si Jillian.

"Pwedeng paki-off ang aircon?"

Mabilis din sinunod ni Kaori pero kapansin-pansin na ang panginginig ni Jillian. Pinagala ni Kaori ang mga mata niya sa loob ng kotse pero wala siyang makitang pwedeng ipambalabal sa katawan ni Jillian.

"I guess it's better if we stay closer to each other," ani ni Kaori sa kawalan ng magawa.

Ang totoo kanina pa gustong sumiksik sa tabi ni Kaori si Jillian , nahihiya lang siya.

Nang marining ni Jillian ang sinabi ni Kaori, ay agad itong sumiksik at kinalimutan na ang hesitation.

Ramdam na ramdam ni Kaori ang panginginig ng buong katawan ni Jillian at nang hindi pa nakasapat ang pagkakalapit nila ay napilitan na rin siyang yakapin si Jillian.

Gosh! sinasabi ko sa aking sarili na iiwasan ko na si jillian pero eto ako ngayon, yakap yakap siya. hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko, mahal ko siya.

Damang-dama nila ang bawat tibok ng dibdib ng bawat isa. Nakaramdam ng konting ginhawa si Jillian kaya lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap kay Kaori.

Pero ang pagkakalapit na iyon ay isang malaking tukso na napakahirap labanan lalo pa't lihim nilang gusto ang isa't isa.

Ang mga kamay ni Jillian ay mahigpit na nakayakap sa likod ni Kaori ngayon at hindi niya mapaglabanan ang paghaplos doon.

Napapikit naman si Kaori na hindi rin napaglabanan ang sarili na halikan si Jillian.

They Kiss, as their passion for each other possessed them. Ang lahat ng alinlangan ni Kaori ay naglaho sa isang iglap.

Ngayon higit na kumbinsido si Jillian na sila ang itinakda para sa isa't isa.

Muntik na nilang makalimutan ang kinaroroonan nila nang makarinig sila ng pagkatok sa labas.

Kaagad na nagkalas ang dalawa at natitigilang napatitig sa isa't isa. Muling narinig ni Kaori ang pagkatok kaya mabilis niyang binuksan ang salamin sa gilid niya. -Crap! napamura na lang si kaori sa isip.

"Ma'am, pwede na ho kayong dumaan, naalis na 'yong harang."

"Salamat ho," nasabi ni Kaori at itinaas ang salamin.

Muling pinagana ni Kaori ang sasakyan. Tahimik namang nakasandal si Jillian sa upuan. Hanggang sa makarating sila sa mansion ng mga Monreal ay hindi na sila nag-usap pa.
.
.
.
.
.
.
.
.
To be continue 💛💚

JUST A STRANGER [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon