Chapter XIII

167 12 8
                                    


Ayaw na sanang mangyari ni Kaori ang muling pagdidikit ng katawan nila ni Jillian pero pano nya maiiwasan gayong kailangan niyang pasanin papasok ng mansion si Jillian.

"What happened?" nag-aalala at magkasabay na usisa ng mag-asawang Don Felipe at Shirley nang makita ang dalawa

"Basang-basa kayo. Ang mabuti pa ay magpalit na kayo baka magkasakit pa kayo n'yan," ani shirley.

"I won't be long, Ma'am. Inihatid ko lang ho ang anak n'yo," ani Kaori

"No, I insist you stay, Kaori. Masyadong masama ang panahon. Tatawagan ko nga sana si Jillian kung hindi pa kayo dumating." saad ni Don Felipe.

"Thank you,Sir, but I'll be fine. Huwag ho kayong mag-alala, kaya ko hong pangalagaan ang sarili ko."

"Ano ka ba? Para naman kaming walang consideration sa ginagawa mo. Marami ang guest room dito, mamili ka kung gusto mo. I can't let you go with this kind of weather Kaori."

"But, Sir....."

"Unless you want me to fire you," banta ni Don Felipe.

Alam ni Kaori na nagbibiro lang si Don Felipe pero hindi na rin niya makuhang tumanggi.

Bahagyang ngumiti si Jillian pero hindi yon nakalusot sa mapanuring mga mata ng inang si Shirley.

"Felipe honey, tulungan mo nang makaakyat si Jillian sa kanyang kwarto at nang makapagbihis." ani shirley na agad naman sinunod ng asawa.

"Come over here, hija, l'll show you your room," sabi ni shirley kay Kaori.

Sumunod na lang si Kaori sa sinabi ng ginang.

"Feel free of everything. May mga underwear d'yan sa cabinet, puro bago 'yan."

"Thank you, Ma'am." tipid na saad ni kaori.

************************************

Habang nagsa-shower si Kaori, nagtatalo ang kalooban niya sa mga nangyayari. Ramdam na ramdam niya ang kasiyahan na isang pamilyang gaya ng mga Monreal ang nagbukas ng tahanan sa kanya.
Sa ngayon, paano kung malaman nito ang tunay na katauhan niya?

Matapos tulungang makabihis ni shirley ang anak ay pinagmasdan nitong maigi ang mukha ni Jillian.

"Why are you staring at me like that, mommy?" ani jillian habang nakaupo sa kama.

"Tapatin mo nga ako, sweety.....you like her don't you?"

Napalunok si Jillian at bilang nangilap ang mga mata.

"I know you more than anybody else... I won't judge you.....Come on sweety, I 'm your friend."

Ngumiti si Jillian. " Akala ko hindi ko siya kailanman magugustohan." tipid na ani Jillian.

"Well, hindi naman ako tututol kung magkakagustohan nga kayo and I'm sure ganoon din ang daddy mo dahil lagi niyang pinupuri si Kaori."

"Pero wala naman siyang sinasabi na gusto niya ako mom." malungkot na saad ni Jillian.

"Oh, dear, read between her actions. Minsan hindi naman kailangang magsalita ng isang tao para maunawaan mong gusto ka rin niya. May sinabi ba kayo sa akin? Wala, hindi ba? But I sensed something."

"Ganon din ba ang napansin nyo sa kanya mommy?"

"Well, I don't know her as much as I know you but my instinct tells so."

Natuwa si Jillian sa sinabi ng ina.

"Inlove na kaya ako sa kanya mom?"

Hinaplos ni shirley ang buhok ng anak at napangiti.

JUST A STRANGER [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon