Jennie's Point of View
Staying away from trouble was not that hard, basta ba may dahilan ka para umiwas ay talagang magagawa mo. In my case, ayoko ng muling madgulot na naman ng problema. I am so sick from causing trouble.
"Here." Inilapag ko sa table ni Nancy ang kanyang shoulder bag na ipinakuha pa niya sa kabilang building. Nagpapalila ako kay Nancy dahil kung lalaban ako, sa huli ay talo pa rin ako. Marami na akong nagawang mali at ayokong magdagdag na naman.
"Wait." Pigil niya sa akin nang aktong aalis na ako. "Parang may feeling ako na mahuhulog ang bag ko at kakalat ang mga gamit ko sa sahig." Aniya na ginawa naman ng isa niyang alalay.
"I knew it! Malakas talaga ang feeling ko. Pulutin mo nga."
Hindi ko ipinahalatang nagpupuyos na ako sa galit dahil alam kong 'yon naman talaga ang rason nila sa pang-aalila sa akin, ang makitang gumanti ako at gamitin 'yon laban sa akin. Madumi sila maglaro kaya ayokong makipaglaro sa kanila.
Napansin ko ang isang kamay pang tumulong sa akin magpulot habang nasundan pa ito ng isa pa at isa pa. Inangat ko ang aking paningin. Napangiti ako nang makitang tinutulungan akong magpulot nila Rosé, Jungkook, Jisoo at Kai samantalang si Nayeon ay nakatayo lang. Alam kong nagpipigil lang 'yan ng galit.
"Thank you." Pagpapasalamat ko sa kanila bago ibinalik ang shoulder bag ni Nancy sa table nila.
Humalakhak silang tatlo na ikinangiwi ko. Tuwang-tuwa silang nakikitang nahihirapan ako. Well, 'yon naman talaga ang laro para sa kanila eh. Masaya sila sa larong hindi kaaya-aya sa paningin sa iba.
"Parang may feeling pa akon-"
"Hindi mo ba nararamdaman ang feeling na baka mabigla ka na lang at dumapo na sa pisngi mong binabalutan ng kolorete ang palad ko?" Putol sa kanya ni Nayeon kaya hinawakan ko siya sa balikat para patahanin.
"How dar-"
Isang sampal mula kay Rosé ang inabot ni Nancy na ikinatigil naming lahat. "Ouch. Sorry, hindi ko napigilan." Inosenteng wika ni Rosé kaya hinila ko na siya palabas ng cafeteria dahil alam kong gaganti si Nancy.
Humalakhak na sumusunod sa akin ang apat na pinamumunuan ni Jisoo na proud na proud sa ginawa ni Rosé. Hindi ko maiwasang mapangiti. Masaya ako para kay Rosé na nailalabas na niya ang saloobin niya at hindi kinikimkim. Rosé is as silent as night yet as wild as an innocent tiger.
"Dapat sa magkabilang pisngi." Turo pa ni Nayeon na humalakhak. "Pero infairness, ang lakas non ah. Buti nga sa kanya." Dugtong pa nito.
"Paano kung gantihan ka niya?" Putol ko sa kasiyahan nila. "Paano kung mas malala pa ang gawin niya kesa sa ginawa mo?" Hindi ko miwasang mag-alala.
Knowing that queen bitch, hinding-hindi siya nagpapatalo kahit kanino at nag-aalala lang ako kay Rosé kung ano ang gagawin sa kanya ni Nancy bilang ganti.
"Edi isang sampal pa sa kabila niyang pisngi." Matapang na sagot ni Rosé. "Huwag ka ngang mag-alala sa akin. I can handle myself, baka nakakalimutan mong nakapatay na ako." Muli silang humalakhak kaya nahawa na ako sa kasayahan nila.
Ang kasiyahan na 'yon ay may katapusan gaya ng lahat. Pumasok na sila sa kanya-kanyang subject habang ako ay naiwan na namang mag-isa.
"Kailan ka ba talaga matatauhan?"
Napatayo ako sa kinauupuan ko nangn sumulpot na naman sa harapan ko si Jeongyeon na as usual ay naka pokerface na naman. "If you are going to slap me again, do it quickly." Matabang na sagot ko na mahinang ikinatawa niya.
BINABASA MO ANG
YG University | JenLisa (Book 2)
Mystery / Thriller[CMPLTD] - Taglish Not the typical school to have fun. Death is everywhere. Never trust your curiosity, it could drive you straight to hell. "Once you enter, there's no turning back" #157 - university #16 - jeonjungkook