Jennie's Point of View
Giving up doesn't mean you are weak. Sometimes, it is better to let go of something that might hurt you for the better.
Kahit na anong gawin kong pakikinig sa sinasabi ni Sir Seo-joon ay wala akong maintindihan. Ayaw magprocess ng lessons sa akin dahil nasa malayo ang aking isipan. Lumilipad sa napakaraming bagay at laging bumabagsak sa tanong na- Asan na siya?
Magsimula nang masuspend siya ay hindi ko na siya nakita. Hindi ko alam kung asan siya at wala ring binabanggit sina Miss IU at Jimin tungkol sa kanya.
As usual ay natapos ang klase na wala akong naintindihan. Mabilis na ibinalik ko lahat ng gamit ko sa bag nang biglang masagi ng mata ko ang isang kahon.
Iginala ko muna ang mata ko sa classroom namin kung saan ako na lang ang nasa loob. Wala na rin si Sir Seo-joon.
Inilabas ko ang kahon sa bag ko at pinagmasdan ito. Hindi ko alam pero sumikip ang dibdib ko habang inaaalala ang mga panahon na hindi pa ganito kakomplikado ang lahat. Nanginig ang labi ko kaya mas minabuti ko na lang na iwaksi lahat ng bumabagabag sa akin.
Marahan ko itong binuksan at kinuha ang patalim. Kitang-kita ko ang repleksyon ko sa patalim na ito pero naagaw ng isang marka ang aking atensyon.
A black dragon with red eyes. Kununot ang noo ko nang sumagi sa isipan ko ang pangalan ng isang tao nang makita ko ang mata ng dragon. Mapula... Nakakatakot... Seulgi.
Seulgi? OMG!
"Who gave you that?"
Sa gulat ko ay nalaglag ko ang kutsilyo na lumikha ng ingay. Sinamaan ko ng tingin si Jungkook na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin.
Pinulot niya ang kutsilyo at inusisa. Pabalik-balik ang tingin niya sa kutsilyo at sa akin at nanatiling nakakunot ang noo at kilay nito.
"Who the hell gave you this knife?"
"B-Bakit? Anong meron sa kutsilyong 'yan?"
Kinuha niya ang kahon na nasa arm chair ko at ibinalik doon ang kutsilyo. Inilagay niya itong muli sa arm chair kaya ibinalik ko na ito sa aking bag.
"Wala ka bang alam kung ano ang ibig sabihin ng marka na 'yon?"
"D-Devil's Tribe?" Patanong na sagot ko.
Nginisian niya ako bago isinakbit sa kanyang bulsa ang kanyang dalawang kamay. "Hindi ko alam kung bakit at kung sino ang nagbigay sa'yo nyan... But that is the symbol of Seulgi Kang, not the Devil's Tribe." Malalim na wika nito.
Bahagyang umawang ang bibig ko sa narinig ko at sumabog ang napakaraming tanong. "H-Huh? Paano mo nalaman?" Naguguluhang tanong ko.
Bigay ito ni Lisa, not Seulgi. Kung totoo man na si Seulgi ang nagmamay-ari ng patalim na ito ay paanong napunta ito kay Lisa?
"I am one of the Devil's Tribe."
Bahagyang tumigil ang pagprocess ng utak ko dahil sa sinabi niya at wala akong nagawa kundi ang tumunganga sa kanya. Myembro siya ng DT?! Kaya ba kasama na siya sa H10? Paano? Bakit?
Kaya ba siya umaaalis turing gabi katulad ni Kai? Pero ano naman ang rason niya? And... magkaaway ang dalawang gang kaya posibleng— UGH! Bakit ang gulo?! Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip.
"Stop torturing yourself from so many damn questions, Jennie. Masasagot din lahat ng tanong mo... malapit na."
Hindi ko alam pero nawala na ang excitement sa loob ko sa tuwing papunta na ako sa SSG Office. Maybe because I am not expecting her to be there. Yeah, wala siya roon.
BINABASA MO ANG
YG University | JenLisa (Book 2)
Mystery / Thriller[CMPLTD] - Taglish Not the typical school to have fun. Death is everywhere. Never trust your curiosity, it could drive you straight to hell. "Once you enter, there's no turning back" #157 - university #16 - jeonjungkook