Welcome to my life

717 10 0
                                    

Hi, ako nga pala si Elle, okay lang naman ako. Sa tingin ko naman maayos, tama lang. Normal lang, masayahin, baliw-baliw at may pagkamaldita. Nagaaral ako sa isang school malapit sa may Cubao, maganda naman. Maayos, tahimik. Madami rin pala akong kaibigan, madaming nakakakilala sakin at madami din namang natutuwa sakin. Para sakin, yung buhay ko. Masaya. Isa pa lang ang nagiging boyfriend ko, si Paolo, gwapo naman, mayaman, sweet, may sense of humor okay sana kaya lang.. Niloko niya ako, iniwan at after 3 months bumalik. Hindi ko na siya tinanggap, masakit kaya, akala niya ba ganun lang yun? Ang sakit-sakit kaya, iwanan ka ng hindi man lang nagpapaalam? Hindi mo alam kung kayo pa, or ano. Wala, walang wala. Ginawa niya yun 1 week before my birthday, hindi na nagparamdam, hindi na tumawag, wala na. Ganun-ganun nalang. So exactly the day of my birthday, sinabi ko sa sarili ko na, Elle, tama na. Tanggapin mo na na single ka na. :(( Okay, so ayun. May pasok na nung nagbreak kami, 1st week of August. Eh diba June nagsstart ang klase? Tapos after 3 months nagpaparamdam? Ano siya swerte. Hindi ko siya kaschool kaya wala na talagang pagasa. Kasi alam mo, hindi yan matatapos kung hindi ka bibitaw. Ilang beses na nga din ba kaming on and off? Kaya, tama na. Tama na Pao, sayang naman yung 3 months kong pagmomove on, kung babalik ka din. Out of my life you go. You belong there. I'm happy now. Tsaka, may mga kaibigan, kaklase, pamilya at si.. Crush para makalimutan ka, okay na yun. Diba? Atleast... Nakalimutan ka, hindi man kami, hindi man niya alam, wala mang nakakaalam, kahit papano nakakamove on ako, kinilig ako kahit patago. Okay na yun, kesa wala. Kaya, wag ka ng babalik ha? Maninira ka lang e. Alam ko hindi kita kayang matiis, pero, kakayanin ko. Para sa sarili ko, who knows, when one door closes the other one opens...

Diary ng assumeraWhere stories live. Discover now