3

5.4K 190 8
                                    

3

"MJ this is my nephew, Wendell." Nakangiting ipinakilala ni Ma'am Myra sa kanya ang kanyang pamangkin na siyang magiging trainer niya. "Wendell, this is MJ Quijano."

Ngumiti ang matangkad na si Wendell at ganun din ang ginawa ni MJ. Nakipagkamay naman siya sa kanyang bagong trainer, "Nice to meet you, sir Wendell."

"Please, Wendell will do." Sambit ni Wendell at kinindatan siya.

"Are you sure?" Pakiramdam kasi ni MJ ay kawalan iyon ng respeto lalo pa at limang taon yata ang tanda ng bago niyang trainer.

"Masyado ka pa lang pormal, Miss Quijano."

Napailing si MJ, "Hala, Miss Quijano?" Humalakhak si MJ, "Alright, Wendell it is."

Nakipag-usap pa si MJ kay Ma'am Myra at sa pamangkin niyang si Wendell. Natuwa naman si MJ dahil sa wakas at may makakasama na siya sa kanyang mga trainings.

"Next week pa matutuloy ang finals ng qualifying tournament, MJ." Pang-iimporma ni Ma'am Myra sa kanya, "Pero manonood tayo ng mga laban para sa men's singles and doubles. The team needs our support."

Tumango si MJ, "Of course. I'll be there."

"At least spend time to conduct your drills."

Sa sinabing iyong ni Ma'am Myra ay bigla siyang may naalala, "Right. Ugh, I forgot to renew my membership on my previous fitness center."

"I remember you could go to the best center in town, MJ." Napalingon sila pareho kay Wendell. "Have you ever heard of Fitpad?"

Nang marinig ang pamilyar at sikat na pangalan ng isang health club chains ay umawang ang bibig ni MJ, "Right! I heard it has the best facilities."

Tumango-tango si Wendell, "It does. In fact the biggest center is here in the metro, it's a five-storey building." Iginilid pa ni Wendell ang kanyang ulo tila nag-iisip, "Kung di ako nagkakamali kumpleto siya sa facilities, for physical fitness, MMA training, and I heard Pinoy UFC fighters even go there."

Nakaramdam naman ng excitement si MJ, "I would definitely go there, thanks Wendell."

"You're welcome, MJ."

Kinabukasan ay nilakad kaagad ni MJ ang membership niya sa Fitpad. Pagkaparada ng kanyang sasakyan sa napakalawak na parking lot ng residential building ay halos mabali leeg niya kakatingala sa matayog na building.

"Wow, fitness center lang talaga 'to?" Di makapaniwalang sambit niya atsaka lumabas mula sa kanyang sasakyan.

"If it isn't the famous Quijano." Napalingon siya sa kanan niya at doon ay nakita niya ang pamilyar na lalaki.

"Ronan!" Naglakad siya palapit sa lalaki at niyakap siya. "Member ka ba rito?"

Ngumisi si Ronan at tumango, "I am."

"It is nice to see you again, Ronan."

Ronan Evangelista is a family friend. Ang kanilang mga ama ay magkasama sa trabaho, ang MDM Financial Group at college buddies din.

"You just chose the best fitness center for your training, MJ."

"Really?" Napalingon siya ulit sa matayog na building tapos ay binaling ulit ang tingin kay Ronan. "Hey, pwedeng patulong sa pagpapamember?"

"Sure."

Nagpatuloy sila sa pagkukuwentuhan habang naglalakad papasok sa Fitpad. Bumungad kay MJ ang napakaganda at magarbong lobby at lounge area ng Fitpad.

HRS4: Craving a Hot Romance with the EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon