"WHERE have you been, honey?" ani Don Felipe sa asawa.
"Binisita ko lang ang isang amiga ko, nasa ospital."
"Sino?"
"Hmm.....hindi mo kilala 'yon," pag-iiba ni shirley sa usapan.
"where's your daughter?"
"she's asleep. why don't you join me for dinner?"
"Hindi ka pa ba naghahapunan?"
"Hindi pa naman kasi ako nagugutom kanina at nakakatamad kumain nang nag-iisa."
"Sana niyaya mo ang anak mo."
"Kumain na raw siya."
Nagsawalang-kibo na lang si shirley pero duda siya kung nakakain na nga ang anak.
"honey tumawag nga pala si Anitha, kung may time daw tayo dumalaw naman tayo sa kanila.
Gusto mo puntahan natin, wala akong appointment bukas?" ani Don Felipe"Next week na lang, may aasikasuhin ako," pagdadahilan ni shirley.
"Akala ko ba babawasan mo na ang pakikialam mo sa negosyo?" malambing na saad ni Don felipe
"Honey, business runs through my veins. Hindi ganoon kadaling kalimutan 'yon."
"Sige na nga, huwag ka nang magalit. Basta, huwag ka nang magpakapagod."
"Promise," nakangiting sabi ni shirley sa asawa.
Nang muling mapag-isa si shirley ay tinawagan niya ang amang si William.
"Papa, ano na nga bang number ni Brando?"
"Bakit, sino'ng paiimbestigahan mo?" ani Williamn.
"Hindi ako, may kaibigan lang ako na nangangailangan ng serbisyo niya."
Agad namang ibinigay ni Williamn ang kailangan ng anak. In a few minutes more, Shirley was having a conversation with a private investigator.
"I want an immediate result, brando."
"Count on me, Madam. I'll fax the details right through your office as soon as I have it."
***********************************
Kung gaano ka excited noong una si Jillian sa pagpasok sa opisina, ngayon naman ay napipilitan na lang siya dahil kay Don Felipe.
Pero tuwing naalala niya ang nangyari sa kanila ni Kaori, ay gusto na lamang niyang umuwi na lang at magmukmuk sa kwarto niya.
Parang kaparusahan 'yon sa kanya. Maybe she deserved it, pilya kasi siya.Nagdecide si Kaori na huwag na lang pumasok nang araw na iyon. Kailangan niyang bigyan ng panahon ang sarili para makapag-isip.
Kung tutuusin, isang advantage para sa kanya ang ginawa ni Mrs. Monreal. Alam na niya na tanggap siya ng pamilya. Ang kailangan lang niya ay maging matapat, pero kaya bang tanggapin ng mga Monreal ang katotohanan tungkol sa kanya?
Wala pa ring mabuong desisyon si Kaori nang sumunod na araw. Nagdecide siyang tumawag sa secretary ni Jillian at sinabing hindi muna siya makakapasok ng isang linggo. Nagdahilan si Kaori na may sakit siya.
Nang makarating sa kaalaman ni Jillian na may sakit si Kaori, nag-alala pa rin siya kay kaori
Para siyang gaga'ng hindi mapakali sa loob ng kanyang opisina.Parang Gusto na niyang damputin ang cellphone upang kumustahin si kaori pero nagdadalawang-isip pa rin siya.
Ano ba'ng sakit niya? Sino'ng nag-aasikaso sa kanya ngayon? puntahan ko kaya? Tama, sa ganong paraan mas maipapakita ko sa kanya na mahalaga siya sa akin. Pero galit siya sa akin. baka lalo lang lumala ang sitwasyon.
BINABASA MO ANG
JUST A STRANGER [Completed]
FanfictionKissing a stranger was one tough challenge one has to face. Pero paano kung ang inaakala niyang stranger ay nakatakda pala niyang makasama balang araw sa hindi inaasahang pagkakataon... - She thought it would be better if they'd end up as lover rat...