Chapter 36: Thank you

1K 32 3
                                    

Jennie's Point of View

Ilang araw na rin ang lumipas nang magtapat sa akin si Kai. Wala namang nagbago, we are still what we used to be. Walang ilangan sa pagitan namin, in fact, mas naging close pa nga kami eh. Alam na rin ng iba naming kaibigan ang nangyari doon dahil nag-eavesdrop pala sila sa amin.

Seriously? What's the purpose of privacy? Geez.

"Look who's coming baby." Jungkook said in a chant tone.

Napatingin naman ako sa likod ko kung saan makikita ko si Lisa na naglalakad while her hands in her pocket, kasama niya si... Krystal.

Muli ko na lang ibinalin sa mga kaibigan ko ang aking tingin. They are smirking. What's wrong with them?!

"Can I join you guys?" Tanong ng isang mala anghel na boses.

Why not?

Naramdaman ko ang pag-upo ni Lisa sa gilid ko at ramdam ko rin ang nakakalusaw niyang tingin, alam ko rin na nakakunot ang kanyang noo. Alam ko rin na nagtatanong siya bakit hindi ko siya pinansin. I know you so well, Lisa.

"Sure!" Wika ni Kai kay Krystal at pinaghila pa ito ng upuan.

Napatingin ako kay Lisa nang kalbtitin niya ako. Nakakunot nga ang kilay nito at nakaawang ng konti ang bibig. "What?" Malamig kong tanong sa kanya.

Tumikhim naman ito bago sinulyapan ang plato kong puro gukay. Here we come again.

"I would love to bring you bermuda grass if you would just tell me."

Damn! She's really a dictator!

"Ano bang pakialam mo?" Pagsusungit ko.

Napayuko na lang ako nang mapagtanto na nakatingin pala silang lahat sa akin.

"Ah, Supremo? Jennie is on a diet." Natatawang sambit ni Jungkook. "Laging gulay ang kinakain niya. Hindi ko nga alam kung nakukuha niya ba ang sapat na sustansya eh. Pagsabihan mo nga." Dugtong pa nito.

Tinaasan ko ng kilay si Jungkook. "Ako na nga bahala sa isang 'to." Pagpapaalam ni Nayeon bago hinila ang damit ni Jungkook palabas ng cafeteria.

Napangiwi ako nang masulyapan ang seryosong si Lisa. Nakakatakot talaga siya pag seryoso. Alam kong nagpipigil siyang sigawan ako at parang gusto kong puriin si Jungkook sa mga sinabi niya.

"We have to go." Pagpapaalam din nina Rosé at Jisoo na kapwa magkahawak kamay.

UGH!

"Uh, Krystal? Gusto mo munang mamasyal?" Aya ni Kai kay Krystal.

"Walang pasyalan dito." Sagot ko.

"Meron. Sa park." Sagot naman ni Kai.

"Hindi 'yon pasyalan kaya mas mabuting dito na lang kayo." Suhestyon ko dahil ayokong maiwang mag-isa kay Lisa. Pakiramdam ko ay kakainin nya ako.

Okay?

"Ah sure!" Nakangiting sang-ayon ni Krystal. Kinuha na ni Kai ang bag ni Krystal at siya na ang nagbitbit.

Bakit sa akin hindi niya ginagawa 'yon? Bakit kay Krystal ginawa niya? Friendship over!

"Kai!" Sigaw ko pero hindi na niya ako pinansin.

Tatayo na sana ako nang magsalita si Lisa. "Uupo ka o itatali kita sa akin?" Tanong niya.

Napaisip naman ako kung ano ang dapat kong piliin at parang gustong isagot na 'Itali mo ako Supremo.' Sa halip ay umupo na lang ako ulit.

YG University | JenLisa (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon