19
"Ano ulit anak?"
Huminga ulit nang malalim si MJ habang titig na titig siya sa kanyang mga magulang.
"I'm married po ... two years na."
Nagtinginan ang kanyang mga magulang, halatang litong-lito sa sinasabi ni MJ. "Hija, care to elaborate?" Her Papa Handsome spoke.
"Two years ago po, nagpakasal kami ni Corey sa Wilmington."
Napahilot sa noo niya ang kanyang ama habang ang ina ay hinahaplos ang likuran ng asawa, "Anak, it's not even April Fool's Day."
She sighed, "Papa, I am not joking. I, ahh, want to say sorry for not telling you. Hindi ko po sana sasabihin talaga dahil ... magfafile na rin po ako ng divorce."
"Is that why you have that?" Her mother pointed the necklace where she put the two rings. "He has the other one?"
Tumango si MJ, "Opo."
"Ano ulit yung sinabi mo kanina?" Singit ng Papa niya, "Nakita mo si Corey noon at mayroon siyang amnesia?"
Muli na namang tumango si MJ, "A-Actually, it's been a month since Corey left the country. Nasa Los Angeles na po siya nakatira."
Nakita ni MJ ang lungkot sa mga mata ng kanyang magulang, "Bakit ba itinago mo sa amin 'to?" Wika ng ama atsaka tinabihan siya at niyakap, ganun na rin ang ginawa ng kanyang ina.
Ipinatong ni MJ ang noo sa balikat ng kanyang ama, "Sorry po. Nahihiya po ako sa inyo, nahihiya kong sabihin gaano kafail ang marriage na meron ako. Hindi po siya katulad ng sa inyo ni Mama."
"Hush now, hija." Bulong ng ina at hinalikan siya sa ulo. "Nangyari na anak. It must have been so hard for you, hmm? Your husband does not recognize you. Oh, sorry, anak ko."
Hinalikan din siya ng kanyang ama sa pisngi at hinaplos-haplos ang braso, "Hija, whatever your decision is, we will support you."
Tahimik na umiyak si MJ sa bisig ng kanyang mga magulang, kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam niya. Sa loob yata ng mahigit isang buwan ay mabigat palagi ang nararamdaman ni MJ. Kapag wala ang kanyang mga magulang ay magkukulong siya sa kwarto at tahimik na umiiyak.
Walang araw na hindi nangungulila si MJ kay Corey. Muli ay iniwan na naman siya ng lalaki, ni hindi man lang talaga bumalik ang kanyang mga alaala patungkol sa kanya.
"Bakit kasi hindi mo pa alamin? Wala ba talagang pwedeng mapagtanungan?" Pangungulit ni Joe sa kanya.
Nagkita sila ng kanyang kaibigan sa mall at kasalukuyan silang kumakain sa isang fast food chain. Kasa-kasama ni Joe ang kanyang bunso na si Kavina, na masayang nakaupo sa isang high chair habang si Keevan ay nasa tabi ni Joe at busy na tumitipa sa kanyang portable keyboard.
"Kanino ako magtatanong?" Sagot niya sa kaibigan.
"Ewan ko, sa kamag-anak niya? O kaya yung assistant niya?"
Mabilis na umiling si MJ, "Hell no! That Lester is very loyal to Corey, he will surely inform Corey that I asked something about him."
Bumuntong-hininga naman si Joe, "So lalakarin mo na talaga yung divorce papers ninyo sa U.S?"
Marahang tumango si MJ, "Yes. I actually booked a flight already. Two weeks from now, I will go to North Carolina."
"Sumasakit ang ulo ko! Naiimagine ko na ang mukha ni Corey, iyong tipong kakaannounce mo lang na husband and wife kayo pero ilang araw lang din ay magiging ex-husband at ex-wife na kayo sa isa't isa." Stress na stress na sambit ng kaibigan.
BINABASA MO ANG
HRS4: Craving a Hot Romance with the Enemy
Narrativa generaleWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Misty Jeanne or known as MJ Quijano is a woman of strength and beauty. She is a famous professional tennis athlete and one of the highest paid...