Chapter 35: Confession

1.1K 31 3
                                    

Jennie's Point of View

"He is fine. Kailangan lang nya ng konting pahinga." Bungad sa amin ni Nurse Joy at sa likod niya ay si Lisa na diretso ang tingin sa akin.

Habang ginagamot ay nasa loob din si Lisa para siguraduhin na gagamutin niya talaga si Kai.

"Can we see him?" Tanong ni Jungkook.

"Ah. Oo." Gumilid si Nurse Joy at nagpasukan silang lahat maliban sa amin nila Nurse Joy at Lisa.

"Excuse me." Pagpapaalam nito bago nagmadaling lumabas. Bale kami na lang ni Lisa ang narito.

"Salamat." Pagpapasalamat ko sa ginawa nya habang nakatingin sa kanyang mata na nagtatanong.

"Are you okay?" Aalalang tanong niya at hinigit ako para suriin ang bawat parte ng katawan ko.

Hindi ko maiwasang mapangiti na ganito pala mag-alala si Lisa. OA.

"Hey! Why are you smiling?! Tell me where it hurts."

Hinawakan ko ang kamay niya para pakalmahin siya sa pag o-overreact. "I am fine. Kai protected me." Sagot ko.

Tumalikod na ito sa akin para umalis na. "Kai must be so lucky to have you as a friend." Walang buhay niyang sambit at nanatiling nakatalikod sa akin.

Lucky?

"I don't think so." Mapakla kong tugon.

Binigo ko siya. Binigo ko ang pangako kong pagkakatiwalaan ko siya. Sinira ko ang pangako ko.

"Yes he is. Can I also be lucky?"

Kumunot ang aking noo ngunit nanatili siyang nakatalikod sa akin.

"Can I have the luck of being with you? Please give me a chance, Jennie?"

Mabilis na naglaho siya sa kadiliman. Ang kaninang nakabagsak kong panga ay napalitan ng isang matamis na ngiti.

You don't need to ask me. You already have me.

Pumasok na ako sa loob at nadatnan kong tulog pa rin si Kai na may benda sa braso at mga pasa sa katawan. Halos manlambot ako sa nakikita kong kalagayan ni Kai, kalagayan na sana ay wala siya kung pinagkatiwalaan ko lang sana siya.

"Don't blame yourself." Mahinang bulong sa akin ni Jisoo.

Ngayon ko lang napansin na nakatingin pala silang lahat sa akin. Ang kaninang masikip kong dibdib ay bahagyang lumuwag nang makita ang mga ngiti nila sa akin. I couldn't measure how lucky I am to have them.

Umupo ako sa tabi ni Kai at hinawakan ang kanyang pisngi na may mga sugat. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.

"I-I'm still sorry, Kai. Can you forgive me? Please?"

Kumuyom ang kamao ko at napayuko na lang. Hindi ko pa rin maiwasang kamuhian ang sarili ko. I should have believed in him! Damn, Jen!

Naramdaman ko ang paghawak ni Jungkook sa aking balikat para patahanin ako. "Stop crying. Hindi pa siya patay." Biro niya kaya binatukan siya ni Nayeon.

"Gusto mong unahin na kitang patayin?" Pagsusungit sa kanya ni Nayeon.

"Ba't ba ang init ng ulo mo sa akin?! Inaano ba ki- Aray!" Piningot ni Nayeon ang tenga nito na ikinatawa namin.

Bugbog sarado si Jungkook ni Nayeon pero wala akong makitang kahit na anong balak kay Jungkook na gantihan ito. Nakangiti pa nga ito kahit na bugbog sarado na eh.

YG University | JenLisa (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon