Jennie's Point of View
"Sige na, baka ma late ka pa sa susunod mong subject."
"Pero Supremo, ang dami pa nitong tatapusin k-"
"Just go, Jen. Ako na ang bahala."
Nakatungong lumabas ako ng SSG Office. Hindi ko alam kung secretary pa ba ako o ano dahil kinukuha na rin ni Lisa ang trabaho ko kahit na tambak na siya.
Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko dahil ng pagkasalampak ko sa lupa.
Halos mamanhid ang mukha ko pero nagawa ko pa ring iaangat ang aking paningin para makita kung sino ang sumampal sa akin.
"J-Jeongyeon?" Nakakatakot siya. Nanlilisik ang itim at malalim niyang mata.
"Sinisira mo ang lahat!" Singhal niya sabay sampal sa isa ko pang pisngi.
Sa pagkakataong 'yon ay hindi ko na nagawang iangat ang aking mukha. Halos hindi ko na maramdaman ang mukha ko sa sobrang manhid na nito gawa ng malakas na sampal sa magkabila kong pisngi.
Ano bang ginawa ko sa kanya? Bakit bigla-bigla na lang siyang nananampal? Bakit nangangalait siya sa galit? Ginawa ko naman ang lahat para hindi na makagawa nang makakasama sa akin.
Isang sigaw ang kumawala sa labi ko nang hinila niya ang buhok ko at marahas na itinayo. Iniharap niya ang mukha ko sa mukha niya ngunit hindi niya pa rin binibitawan ang buhok ko at ramdam ko na ang haos pagkabunot ng anit ko.
"Ano bang ginawa ko sa'yo?!" Isang malakas na sigaw ko sa mukha niya.
Halos manlambot ako nang makitang hawak niya ang pako. Nanginginig ang kamay niya at alam kong kaya niyang isaksak sa akin 'yon kung gugustuhin niya.
"Wala kang ginawa, at wala kang gagawin kung hindi ang layuan si Supremo."
"Gaga ka ba?! Sino ka para diktahan ako s-" Nanlamig ako nang maramdaman ang malamig na pako sa braso ko.
Kahit na itusok niya lang sa akin 'yon at ibaon ng konti ay kaya nito akong patayin ang buong katawan ko dahil sa pinagsamang lason at kamandag ng kung ano ang nasa pako na 'yon.
"Lalayuan mo si Supremo o mamamatay ka na?" Nakangising sambit niya. "Mamili ka Jen." Dugtong niya.
Mariin akong napailing nang maalala ang order sa akin ni Lisa na wala akong susundin kahit na sino maliban sa kanya at wala akong planong suwayin ang uto niya, kahit kamatayan na ang kapalit.
"Go. Kill me now." Naging panatag ang loob ko kahit na nakatutok na sa akin ang pako ng kamatayan.
Hindi ko alam pero unti-unti ko na namang nararamdaman ang kawalan ng kapakialaman sa buhay ko. I am not scared of death, for the nth time.
"Jennie Kim. Ayokong masira ang lahat ng dahl lang sa katangahan mo, niyo ni Supremo. Sige lang, lumapit ka lang kay Supremo at damhin niyo ang sakit ng paglagapak."
Binitawan niya ako kaya napasalampak ako sa lupa at hinang-hinang napayuko. May naintindihan ako sa sinabi niya pero konti lang, halos lahat ay malabo pa rin sa akin. Ano bang sinasabi nilang masisira dahil sa akin? Ano ba ang sikreto pa na itinatago nila?
Pumunta muna ako sa clinic para manghingi ng yelo na magpapawala ng maga ng mukha ko galing sa sampal at galit ni Jeongyeon. Nasa kama ako at ako lang ang gumagamot sa sarili ko habang nakatingin lang sa akin si Nurse Joy.
"Who did that?" Tanong niya.
Gusto kong mapaismid. Ano bang pakialam niya at kailang pa siya nagkapakialam? Kahit nga mamatay kami ay hindi niya kami gagamutin pero dahil lang sa isang sampal magkakaroon siya ng pakialam? Psh.
BINABASA MO ANG
YG University | JenLisa (Book 2)
Misterio / Suspenso[CMPLTD] - Taglish Not the typical school to have fun. Death is everywhere. Never trust your curiosity, it could drive you straight to hell. "Once you enter, there's no turning back" #157 - university #16 - jeonjungkook