Jungkook's Point of View
I never thought I would become part of this battle. Hindi ko lubos maisip na sa isang iglap ay napakaraming impormasyon ang sumabog sa isipan ko.
"B-Bakit parang tumahimik?"
Maging ako ay kinakabahan nang mawala sa aking pandinig ang mga pagsabog at putukan. Hindi maganda ang kutob ko pero kailangan naming maghintay.
Bakit ang tagal nila?!
Iginala ko ang mata ko sa mga kapwa kong estudyante na gaya ko ay naghihintay na lang ng hudyat para lumusob. Napangiti ako dahil nagsing na sila sa pagiging tahimik.
"I have a bad feeling about this." Nagulat ako nang kwelyuhan na naman ako ni Nayeon. "Sino ba talaga ang hinihintay natin?! Sabihin mo kung meron o wala!" Gigil na wika niya.
Nakakatakot talaga ang babaeng 'to. Kawawa ako sa kanya pero anong magagawa ko? Mahal ko eh.
Ngumiti ako bago kumamot sa aking batok. Leche! Naubusan na ako ng rason na sasabihin. Maging ako ay naiinip na rin pero ayoko namang bigla na lang kaming lumusob dahil makakasira lang kami.
"Hey!"
Hinarang ko ang dalawa kong braso sa harap ni Nayeon dahil sa pagtangka niyang pag-alis. Nakakainis naman oh! Hindi ko siya kayang pigilan dahil baka ako pa ang unang mamatay!
Bakit ba kasi napakamainipin at mainitin ng ulo ang babaeng 'to?
"Aalis ka sa daan ko o—" Napalunok ako nang tutukan niya ako ng baril sa ulo. "Papasabugin ko ang walang lamang utak mo." Dugtong pa nito.
Ouch! Ang sakit talaga niyang magsalita.
"Kaya mo b—" Namutla ako nang marinig ang pagkasa ng baril at muling pagtutok niya nito sa aking noo.
Damn! Hindi talaga siya nagbibiro. Ayoko pang mamatay kaya umalis na ako sa harap niya.
Napakamot ako sa ulo pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya palayo sa amin nang tumigil ito.
Napangisi ako nang makita na sila.
Finally, they are here.
-**-
Jennie's Point of View
Yes, Supremo Lisa and Seulgi has the same aura and pressence but I just know Lisa so well. Hindi ko kailanman pinaghinala si Seulgi to be Lisa dahil magkaiba ang pakiramdam ko sa kanilang dalawa.
Even when Seulgi kissed me. Hindi ako naapektuhan nang ganon ngunit kung si Lisa ang humalik ay siguradong manlalambot ang tuhod ko at sisikip ang dibdib ko, ganon ang epekto niya sa akin.
"Isuko mo na siya..." Nakangising wika nito. "O pareho kayong mamamatay. That would be romantic, right?" Nakakalokong wika pa nito.
"A new version of Romeo and Juliet? Oh, that would be nice."
Napangiwi si Madame Dara sa sinabi ni Lisa. Napangisi na lang ako kahit na nanghihina na ako. Alam kong ganon din si Lisa na may tama ng baril sa binti.
Bigla kong naalala ang mga panaginip na bumabagabag sa akin. Una, ang mga taong pilit na kumukuha sa akin sa panaginip ko. Napagtanto kong ako ang target nila dahil ako ang kukumpleto sa formula. Nakakatawa na sa akin din pala babagsak ang lahat.
Mabilis na kinain ako ng pangamba at takot nang tumama ang mata ko sa magkahawak na kamay namin ni Lisa. Ako pala... ako pala ang babaeng kasama niya sa panaginip ko. Kaya naman pala ganon ang epekto no'n sa akin dahil kaming dalawa ang nasa panganib.
![](https://img.wattpad.com/cover/242303438-288-k88137.jpg)
BINABASA MO ANG
YG University | JenLisa (Book 2)
Misterio / Suspenso[CMPLTD] - Taglish Not the typical school to have fun. Death is everywhere. Never trust your curiosity, it could drive you straight to hell. "Once you enter, there's no turning back" #157 - university #16 - jeonjungkook