Halos paliparin ni Jillian ang kotse niya pabalik sa flat ni Kaori pero naroroon pa rin ang pag-iingat niya.
Sunod- sunod na pag doorbell ang ginawa ni Jillian pero hindi siya pinagbubuksan ni Kaori.
Kaori, Love, open the door please...love open it. - bulong ni Jillian sa sarili
Nagpapakalunod na sa alak nang mga sandaling iyon si Kaori. Ano pa ang mukhang ihaharap niya kay Jillian, nalason na ni Harvey ang isipan nito.
Dapat ko na yatang tanggapin mapakalupit talaga nang kapalaran sa akin. - naiiyak na sabi ni kaori sa sarili kasabay ng paglagok ng alak.
Nauubos na ang pag-asa ni Jillian at nag-aalala na rin siya sa maaaring gawin ni Kaori.
"God help me please...." aniya habang nag-iisip ng paraan kung paano siya makakapasok sa loob.
Batuhin ko kaya? Pero wala namang bato sa paligid. aisssh!
Hinalughog ni Jillian ang kotse pero jack lang nakita niya at pamihit ng tulnilyo.
Tiningnan niya ang salamin ng bintana, medjo makapal iyon.
Ibato ko kaya ang jack doon? That's crazy, paano ko gagawin iyon? king ina!
Nang makita ni Jillian ang papadaang taxi ay kaagad niya itong pinara.
"Bakit po, Ma'am?"
"Pwede mo ba akong tulungan? Naiwan ko kasi ang susi sa loob ng bahay ko. May naiwan akong papeles, tulungan mo akong basagin ang salamin ng bintana?"
"Bahay n'yo ba talaga 'yan?" nag-alangan ang driver.
"Mukha ba akong akyat-bahay? Sige na," ani ni Jillian at naglabas ng isang libong piso.
"Please naman manong."
Napakamot ang lalaki pero lumabas din ng taxi. "Anong gagamitin natin, wala man lang bato dito?"
"Heto, O."
"Jack?"
"Oo, para mabasag agad."
"Sige, sabi n'yo, eh."
Hindi nagawang balewalain ni Kaori ang pagbasag ng salamin ng lalaki.
"Crap! "
"Naku, Ma'am, may tao yata. Bahay n'yo ba talaga ito?"
Bago pa man makasagot si Jillian ay nabuksan na ni Kaori ang pintuan.
Kaagad na siniil ng halik ni Jillian at niyakap ng napakahigpit si Kaori at umiyak sa balikat nito.
"I'm so sorry Kaoni..I'm so sorry Love." lambing na boses ni jillian habang napapiyak pa rin.
"Ma'am ganda, misis n'yo ho ang may pakana sa pagbasag ha," anang driver.
Dumukot ng pera sa bulsa si Kaori at iniabot pa sa driver. "Take this."
"Huwag na ho, meron na."
"Bonus," ani Kaori. "Sige na."
Napilitang tanggapin ng driver ang pera. Naiiling ang driver nang makabalik sa pagmamaneho.
Pareho palang sira ulo ng mag-asawang 'yon. Pero okey, sinira ko lang ang bahay nila, binayaran pa ako ng malaki!
Natatawang sabi ng driver sa sarili.***********************************
"Bakit ka bumalik? Hindi ka ba nandidiri sa akin?" ani Kaori kay Jillian.
"Nag-sorry na nga ako, huwag mo naman akong sumbatan, kaoni?... Wala ka namang AIDS, eh,"
Bahagyang nakataas ang isang kilay ni Kaori humarap kay Jillian.
BINABASA MO ANG
JUST A STRANGER [Completed]
FanfictionKissing a stranger was one tough challenge one has to face. Pero paano kung ang inaakala niyang stranger ay nakatakda pala niyang makasama balang araw sa hindi inaasahang pagkakataon... - She thought it would be better if they'd end up as lover rat...