Chapter 33: Supremo

1K 39 7
                                    

Jennie's Point of View

Madilim. Napakadilim. Nasaan ako?

Tumakbo ako ng tumakbo kahit na wala naman akong nakikitang humahabol sa akin pero patuloy parin ako sa pagtakbo.

Hingal na hingal na huminto muna ako para habulin ang hininga ko nang may humawak sa braso ko.

Inangat ko ang tingin ko. Hindi ko makita ang mukha niya. Parang hindi ko maaninag ang itsura niya.

Pinilit kong binawi ang braso ko ngunit pilit niya pa ring hinihila. Namalayan ko na lang na may nakahawak na rin sa kabila kong braso. Maging sa paa.

Hinila nila ako kaya nagpumiglas ako. Sumigaw ako ng sumigaw ngunit walang boses ang lumabas sa bibig ko.

Tumatawa sila habang hinihila ako. Nakakakilabot. Nananayo ang balahibo ko. Patuloy pa rin ako sa pagsigaw ngunit wala talagang lumalabas sa bibig ko.

Naramdaman ko na may yumuyugyog sa akin kaya naalimpungatan ako. Agad na nakita ko ay si Sir Seo-joon na mukhang nag-aalala.

"Ayos ka lang? Kanina ka pa umuungol." Nag-aalalang sambit niya.

That dream. Ano ang ibig sabihin non? Bakit nila ako hinihila? Anong kailangan nila sa akin?

"A-Asan po ako?" Tanong ko nang mapagtanto na hindi familiar sa akin ang lugar na ito.

Mula sa kulay cream na wall ay wala ng narito maliban sa isang aparador na sa tingin ko ay ang nagsisilbing silidan ng damit.

"Andito ka sa dorm ko, anong nangyari?" Nag-aalalang tanong niya bago ako inabutan ng tubig. "Nakita nalang kita malapit sa kakahuyan, walang malay." Dugtong pa nito.

Makikita mo sa mata talaga niya na nag-aalala siya pero ano nga bang nangyari?

"S-Si Wendy. Pumasok siya sa loob ng gubat!"

Muli akong binalot ng takot nang unti-unti nang magsink-in sa akin ang mga nangyari kanina. Napatingin ako sa labas ng bintana, madilim na sa labas at sobrang lakas pa rin ng ulan na sinusundan pa ng kidlat at kulog.

"Wendy? Hindi ko siya nakita. Ikaw lang ang naroon."

Nabalik kay Sir Seo-joon ang aking tingin bago umiling. "May mga tao sa loob ng gubat, marami. Pumasok si Wendy doon! I was about to follow her but..." Biglang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako rito. "Hindi ko na alam. Bigla na lang nagdilim ang lahat." Natulala na lang ako pagkasabi non.

Kung hindi pa nakakalabas ngayon sa gubat si Wendy, ano ang nangyari sa kanya?

"Nakita mo ba ang mga taong sinasabi mo?"

"Hindi, pero naramdaman ko."

Bigla ko tuloy naalala ang nangyari sa amin ni Kai dati nang sinamahan nya akong mag cr at naabutan kami ng bloody night. Nang bigla na lang siyang tinira ng pako sa binti, malayo pa ang HA non pero naramdaman kong may nakamasid na sa amin, marami.

"They must be one of the gang..." Naguguluhang konklusyon ni Sir Seo-joon. "Either HA or DT." Dugtong pa nito.

Napabuntong-hininga na lang ako nang maalala ang aking mga kaibigan. Sigurado akong nag-aalala na sila.

"I need to go." Inalis ko ang kumot sa akin ay nakabalot at tumayo ngunit bigla akong napaupo dahil sa panghihina. Parang hindi ko pa kayang maglakad.

UGH!

"Pumarito ka na muna, it is no longer safe outside. 8:30 na at malakas pa ang ulan."

YG University | JenLisa (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon