Hindi malaman ni Koari kung matutuwa o maiinis sa nangyayari. Malinaw na ang lahat sa kanya.
mahal ako ni Jillian, mahal ako ng taong mahal na mahal ko pero natatakot ako kapag may matuklasan siya tungkol sa akin at iwan niya ako, 'yon ang hindi ko kakayanin.
Kaya dapat nang matigil ang namumuong pagmamahalan namin sa isa't isa.Alam ni Kaori na magiging mahirap iyon sa part niya pero mas iyon ang nararapat.
"Marami ka nang kaibigan, hindi mo ako kailangan sa buhay mo."
Napaluha sa galit si Jillian at sinampal si Kaori.
"Don't be such a hypocrite, Kaori. Bakit mo ako hinalikan noon, ha?"
Natigilan si Kaori pero determinado siyang huwag padadala sa anumang tukso.
"Natukso lang ako and that's all! Ms. Jillian Alexie Monreal. Huwag mong pababain ang sarili mo para lang sa isang katulad ko."
"Kahit kailan hindi ko pinabababa ang sarili ko. I don't understand what is wrong with you, Kaori. Hindi ba't ikaw itong minamaliit ang sarili? Kahit ano pa ang isipin mo, mas matapang ako sa'yo dahil nagawa kong aminin na may pagtingin ako sa'yo, pero iba iyon sa pagpapakababa."
Tumalikod si Jillian para bigyan ng pagkakataon ang sarili na umiyak nang umiyak.
Paulit-ulit niyang itinatanong sa isipan kung ano bang mali sa ginawa niya para magalit nang ganoon si Kaori.
Ang hindi alam ni Jillian, parang hinihiwa rin ang puso ni Kaori sa ginagawa nito sa kanya.
Parang gusto na ni Kaori aluin si Jillian ngunit nangibabaw ang pagpipigil nito sa sarili.
Lumunok si Jillian at huminga nang malalim.
"All right, I'm sorry. Kung sa palagay mo ay nakasira sa privacy mo ang ginawa ko. Hindi na kita pakikialaman pa at ito na rin ang huli kong pakikipag-usap sa'yo tungkol sa mga personal na bagay. Ipakikiusap ko lang na sana ay huwag nang makarating sa iba lalo na sa daddy ko ang lahat ng ito." ani Jillian at mabilis na lumabas sa office ni Kaori.
*************************************
Kapwa hindi pinatulog nang gabing iyon sina Kaori at Jillian.
Paulit-ulit na binasa ni Jillian ang nakasulat sa magazine pero wala siyang makitang dahilan para magalit si Kaori sa kanya.
Hindi pa niya nagawang papurihan nang husto ang isang tao maliban sa daddy at mommy niya.
Samantala, hindi mapigil ni Kaori ang galit sa sarili.
How dare you,Kaori!....she doesn't desrve it! Tanga mo!....I 'm sorry Jillian, kung alam mo lang. Kung pwede ko lang sabihin sa'yo na mahal na mahal kita. Pero mas mabuti na ang matapos na ito nang mas maaga kaysa pareho tayong masaktan sa huli.
Bago pa namalayan ni Kaori, ay nag uunahan na sa pag agos ang kanyang mga luha. niyakap na lamang niya ang sarili at umiyak ng umiyak.
Hindi pumasok kinabukasan si Jillian. Namamaga ang mga mata niya at nagkukulong sa kwarto niya.
Nang sitahin siya ng ina, sinabi niyang masakit ang ulo niya pero naghihinala na si shirley.Nag-iisip na rin si Kaori kung magre-resign na lang siya sa kumpanya para maiwasan si Jillian pero ano ang sasabihin niya kay Don Felipe Monreal? Naalala pa niya ang huling pakiusap ni Jillian.
-ipakiusap ko lang na sana huwag nang makarating sa iba lalo na sa daddy ko ang lahat ng ito.-
Oo nga't nagawa na niyang saktan ang kalooban ni Jillian pero hinding-hindi niya ito ipapahamak o pasasamain sa mata ng iba, lalo na sa ama nito.
BINABASA MO ANG
JUST A STRANGER [Completed]
أدب الهواةKissing a stranger was one tough challenge one has to face. Pero paano kung ang inaakala niyang stranger ay nakatakda pala niyang makasama balang araw sa hindi inaasahang pagkakataon... - She thought it would be better if they'd end up as lover rat...