Chapter X

171 12 5
                                    


Habang nagmamaneho si Kaori nang kotse ay malaya siyang pinagmamasdan ni Jillian. Hindi man nililingon ni Kaori ramdam na ramdam niya ang ginagawang pagtitig sa kanya ni Jillian. Naiilang siya.

Crap! Nanginginig mga kamay ko hindi ako makapag focus sa pagmamaneho..Kaori Dylan relax kasalanan mo yan pumayag ka kasing ihatid siya. aisssh! pagalit niya sa sariling isip.

"Anong nangyayari sayo?" tanong ni Jillian habang nakatingin pa rin kay kaori.

"Nothing!"

"Are you Okey? why're your hands shaking?" nag aalalang tanong ni jillian

"Just plz,.... Don't be makulet okey! and Stop starring." pagalit na saad ni Kaori.

"Tss...wierdo." bulong ni Jillian at tumahimik na lang.

Nang dumating sila sa mansion ng mga Monreal ay hindi natanggihan ni Kaori ang paanyaya ni Jillian na tumuloy siya.

"Thank you. Akala ko ay hihiyain mo ako," nakangiting sabi ni Jillian.

Nang makita ni Jillian ang isang maid ay agad niya itong inutusang maghanda ng hapunan para sa dalawa.

"That would be very kind of you but I have lots of things to do tonight. Hindi ako maaring magtagal at busog pa naman ako," agad na tanggi ni Kaori.

"Ano ba naman kung sabayan mo ako sa pagkain? It won't surely cost you an overnight here. At wala ka na bang balak magpahinga man lang? Kanina ako 'tong pinagsasabihan mo. Dahil ba doktor ka ay hindi ka na rin tatablan ng sakit?......At saka....wala akong kasama rito. Sige ka, Hindi na ako maghahapunan at kapag nabutas ang bituka ko, kasama ka sa makukunsensya...."

Bahagyang ngumiti si Kaori at  itinaas isang Kilay habang nakatingin kay jillian. " All right, you win."

Hindi hinanggad o akalain ng isa man sa kanila na mangyayari ang ganito sa pagitan nila.

KAORI always wanted to live a normal life. Having someone to share with, to laugh with, and to love and life for. Pero natatakot siya na hindi iyon matutupad sa katulad ni Jillian.

Sa ilang panahong nakakasalamuha niya si Jillian, alam ni Kaori na kakaiba si Jillian sa mga babaeng nakakaharap niya. She's special in her own unique way. SMART, BEAUTIFUL and VULNERABLE.

Habang nagsasalita si Jillian ay hindi sinasadyang mapatitig si Kaori sa mga labi ni Jillian.

Gosh, napakasinungaling ko noong sinabi ko kay Jillian na nakalimutan ko na ang paghalik niya.
Mapangahas ang halik n'yang 'yon habang nakikita ko ang mga labi ni Jillian Alexie ay muli ko itong nadarama ang lambot at tamis na dulot niyon.

"Hey, you're not touching your food." pukaw ni Jillian kay Kaori. " Hindi mo ba nagustohan ang luto ni aling taling?"

"Oh, I'm sorry, may bigla lang akong naalala," ani Kaori at agad na sumubo. - crap! kaori dylan ano ba umayos ka!  Lihim pinagalitan ang sarili sa ginawa.

Ilang minuto matapos ang hapunan ay agad na nagpaalam si Kaori. She told herself that it must be the last. Pero inihatid pa siya ni Jillian hanggang sa tapat ng kotse niya.

"I had a nice time with you, KAORI. Thank you."

"Me too," napilitang sagot ni kaori. (me too? ewan ko na sayo self.)

"I hope this will not be the last time. FRIENDS?" ani Jillian at inabot ang kamay niya kay Kaori.

Napalunok muna si Kaori at tinitigan ang nakalahad na kamay ni Jillian. Sino nga ba siya para tumanggi?" at tinanggap ang kamay "Friends."

"Drive safely," Jillian said and waved her hand.

"Thanks," Kaori said as she ignited the engine.

***********************************

PABAGSAK na nahiga si Jillian sa kama niya. Kinakain na niya ang lahat ng mga binitiwan niyang salita laban kay Kaori.

"Who cares? I'm a person and entitled to change my mind." she mumbled and laugh at herself.

Niyakap ni Jillian ang body pillow sa tabi niya at muling inalala ang mukha ni Kaori Dylan.

Lalo pala siyang gumaganda kapag tumatagal... Parang gusto ko na yata si Kaori.

Bukod sa hindi siya madaling masindak sa katayuan ko, Wala rin siyang takot na sabihin ang gusto niyang sabihin. Hindi katulad ng mga naging nakarelasyon ko noon, laging sinusunod ang gusto ko. Paano kapag mali na pala ang mga gusto ko?

Naisip ni Jillian ang daddy niya. Tyak na magugulantang iyon Kapag nagkataon sila ni Kaori ang magkakatuluyan.

Her father trusts Kaori. Sabi ni Kaori, wala na itong pamilya. The fact that Jillian belongs to a big clan will surely facinate Kaori. It's sad to be alone and kaori needs a crowd to cheer her up . Jillian family is one hell of a crowd!

How funny, but Jillian Alexie can't help to fancy about Kaori Dylan and ended up dreaming about them as a romantic duo. She whirls on top of her bed with those tickling ideas.

Ano nga kaya?  Matutukawa kaya si daddy kapag magkakaroon na siya ng anak na doktor. Imbes na ituring ko si Kaori na kakumpitensya, pwede ko pa siyang maging kakampi.....

***********************************

Normal life, hindi pagiging wierdo!  bulong ni Kaori sa sarili habang nagmamaneho siya.

Ang pagbabago ng attitude ni Jillian ng pakikitungo sa kanya ay isang hamon o babala sa kanya. Hamon dahil wala siyang pakialam kung anuman ang katayuan sa buhay ng babaeng matutunan niyang mahalin.

Nananatili ang prinsipyo niya dahil kaya niyang mabuhay ng walang pamilya. At babala na baka masaktan lang silang pareho sa bandang huli.

Dumaan lang si Kaori sa Laboratory para kunin ang notes na pinag-aralan niya at tumuloy na sa flat niya.
Agad niyang binuksan ang beer na nabili niya along the way home.

Ipinatong ni Kaori ang mga paa niya sa center table at habang pinipindot ang remote control ng TV ay saka sinimulan ang beer.

Bihira lamang uminom si Kaori pero tuwing naiisip niya ang mga bagay na nagpapaalala sa nakaraan, kailangan niya ng tulong ng alcohol para makatulog.

Inabot niya ang panggabing balita. Nakatutok siya sa babaing newscaster ngunit parang hindi niya maintindihan ang ibinabalita nito.

Ilang sandali ay parang si Jillian Alexie na ang tingin niya sa newscaster.

Ipinilig ni Kaori ang ulo niya. Gosh, Don't let this happen, please!  aniya at sunod-sunod nilagok ang beer. Nang hindi nasiyahan ay ini-off na ni Kaori ang TV at nagpasyang mahiga sa kama niya.

Napalakas talaga ng charisma ng Jillian na iyon para balewalain ko.

Dapat ko na talaga siyang iwasan!
.
.
.
.
.
.
.
To be continue 💛💚

JUST A STRANGER [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon