Parang nawawala sa sarili si Jillian nang ihatid siya ng taxi sa mansion. Inutusan niya ang guard na bayaran ang taxi dahil naiwan niya ang gamit niya sa flat ni Kaori. Nagtataka man ang guard, sinunod pa rin nito ang utos ng amo. buti na lang at may pera siya sa bulsa.
Wala ang mga magulang ni Jillian nang dumating siya sa mansion. Nang masalubong siya ng matandang katulong ay nag-aalala itong nagtanong.
"Ma'am, bakit po kayo umiiyak?"
Pero parang bingi si Jillian nang mga sandaling iyon. Nang makarating siya sa kwarto ay lalo pa niyang pinakawalan ang pag-iyak.
"God!!!"
"Ma'am ?!" nag-aalalang katok ng katulong matapos marinig ang sigaw ni Jillian.
Sa labis na pag-aalala ay napilitan ang mga katulong na tawagan ang mag-asawang Don Felipe at shirley.Si Don Felipe ang unang nakauwi.
"Ano'ng nangyari?"
"Sir, nagwawala ho si Ma'am Jillian, eh.
Kanina pa nga ho namin kinkatok pero ayaw niya kaming pansinin."Hindi maisip ni Don Felipe kung ano ang dahilan ng pagkakaganito ni Jillian. Naisip niyang tawagan ang asawa para madaliin sa pag-uwi dahil hindi rin siya pinagbubuksan ng pintuan ng anak.
"I'm almost home," nag-aalalang sagot ni shirley.
Nang makarating sa mansion Agad na kinatok ni shirley ang kwarto ng anak.
"Jillian, open the door!"
Pero imbes na pagbuksan ang mga magulang ay narinig ng mga nasa labag ang tunog ng mga nababasag na kasangkapan.
"May susi ka ba nito?" ani ni Don Felipe kay shirley
"Wala."
Mabilis na bumaba ang Don para maghanap ng maaring ipambukas ng pintuan.
"Tawagin mo ang mga guards," aniya sa isang katulong na agad naman sumunod.
Pinagtulingan nilang sirain ang lock sa pintuan ng kwarto ni Jillian . Nang mabuksan ang pintuan ay tumambad sa kanila ang pawisang hitsura ni Jillian. Magulong magulo ang loob ng kwarto at halata ang sari-saring tensyon sa mukha nito.
"Layuan n'yo ako!" sigaw ni Jillian.
"What is going on with you, sweety? kami ang mga magulang mo, nakahanda kaming tulungan ka. You don't have to do this," ani Don Felipe habang unti-unting lumalapit kay Jillian.
Lalong humagugol sa pag-iyak si Jillian.
"Wala nang makakatulong sa akin, daddy."
"Don't say that , sweety," ani Don felipe na halos madurog ang puso sa sinabi ng anak. Nang makalapit ay ikinulong nito sa mga braso ang nagwawalang anak.
Nanatilli sa Kinatatayuan si Shirley. Nagsimula itong mgsalita pero matatag ang boses.
"Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sa'yo sweety? I'm your best friend. I won't let anyone harm you. Now will you talk to me?"
"It's too late, Mommy...." nanghihinang sagot ni Jillian.
"You slept with her, didn't you?"
Kumunot ang noo ni Don Felipe sa usapan ng mag-ina.
"Answer me for heaven's sake!" ani shirley pero nanatili ang tono nito.
Umiyak muna nang umiyak si Jillian bago umamin. " Yes I did! Damn I did!"
"Sino siya?" ani Don felipe. Sabihin mo sa akin, walang pwedeng manakit sa'yo, sweety. kaya kong tanggapin kung magkamali ka man pero hindi ka pwedeng saktan ng sinuman."
Yumakap si Jillian sa ama. "Ang tanga-tanga ko, dad, patawarin n'yo ako."
Hinihiwa ang damdaming ama ni Don felipe sa nangyayari sa anak. Gusto niyang pagalitan ito pero paano pa niya gagawin 'yon sa nakikita niyang helplessness ng anak.
"Pwede ba, huwag n'yo akong gawing tau-tauhan dito? Sino ang taong 'yon?" baling ni Don Felipe sa asawa.
"Mom, huwag na," pakiusap niJillian.
"Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari sa inyo, Jillian," ani Shirley sa anak.
"Nakausap ko si Harvey, Mommy..."
Natapik ni Don Felipe ang ulo niya. "Sino naman ngayon ang Harvey na 'yon?" aniya na gusto nang mapikon.
Huminga nang malalim si shirley. "Will you relax? Let me handle this."
Hinayaan na nga lang muna ni Don Felipe ang asawa sa inis.
"That bastard! Nilason n'ya ang utak mo."
Natigil sa pag-iyak si Jillian.
"Kilala mo siya mommy?"
"I suggest you better stop this nonsense. You owe Kaori an apology, Jillian."
"A-ano 'ng alam n'yo mommy?"
"Almost everything about Dr. Kaori Oinuma, my dear," ani shirley sabay dukot sa bag niya ng folder at inihagis sa harapan ng anak.
"Si Dr.Oinuma?!" hindi makapaniwalang sabi ni Don Felipe.
"Hindi mo ba nahalata?" ganting tanong ni shirley sa asawa.
Mabilis na dinampot ni Jillian ang file at binasa. Panay ang buka ng bibig niya pero walang lumalabas na salita mula roon. Naiyak siya sa tuwang lumapit sa ina.
"Oh, mom, how can I thank you?"
"Did kaori ever tell she loves you?" ani shirley.
"Yes," mahinang sagot ni Jillian.
"Kung mahal ka ng isang tao, hinding -hindi ka niya ipapahamak."
"Bakit mo ginawa ito, mommy?"
"I learned from my miatakes. Minsan na akong nagkamali nang magkakilala kami ng daddy mo. Napahiya lang naman ako sa kanya kaya doble ang pag-iingat ko para sa'yo.
Kung iiwan mo si Kaori nang tuluyan, baka mawala na ang natitira niyang pag-asa na makapamuhay pa nang normal sa lipunang ito, sweety."
Dinampot ni Don felipe ang folder na inilapag ni Jillian at binasa. Wala na itong masabi.
"Dad....pupuntahan ko siya..pupuntahan ko si Kaori?"
Itinaas na lang ni Don felipe ang dalawang kamay.
Mabilis na hinalikan ni Jillian ang mga magulang."Wait," pigil ni Don felipe sa anak.
"Ihahatid na kita, baka kung mapaano ka pa."Pinigil ni shirley sa braso ang asawa. "Let her be responsible for her actions. Mag-iingat yan...kung gusto pa n'yang makasama ang mga taong mahalaga sa kanya."
Umiling iling na lang si Don felipe sa asawa.
"You're unbelievable,."
Ngumiti na lamang si shirley at niyakap ang asawa.
.
.
.
.
.
.
To be continue 💛💚
BINABASA MO ANG
JUST A STRANGER [Completed]
FanfictionKissing a stranger was one tough challenge one has to face. Pero paano kung ang inaakala niyang stranger ay nakatakda pala niyang makasama balang araw sa hindi inaasahang pagkakataon... - She thought it would be better if they'd end up as lover rat...