Chapter 49: Seulgi

939 23 0
                                    

Jennie's Point of View

Ang hirap na kailangan mong magpanggap sa iba na okay ka lang kahit na alam mo sa sarili mong hindi. Mapapaniwala ko ang iba pero hindi ko kailanman madadaya ang sarili ko.

Pakiramdam ko ay may nawawalang parte ko na kailanman ay hindi na mapupuna. Shit! Ayoko ng ganito.

"Gabi na ah..."

Hindi ako nag-abalang lingunin si Kai bagkus ay muli lang ako nagtungga ng alak sa baso at diretsong nilagok ito. Napapikit ako sa pait nang lumagak ito sa aking lalamunan.

Aktong magsasalin na naman ako ng alak sa baso nang naunahan na ako ni Kai. Pinanuod ko siya lagyan ng laman ang baso at inabot ito sa akin. Ngumiti lang ako bago ito kinuha at nilagok.

Napasandal ako sa upuan nang maramdaman ko ang pag-kot ng paligid. Kailan pa ba ako huling nakainom? Ugh! Ang init sa pakiramdam.

Hindi ko magawang lingunin muli si Kai dahil ramdam ko ang titig niya sa akin.

"Okay lang ako." Parang tangang wika ko kahit na hindi naman siya nagtatanong.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya kaya kinunutan ko siya ng noo. "Anong nakakatawa?" Tanong ko.

Umiling ito sa akin kaya napanguso na lang ako. Mas lasing pa yata siya sa akin eh.

"You are not okay. You don't need to lie about it."

Pinanuod ko siya muling magsalin ng alak sa baso pero siya naman ang lumagok nito ngayon. Hindi man ito napapikit sa hapdi bagkus ay nakatingin pa siya sa akin habang sinisimot ang laman ng baso.

Habang nakatingin ako sa mata niya ay parang nakikita ko na hindi lang ako ang nasasaktan. Shit! Nasasaktan din siya... Hindi man niya aminin ay nararamdaman ko ito sa mga sandali ngayon.

"Ang swerte niya sa'yo... sobra."

Parang naubusan ako ng hangin at salitang maibabato. Hindi ako makakalap ng tamang sagot na isasagot roon bagkus ay natulala na lang ako.

"Nagseselos ako."

"K-Kai..."

"Shh... okay lang ako."

Nanginig ang labi ko nang makita ko si kanya ang pagpapanggap na ginawa ko kanina. Hindi ko alam kung paano nalagpasan ni Kai ang sakit na idinulot ko. Hindi ko kayang masuklian ang pagmamahal na ibinibigay niya.

Muli itong nagsalin ng alak sa baso at inabot sa akin. Mapait akong ngumiti bago ito kinuha at ininom. Napangiwi ako nang umikot na naman ang paningin ko. Sandali akong napapikit para pakalmahin ang sarili ko.

"I know you are in deep pain. If I could only do something to ease your pain, I would be glad to take all of it."

"I can't love you... stop loving me." Madiin kong wika.

I know those words suck and are painful but I just want to be honest. Ayoko sa ginagawa niya.

Napangiti ito pero alam kong peke 'yon. Gusto ko siyang sampalin para magising siya sa kahibangan niya na hindi niya kailangan gawin ito. Huwag na niyang saktan ang sarili niya. Shit! Kai, wake up! Hindi kita kayang saluhin... tama na.

"I tried to stop this feeling, Jennie... but I always end up failing."

Namula ang gilid ng mata nito at parang gusto ko nang pumikit para hindi siya makita. Tangina! Nasasaktan ko na naman siya. Ang dami ko ng nasaktan. Ganito ba talaga pagnagmahal? Kailangang may masaktan? Kailangan mo munang lumuha? Kailangan munang danasin ang ganito?

YG University | JenLisa (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon