"Hindi ko alam kung bakit kami na-ban ni Charles papasok ng San Luiz. Hindi nagpaliwanag ang mga tauhan ng Montero sa amin."
"Pero alam nila na hindi kayo kabilang sa mga Alcapone," sagot ko sa kanila.
Napabitaw ako mula sa pagkakakuwelyo kay Ryan. Nag-ayos siya ng kanyang polo bago bumaling muli sa akin.
"They knew about Huff gang. Nalaman ni Charles ang tungkol sa grupo natin kahit hindi natin sinasabi," sagot ni Jake.
"Kung sino man ang nagsabi sa kanya ng tungkol sa Huff gang ay paniguradong may galit sya sa atin. O di kaya, gusto niya tayong mapahamak."
Nagkatinginan ang lahat. Tahimik at pinapakiramdaman kung ano ang susunod kong sasabihin.
It is like, they are just waiting for my decision. They are waiting for what should be the next step that we will going to take.
"Ano ang gagawin natin, Aguila?" Someone ask.
Nilingon ko ang isang lalaki na hindi ko aakalaain na narito pala. Paul.
Ang isang spy na kabilang sa grupo ng mga Alcapone. Ang isang tao na kabilang din sa grupo ko.
"Let's enter San Luiz. Gagamit tayo ng ibang paraan o daan para makapasok rito," sagot ko sa kanila.
"Gamit ang anong paraan?" Tanong ni Jake. "Kapag magmumula tayo ng San Vicente papunta sa San Luiz ay hindi tayo magtatagumpay. Gaya ng sabi namin ay nakabantay ang mga Montero at hindi nila tayo papapasukin. Paniguradong may nakabantay na mga tauhan ng Montero sa lahat ng daan papasok sa lugar na 'yon."
Hindi ako sumagot sa kanyang sinabi.
Ipinatong ko sa mesa ang dalawang kamay ko at sumandal rito. Napatulala ako habang iniisip kung ano ang maaari naming gawin.
Panigurado nga na merong nakabantay sa lahat ng lagusan papasok ng San Luiz. Kaya ngayon ay kailangan namin mag-isip ng paraan kung paano kami makakapasok nang hindi ginagamit ang mga daan na 'yon.
"Maiwan ko na muna kayo dito." Sambit ko sa kanilang lahat. Napabuntong hininga ako bago inalis ang pagkakasandal sa mesa. "Hintayin niyo ang susunod kong sasabihin."
Matapos kong sabihin 'yon ay nagtungo na ako sa motorcycle at nadrive pabalik.
There is one thing in my mind to enter San Luiz without them knowing. Pero sa ngayon ay kailangan kong makabalik ng San Vicente dahil nasa bahay pa rin si Nads.
Iniwan ko siya na natutulog sa kwarto ko nang hindi nagpapaalam sa kanya.
Malay ko bang may mangyari sa kanya na hindi ko alam?
Mabilis kong narating ang San Vicente kumpara sa karaniwang biyahe. Ngunit nagulantang ako nang hindi ko makita si Nads aa loob ng kwarto ko.
Agad kong nilibot ang buong paligid sa pag-asang mahahanap ko siya ngunit kahit ni anino niya ay hindi ko nakita. It took me more minutes.
Nasa kwarto ko ang kaniyang phone kaya hindi ko rin siya matawagan. I want to know where is she. I want to know if she's okay?
Tila sa bawat minuto na lumilipas na hindi ko siya nahahanap ay lumalakas ang kabog ng puso ko. Wala ni isang Alcapone ngayon sa buong bahay kaya mas lalo akong kinakabahan.
Paano kapag may nangyari na masama sa kanya. What if... nakita siya ng nga Alcapone? What if...
"I saw Nadine," rinig kong sambit ni Paul na kakarating lang.
Nadatnan niya akong tumatakbo patungo sa kabilang gilid ng bahay. Kaya automatic akong napahinto nang marinig siya.
"Anong sabi mo?" I ask.
BINABASA MO ANG
Fight me, Attorney(COMPLETED✔)
Acción"Your ordinary gangster story series #2." This is Nadine story whom Ashley Montero's bestfriend of Dark Silver Gang. The story lies about revenge of both parties because of sudden death of each member of two gangs. Life, emotion, hatred, and lies w...