Thanks to the busy schedule! Dahil do'n ay naiiwasan ni Kaori si Jillian.Si Jillian naman kahit parang hindi siya mapakali kung hindi nakikita si Kaori ay wala naman siyang magawa at ayaw din naman niyang magmukang cheap sa paningin ni Kaori.
Wala rin sa vocabulary ni Jillian ang magpaka-demure, gusto parin niyang si Kaori ang mag-umpisa. Magpakita lang si kaori ng sign na gusto rin siya nito, saka na lang siya kikilos.
Two months bago nakabalik ng bansa ang mga magulang ni Jillian. They look rejuvinated and happy. Ikinatuwa naman yon ni Jillian. Pero agad silang nalungkot ng makita nila angS pangangayayat ni Jillian.
"Hay nako, Dad, ngayon ako naniniwala na hindi biro ang responsibility."
"Tama ka, sweety, pero huwag mo naman pabayaan ang sarili mo." ani Don Felipe
"Sakto lang naman ang katawan ko ngayon, hindi po ba? Pumayat ako ng konti pero hanggang doon na lang yon, mas sexy ako ngayon, don't you agree?" sabay posing ni jillian na animoy manikin.
Natatawang napailing na lang ang ama. "such adorable, but you're right."
"So, what do you have for me?" ani jillian na naupo na sa sofa at tinitignan ang mga boxes sa harap niya.
"why don't you check it yourself?" anang inang si shirley
Dali daling binuksan ni Jillian ang box ng mga pasalubong. "Wow!" hindi mapigilang tuwa ni jillian sa nakitang samu't saring kalase ng stuff toys na kulay pink na baboy. mga bagay na gustong gusto niya.
"I'm glad you like it, sweety, ani shirley.
"Thanks, mom," ani jillian at mabilis na hinalikan ang ina.***********************************
Bago pa bumisita si Don Felipe sa opisina ay sinabi na ni Jillian ang mga problemang kinaharap niya habang wala ang ama.
"That's alright, sweety, may mga bagay talaga na kahit 'di inaasahan ay bigla na lang darating. It's how you handle it. Nakabawi ka rin naman pala sa ibang bagay."
" 'nga pala, Dad, tini-test na lang ng grupo ni Kaori ang gamot na ginawa nila." magiliw na saad ni jillian.
Ngumiti si Don Felipe at nagbiro. "Kaori, huh?"
Hindi naitago ni Jillian ang pamumula pero agad din namang nakabawi.
"Pati ba naman 'yon binibigyan n'yo ng meaning , dad,? Ganon din naman ang tawag n'yo sa kanya kung minsa, ah." depensa ni jillian.
"Just kidding, alright?" Pero matalas ang pakiramdam ni Don Felipe at may iba itong nasi-sense sa anak.
Umirap si Jillian. "Iniiba n'yo lang ang usapan Dad dahil hindi n'yo siguro nagustohan ang performance ko."
"Silly!" natatawang sabi ni Don Felipe at pinisil ang pisngi ng anak.
Five months later ay nagbunga na rin ang joint effort sa pagitan nina Jillian at mga nasasakupan sa company. Bukod sa malakas na benta ng mga gamot na gawa nila pinarangalan din sila ng ilang non-goverment organization bilang natatanging kumpanya.
Dahil sa natamong parangal, muli na namang umingay ang apelidong Monreal sa mga news at social medias nakalat ang mga pictures ni Jillian bilang sole heir nang mga Monreal.
Pinaunlakan niya ilang interviews. Publicity pa rin 'yon para sa company.
Sa interview kay Jillian, hindi niya nakalimutang papurihan ang mga chemist nila na hindi tumitigil sa pagre-research para lalo pang makatulong hindi lamang sa company kundi para sa mga end users.
BINABASA MO ANG
JUST A STRANGER [Completed]
FanfictionKissing a stranger was one tough challenge one has to face. Pero paano kung ang inaakala niyang stranger ay nakatakda pala niyang makasama balang araw sa hindi inaasahang pagkakataon... - She thought it would be better if they'd end up as lover rat...