Jennie's Point of View
I can't blame you because I know what I've done. It sucks knowing you are with someone else now, but what else can I do? It's all my fault. I pushed you away. I will just be thankful that you are not in misery, unlike me. Still, I'm still hurt with that scene, but I can't do anything. I'll just keep a smile and take all the blame.
I'm silently hurting so much that I can no longer feel how painful it's supposed to be.
You will never be forgotten by my heart, but my mind can. Lisa, minahal at minamahal pa rin kita pero tama na... Tapos na tayo.
Hindi na ako nagulat nang pagkarating ko sa SSG Office ay walang Lisa ang bumungad sa akin. Only Jimin and Miss IU na seryosong nag-uusap.
Dumiretso na lang ako sa table ko at inayos ang mga papeles na hindi ko naayos kahapon. Kahapon na wala ako sa sarili para hintayin ang isang taong hindi na pala babalik.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos nang bumukas ang pinto. Nagtama ang mata namin pero mabilis na umiwas din 'to ng tingin at dumiretso sa kanyang table.
Ibinalik ko na lang sa ginagawa ko ang mata ko nang marinig ang mahinang buntong hininga niya. Hindi naging madali para sa akin ang pigilan ang sarili kong lingunin siya.
Nakarinig ako ng kaluskos sa gild ko kaya hindi ko na talaga napigilan lingunin 'to. Kumunot ang noo ko nang makitang pinupunit niya ang logbook.
Naguguluhan man ay minabuti ko na lang na ibalik sa ginagawa ko ang aking atensyon.
Natapos na akong mag-ayos kaya binalingan ko ng tingin ang katabi kong nakayuko sa kanyang desk at nakatagilid papunta sa akin ang ulo.
Tulog 'to at nakatabingi na ang eye glass. Mukhang pagod na pagod siya at walang tulog. Hindi ko magawang iiwas ang mata ko... kahit man lang ngayon matitigan kita nang hindi mag-aalalang mahuli mo ako.
Gusto kitang lapitan. Gusto kong ayusin ang gusot mong blouse at magulo mong buhok. Gusto kong alisin ang salamin mo at ayusin ang posisyon mo para hindi ka mangawit pero alam kong hanggang gusto lang ako... masaya ka na. Ayoko ng guluhin ka pa. Masakit man pero hanggang dito lang ako.
Napagitla ako nang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Krystal na tinapunan lang ako ng saglit na tingin bago dumiretso sa table ni Lisa.
Gusto ko siyang pigilan sa pag gising kay Lisa dahil halatang pagod ito at kulang sa tulog pero sino ba naman ako para pigilan siya? Pero sana... hinayaan niya na munang magpahinga ang tao.
Ano ba kasing ginawa niya at mukhang hindi siya natutulog? Psh.
Tinapik niya nang mahina ang balikat ni Lisa na agad namang nagising. Pumungay ang mga mata nito na naniningkit.
Mabilis na kumilos naman 'to nang makita si Krystal sa harap niya.
Tumayo si Lisa at sabay silang lumabas ni Krystal na hindi man lang naglalabas ng mga salita na animo'y alam na niya kung ano ang dahilan kung bakit naparito si Krystal.
Baka naman may plano na talaga sila... baka.
Nagstay muna ako ng ilang minuto bago napagpasyahang tumayo na at pumunta sa cafeteria. Lunch break...
"Cancelled ang pasok..." Bungad ko sa mga kaibigan ko.
"Oh? Bakit daw?" Tanong naman ni Rosé.
"General meeting." Maikli kong sagot.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang bumukas ang mga speaker sa paligid. "All classes are suspended due to the general meeting that will start at 1pm at the gymnasium. Thank you." Namatay uli ang mga speaker.
![](https://img.wattpad.com/cover/242303438-288-k88137.jpg)
BINABASA MO ANG
YG University | JenLisa (Book 2)
Mistero / Thriller[CMPLTD] - Taglish Not the typical school to have fun. Death is everywhere. Never trust your curiosity, it could drive you straight to hell. "Once you enter, there's no turning back" #157 - university #16 - jeonjungkook