16

3.2K 165 27
                                    

16

TWO YEARS LATER

"Happy Birthday, baby Kavina!"

MJ cannot stop taking pictures at the cute baby girl wearing a pretty unicorn inspired tutu dress plus a unicorn headband.

"Grabe, ang gwapo din ni baby Keevan oh!" Dinig niyang sabi ng isang bisita.

Napalingon na rin si MJ kay Caven na bitbit sa kanyang mga braso ang panganay, napakagwapo nga naman ni baby Keevan, napakaputi katulad ng kanyang Mommy Joe tapos ay natural na namumula ang magkabilaang pisngi.

Joe and Caven's youngest child, baby Kavina Hope, is celebrating her first birthday. The birthday party's theme is unicorn inspired, that's why everything is glittering and full of pastel colors such as blue, pink, purple and many colors appropriate for the theme.

Habang pinagmamasdan niya ang pamilya Fraser na nagpapalitrato bilang isang pamilya ay malungkot na ngumiti si MJ.

I never had one.

"MJ?"

Napalingon siya sa lalaking tumawag sa pangalan niya. Ngumiti siya nang makita ang napakagwapo at hot Daddy din na si Dr. Zander Menendez, he is her former orthopedic doctor. Zander is holding his twins on each of his hand.

"Hi Doc!" Napatingin siya sa babaeng katabi niya rin na kalong-kalong ang isang cute na baby boy. "Hala, ang gwapo naman ni baby Matty."

Doctor Menendez's wife smiled at her, "Do you want to carry him?"

She blinked her eyes many times, "I-I can?"

Natulala naman si MJ nang madinig ang halakhak ni Kamilla, pakiramdam niya ay nadinig na niyang humalakhak ang isang anghel mula sa langit. "Of course! Here."

Medyo kabado si MJ nang ilipat sa kanyang mga bisig si baby Matt, ang bunsong anak nina Zander at Kamilla. Napangiti si MJ nang mahawakan niya nang maayos ang bata na titig na titig sa kanya, "Grabe, magkahalong features niyo, Doc!" Nasisiguro ni MJ na magiging habulin ng mga chics ang bunso ng mga Menendez.

"Nasaan ba kasi ang sa'yo?"

Napalingon silang tatlo kay Joe at Caven na nakalapit na pala sa kanila. Ngumuso naman si MJ habang binabalik na si baby Matt kay Kamilla.

"Maghintay ka." Inis na sagot niya at tumawa naman ang lahat ng nandoon.

"Halika nga." Hinila siya ni Joe sa may sulok kung saan walang gaanong tao.

"Ano ba 'yun? Gutom na 'ko!" Reklamo ni MJ.

Humalukipkip si Joe sa kanya, "Nag-aalala na 'ko sa'yo. Bakit halos dalawang taon na, pero parang zero ka palagi sa love life? Hindi ka marunong lumandi?"

Bumuntong-hininga si MJ, "I just don't want to date, Joe. That's it."

"Don't tell me you're still in love with your ex?" Joe asked. MJ was not able to answer and she saw how Joe's eyes became softer. "Wala pa bang dumadating?"

Umiling si MJ, "T-That's the thing, I don't know why I cannot do it myself."

Niyakap siya ni Joe, "Mahal mo pa nga." Yumakap din pabalik si MJ sa kaibigan, "Ang hindi ko lang maintindihan bakit wala pang dumarating sa'yong papel para pormal siyang ... makipaghiwalay sa'yo."

"Hindi ko alam. Aaminin ko, umaasa siguro akong susubok man lang siyang magpakita, magpaliwanag at humingi ng tawad. Pero ... dalawang taon na, wala pa rin."

It's been two years and MJ no longer heard any news from Corey, her husband. Yes, she's still married because there is no legal process that has been done to nullify their marriage. She knows it is the right thing to do, but she does not understand why can't she do it herself.

HRS4: Craving a Hot Romance with the EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon