Chapter VIII

149 11 5
                                    

Kahit pagod si Jillian pagdating niya sa mansion kinagabihan ay napansin ng mommy shirley niya ang kakaibang kinang ng mga mata niya. Ngumiti ang ginang nang tanggapin ang pagmano't paghalik ng anak at pinagmasdang mabuti ang hitsura ni Jillian.

"what's wrong mom?" nagtatakang tanong ni Jillian "Hmm, gumanda ba ako?" biro niya sa ina.

"Mas gumanda nak." anang ina

"Tss mommy talaga. Siguro nagugutom ka na po. ano?" sabay inakbayan ang inang si shirley

"Kanina ka pa nga namin hinihintay, eh. Parang ayaw mo na yatang umalis ng office." nangingiting saad ng ina. Sige na maupo ka na at baba na rin ang daddy mo.

Habang kumakain ay hindi mapigilang ni jillian magsalita.

"Syanga pala, dad, pinirmahan ko na 'yong project ni Dr. Oinuma para mai-release na yong  budget,"

"That soon? Well, okey naman iyon. Akala ko lang ide-delay mo pa." gulat na anang ama

"Inisip ko rin, since approved naman sa inyo at talaga namang makikinabang ang company in the future, dapat lang na gawin na at baka maunahan pa tayo ng iba."

"I can't believe this is happening." Napailing si shirley

Natigilan ang mag-amang Don felipe at Jillian kay shirley

"I'm sorry, you two go ahead," anang ginang "siguro nga, naninibago lang siguro ako sa 'yo sweety. Dati kasi, kami ng daddy mo ang nag usap ng ganyan, kung minsa pa nga ay nagtatalo, Tumatanda na talaga yata ako. Ngayon nakikinig na lang ako."

Hindi agad nakaimik ang mag-ama. ilang segundo bago nasa tinig ni jillian.

"Mom, did I make you upset?"

"Oh, no, I'm sorry sweety, hindi iyon ang ibig kong sabihin sana lang ay huwag muna natin pag usapan ang negosyo tuwing kumakain tayong tatlo atleast dito man lang sa bahay."

Ginagap ng Don ang isang kamay ng asawa.
"You're still the boss, honey. O, kumain na tayo." baling nito sa anak.

Bago matulog ay nakipag usap muna si jillian sa ama.

"Hi, dad! tulog na ba ang mommy?"

Nagsalin muna ng wine sa kopa bago nagsalita. "Kanina pa. how about joining me for a drink or two?" anang ama

"Not a bad idea," nakangiting sagot ni Jillian

Agad nitong inabutan ng inumin na agad naman kinuha ni jillian.

"Dad?"

"Hmm..." anang ng ama na hindi man lamang nililingon ang anak.

"Wala ka bang napapansin sa mommy?"

"Like what?"

"Para siyang sumusungit kung minsa."

Nilingong siya nang ama at nginitian.

"Menopausal syndrome ang tawag doon. Napansin ko na iyon a couple of months ago. Unawain mo na lang ang mommy mo, epek lang marahil iyon ng hormonal imbalances."

"Why don't you treat her with a vacation, Dad?

"Binabalak ko talagang gawin iyan kaya nga natutuwa ako sa nakikita kong pamamalakad mo sa kompanya. Halos wala na rin kasi akong panahon sa mama mo. puro trabaho na lang, ganon din siya."

"So, kailan po ang balak nyo?"

"I just wanna make sure na wala nang magiging problema sa Tuna factory. lalo lang madi-disappoint ang mommy mo kapag nasa bakasyon na kami at mapilitang umuwi dahil may strike na naman."

"Okey , pero kung sakaling magkaproblema pwede naman akong makialam, di po ba?"

"By all means, sweety. Pero hangga't maari, ayoko na ng panibagong problema roon. At ayoko nang iatang sa balikat mo ang responsibilidad. Tingnan mo mommy mo sumasakit na rin ang ulo sa dami ng responsibilidad. Sana kapag nagkaasawa ka, matutulungan ka rin niya sa bagay na ito."

Ngumiti na lang si Jillian ngunit muli na naman niyang naramdaman ang guilt.

-Kung naging  lalaki siguro ako, hindi sasabihin ng daddy iyon.
.
.
.
.
.
.
To be continue 💛💚

JUST A STRANGER [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon