Fight me 25

14 1 0
                                    

"John."

"I want you out of my life."

Matapos niya sabihin iyong mga salitang iyon ay hinatak niya ang aking kamay patungo sa kaniyang motorcycle. Tahimik siyang nagsuot ng kanyang helmet.

"Sakay ka na. Ilalabas kita ng San Luiz," she said without looking at me.

Iritado kong hinatak ang kanyang kamay para tumingin siya sa akin. What is happening? Bakit bigla bigla niyang sasabihin na umalis ako sa buhay niya matapos ang ilang segundo na nagsabi siya sa akin ng kaniyang nararamdam?

"Anong iniisip mo, Nadine?" I ask.

Tumingin siya sa kabila na para bang iniiwasan nya ang aking tanong.

"Look at me! And, tell me what is happening!" hindi ko napigilan na sigawan siya.

Hindi siya natinag sa pagsigaw ko at pinagpatuloy na iniiwasan ang aking titig sa kanya. Dahil sa inis ko ay hinawakan ko ang kanyang mukha at pinilit kong iharap sa akin ang kanyang tingin. Nang makaharap siya sa akin ay saka niya naman ipinikit ang kanyang mga mata para iwasan pa rin ako.

"Look at me," nanghihina kong sambit sa kanya. "Look at me in my eyes and tell me again those words, Nadine Domingo!"

Kahit na nasisigawan ko siya ay hindi siya gumagawa ng kung anong reaksyon. Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata.

"Is this how you take revenge on me about what I did to your friend?" walang ganang sambit ko sa kanya.

Napailing ako sa kanya at binitawan ang kanyang kamay. Napadilat siya ng kanyang mga mata nang bitawan ko siya.

Patuloy ako sa pag-iling dahil sa disappointment na nararamdaman ko ngayon. Mabigat ang loob kong humakbang paatras sa kinaroroonan niya. Ang isang hakbang ay tila ilang kilometro ang layo dahil sa bigat sa pakiramdam. Ang pangalawang hakbang ay hindi ko na nakayanan kaya huminto na ako sa paghakbang palayo sa kanya.

Bakas sa kaniyang mga mata ang mugto ng kanyang iyak kanina. I can't even bear to see her like that.

Kung kanina ay naisiyahan ako sa nakita kong luha sa kaniyang mga mata, ngayon ay hindi na. Ang akala ko kasi ay saya ang dahilan kung bakit siya masaya, 'yun pala ay kabaligtaran ang kanyang nararamdaman.

"Leave," mahina kong sambit sa kanya. "Don't you ever come back."

She didn't respond. Ilang segundo lang ay nagsimula na siyang buhayin ang motorcycle nya. Walang paalam siyang nagdrive paalis sa kinaroroonan namin kanina.

I wanted to tell you this, "leave, Nadine. Don't you ever come back to the life before you met me. Don't you ever try to leave me because I can't bear being without you by my side."

May luhang bumagsak mula sa aking mata. Hindi nagtagal ay nagsunod-sunod ang pagbagsak ng mga ito. My vision is becoming blur but I don't have the guts to wipe my tears.

Gusto kong damhin ang sakit na binibigay niya sa akin ngayon. Gusto kong sagarin ang sakit para bukas ay hindi ko na maramdaman. I wanted to hurt myself and endure the pain.

The pain that 'cause by her.

"Why does the world is so cruel to human being?" I ask to myself.


***

"Dominique," I utters his name when I saw him standing in front of the headquarter of Huff gang.

"Sasali ako sa grupo mo," seryoso niyang sambit.

Nakasandal siya sa pinto at may hawak na sigarilyo. Humithit pa ito bago bumuga ng usok sa kawalan.

Fight me, Attorney(COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon