Nayeon's Point of View
Narito kaming lahat sa gymanasium, hindi lang ang mga nasa cafeteria kanina kundi ang buong estudyante ng YGU at SSG Council except Jennie na hindi namin alam kung saan dinala ni Supremo.
Hindi na namin siya hinanap dahil may tiwala kami kay Supremo Lisa. Alam kong hindi niya papabayaan ang kaibigan namin.
Narinig ko na naman ang mahinang mura ni Kai habang nakatingin sa sahig. Halos mabaliw na siya kanina nang malaman niya ang nangyari kay Jennie. Maging ako, mahigpit na pagpipigil ang ginawa ko baka mahambuhlos ko sa pader ang mukha ng lahat ng estudyante na involved kanina lalong lalo na ang putang Nancy at hinayupak na Krystal. Tangina nila.
"Kumusta na kaya si Jennie?" Dinig kong tanong na naman ni Rosé na tulala lang din.
"She will be fine. Supremo is with her."
Hindi ko maiwasang mapangiti na kahit na karibal ni Kai sa puso ni Jennie si Lisa ay pinagkakatiwalaan niya pa rin 'to. Ni hindi niya naisipang umepal sa dalawa na kadalasang ginagawa ng ibang lalaki. Well, iba naman sa kanila si Kai eh. Alam niya kung ano ang mas makakabuti kay Jennie.
"Ayoko na!" Sigaw ni Nancy na nakatayo na sa pinaka harap. "Bakit ba tayo natatakot sa babaeng 'yon?!" Dugtong pa nito na ikinatawa ko.
Kahit na anong gawin niyang pagmamatapang, kitang-kita ko pa rin ang takot sa mata niya. Bitch, pay for your debt.
"Watch your words, Nancy." Babala ni Krystal na tumayo na rin sa gilid niya.
"Why?! Oh! Ikaw pala ang may kasalanan nito! Gusto mong mamatay na si Jennie para ma solo mo na si Supremo." Isang sampal ang inabot ni Nancy kay Krystal.
Kaya naman pala, Demonic Krystal. Alam mong wala kang laban kay Jennie sa puso ni Lisa kaya tinangka mo siyang patayin. Nakakaawa ka, hindi ka marunong lumaban ng patas- Oh well, kapag pala lumaban ka ng patas talo ka parin kay Jennie Kim, wala ka sa kalinkingan niya.
"How dare you?! I am the Queen here!"
Nagsabunutan sila. Sige lang, magsakitan kayo pero huwag muna kayong magpapatayan ah? Gusto ko pa kayong makitang magdusa at paghirapan ang paglapastangan niyo sa kaibigan ko, sa pinakaimportanteng tao ng isa sa pinakamataas sa YGU.
Natigilan silang lahat na pumasok ang mga lalaking nakaitim na mask. Tangina! Ano 'to? Bakit andito ang Hell's Angels?! Anong ginagawa nila dito?!
Sa pinakahuli ay si Taehyung Kim na walang maskara. Sandali itong tumigil at lumingon sa amin- Mukhang kay Kai ata siya nakatingin. Ngumisi ito bago nagpatuloy sa paglalakad.
Nanahimik si Nancy at Krystal na hindi na nagkikibuan ngayon.
Napakabigat talaga ng presensya ng mga lalaking nakaitim na maskarang ito, lalong-lalo na si Taehyung Kim na nakangisi sa mga estudyante na hindi makatingin sa kanila ng diretso.
Kung titignan ay simpleng estudyante lang siya, napakinosente pero huwag ka lang titingin sa mata niya dahil makikita mo ang demonyong nakakubli sa inosenteng katawan ng lalaking 'to.
"Anong ginawa niyo?" Natatawang tanong niya sa lahat na may halong pananakot. "Bakit niyo ba kasi siya ginalit? Tsk tsk." Umiling-iling pa ito.
Anong sinasabi niya?
"Naku lang, kung nakita niyo kanina si Supremo? Lagot talaga kayo." Humalakhak ang may pulang buhok na nasa tabi ni Taehyung kaya sinamaan niya ng tingin ito na ikinatahimik niya.
Si Supremo ang nagpapunta sa kanila dito? Pero bakit? Anong pinaplano niya at kailangan pang isama ang HA?
Napansin ko rin ang isang babaeng mahaba ang buhok na nasa tabi ni Taehyung. Nakamaskara rin ito pero alam kong nakatingin ang kanyang malalim at maitim na mata sa amin.
![](https://img.wattpad.com/cover/242303438-288-k88137.jpg)
BINABASA MO ANG
YG University | JenLisa (Book 2)
Misteri / Thriller[CMPLTD] - Taglish Not the typical school to have fun. Death is everywhere. Never trust your curiosity, it could drive you straight to hell. "Once you enter, there's no turning back" #157 - university #16 - jeonjungkook