24
Nais pa ni MJ ang magpahinga lalo na ang kanyang mga mata, pero ang malakas na pag-iyak ni baby Juno ang siyang nagpabangon sa kanya.
"Ouch." Daing niya dahil sa pagpintig ng kanyang sentido.
Nagmamadaling umalis sa kama si MJ at lumapit sa crib ni Juno na pulang-pula na ang ilong kakaiyak. "Come here, baby."
Binuhat niya si baby Juno sa kanyang mga bisig at pilit inaalo. Nag-alala na si MJ dahil sampung minuto na ang nakakalipas ay walang tigil pa rin sa pag-iyak si baby Juno.
"Anak, bakit ka ba umiiyak? Nandito si Mommy." Hinalikan niya sa noo ang anak at muling hinimas-himas ang likod para tumahan.
Ginawa na lahat ni MJ, palitan ang kanyang lampin at painumin sana ng gatas pero hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak si Juno.
"Juan Graciano, stop crying please." Naiiyak na sambit ni MJ, "Pagod na si Mommy, please."
Narinig niya ang pagbukas ng pintuan at nakita niya ang kanyang ama na nag-aalala ang hitsura. "MJ, hindi na siya tumigil?"
"Hindi ko po alam, Papa." Hinipo ni MJ ang leeg at noo ng anak, "Hindi naman po siya nilalagnat."
Naglakad palapit ang ama niya sa kanya at tumapat sa mukha ng kanyang apo. "Oh bakit umiiyak ang aking apo, hmm?"
Akala ni MJ ay tatahan na ang anak dahil sa kanyang ama pero hindi pa rin.
"Alam niya sigurong wala kayo sa bahay kasama ang Daddy niya." Napalingon sila pareho ng kanyang ama sa bukana ng pintuan.
"Po?" Naroon na rin sa kwarto niya ang ina.
Lumapit sa kanya ang ina, "Hija, sometimes, babies know when something is going wrong in their homes. Juno probably misses his father."
Umiwas ng titig si MJ, "Hindi kailangan ni Juno ng duwag na Daddy, Mama."
Eksaktong pagkasabi ni MJ ay lumakas ang pag-iyak ni baby Juno.
"Misty Jeanne, tumigil ka na." Madiing sambit ng kanyang ama. "Ano? Hahayaan mong lumaki ang apo kong walang kinikilalang ama?"
Tumulo ang luha sa mga mata ni MJ. Ilang araw na siyang umiiyak pero bakit tila hindi maubos-ubos ang kanyang luha.
"Pangalawang araw na, anak. Did you check your phone? Tumatawag din si Corey dito sa bahay, may gustong sabihin."
Umiling si MJ, "Masakit pa, Ma. Please, not now."
"Tawagan mo ngayon si Corey, Jia." Napalingon ngayon si MJ sa kanyang Papa. "At least let your son hear his father's voice. Huwag kang mag-alala, hindi ko siya ipapakausap sa'yo."
She bit her lower lip and just watched her mother called someone on her phone. "Hello? Corey, ahm, umiiyak kasi si baby Juno. W-Would you mind talking to him? Your son might be missing you."
Her mother tapped something and she almost sat on the floor when she heard Corey's voice.
"Hello?"
Kitang-kita ni MJ ang paglikot ng ulo ng anak tila hinahanap ang boses. Inilapit pa ng ina ni MJ ang nakaloudspeaker na phone sa kanilang mag-ina.
Tinikom ni MJ ang bibig para di mahimigan ni Corey na nandoon siya.
"Baby Juno." Napapikit siya nang marinig ang malambing na boses ni Corey, "Daddy misses you so much, son. Umiiyak ka raw? Hmm. Stop crying, son. Everything will be fine."
Sa isang iglap ay tumigil sa pag-iyak ang kanyang anak at titig na titig sa phone kahit pa di naman niya nakikita ang Daddy Corey niya sa screen.
"Is Mommy there, son?" She almost gasped when Corey said that. "Don't tire her out. Don't make her worry, okay? D-Did she cry a lot?"
BINABASA MO ANG
HRS4: Craving a Hot Romance with the Enemy
General FictionWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Misty Jeanne or known as MJ Quijano is a woman of strength and beauty. She is a famous professional tennis athlete and one of the highest paid...