Chapter 55: Wrong

966 25 0
                                    

Jennie's Point of View

Lagi akong nasa likod niya. Laging ako ang pinoprotektahan niya. Nakakamanga na gamit lang ang isang kutsilyo at ang kanyang liksi ay nagagapi niya ang mga armadong lalaki.

Napapikit ako nang maramdaman ang muling pag-agos ng dugo galing sa braso ko. Halos buong braso ko na ngayon ay nababalot ng dugo.

Nararamdaman ko na rin ang panghuhuna dahil sa dami ng dugong nawala sa akin. Hindi 'yon napansin ni Lisa dahil busy siya sa pakikipaglaban.

Naluluha ako habang nakikita siyang hingal na hingal. Tagaktak ang pawis niya at halos dugo na rin ang damit niya at kamay.

Napaawang ang bibig ko nang maramdaman ang pagrupok ng binti ko na parang babagsak na talaga ako.

No. Hindi ako maaring magapi ng pesteng kahinaan na ito. Ayokonh makita niya akong mahina. Ayokong mag-alala siya.

Mabilis na itinago ko sa likod ko ang kaliwang braso ko nang palapit na siya sa akin.

Hindi ko napigilang mapangiti dahil sa ngiti niya. Hinawakan niyang muli ang kamay ko.

"Let's go..."

Bigla kong naalala ang mga panaginip ko. Ako pala... Ako pala ang babaeng kahawak-kamay niya. Kinain ako ng kaba ng maaalala ng mga kasunod na nangyari sa panaginip ko— No. Please.

Isang hakbangn pa lang ang nagagawa ko nang maramdaman ang pag-ikot ng paningin ko hanggang sa naramdaman ko na lang na bumagsak na ako sa lupa.

"Jen- Shit!"

Mapait na napangiti na lang ako nang makita ang alala at gulat sa mata niya nang makita ang brasong hindi ko na naitago.

Nangingitim na rin ito at parang nauubusan na ng dugo.

"Hold on..."

"Hey!" Pigil ko sa kanya nang aktong bubuhatin niya ako. "I can still walk... magpahinga na muna tayo." Wika ko.

"No.... please baby, let m—"

"Shh..." Sinubukan kong umupo na inalalayan naman niya ako. Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya habang nakatingin sa dilim.

Bumibilis ang paghinga ko na animo'y kinakapos na rin ako ng dugo. Napapikit ako nang muling maramdaman ang pag-ikot ng paningin ko.

"Baby..." Tawag ko sa kanya. "Sorry... sorry for everything." Mapait kong wika.

Napakalaki ng kasalanan ko. Marami akong pagkakamali na nagawa sa kanya. Nasaktan kami sa isang pagkakamali na ako lang ang may kasalanan. Naging biktima siya ng isang maling desisyon.

"You have nothing to feel sorry for. Naiintindihan kita..."

"Still, sorry."

Kinain kami ng katahimikan. Hindi ko alam kung matatawa ako dahil napakaromantic ng mga minutong ito kahi na nagpapatayan na. 

Kung makakaligtas kami sa pagsubok na ito, ibibigay ko ang lahat ng kailangan ng babaeng ito. I will give what she deserves.

I am willing to give every piece of me to complete her.

"Tara na."

Inalalayan niya akong makatayo. Kahit papaano ay nakatulong ang pagpapahinga namin dahil kahit papaano ay nakalakad na akong muli ngunit sobrang higpit na ng hawak sa akin ni Lisa na parang wala na siyang balaik kumalas sa akin.

Gusto ko na ring itali ang sarili ko sa'yo. Without you, I am a mess Lisa.

"Kailangan kitang madala sa medical team."

YG University | JenLisa (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon