9 (SPG)
Nararamdaman ni MJ ang panaka-nakang pagdampi ng isang malambot at basa na tela sa kanyang leeg at noo. The warm cloth dipped in a tepid water somehow gave her comfort, and slowly she opened her eyes.
She saw Corey looking so serious in wiping her face and neck. MJ took his wrist causing him to stop on what he was doing. "Didn't I tell you to leave, Corey?" She said only to wince a little when she felt how scratchy her throat was.
"What are you so mad about, Jeanne?" Corey asked with a very gentle voice.
Bumangon si MJ pero pinigilan siya ni Corey, "Ano ba?"
"Stop being so stubborn. You're sick."
She gritted her teeth, "Sino ka naman para sundin ko? Umalis ka na."
Corey massaged his forehead, "Hindi ko na alam bakit ka ba nagagalit." Tumayo si Corey atsaka kinuha ang maliit na basin kung saan may lamang tubig na maligamgam. "You need to rest. I'll prepare your food, so you could drink your medicine."
Magsasalita pa sana si MJ pero tumalikod na si Corey at lumabas mula sa kanyang kwarto. Inis na sinuntok ni MJ ang kutson ng kanyang kama. "Nakakainis siya."
Gayunpaman ay natagpuan niya ang sariling nanatili sa kwarto hanggang sa bumalik ulit si Corey na may bitbit na isang bed tray at sa ibabaw niyon ay isang basong tubig, itim na bowl na umuusok pa at saging.
Kung pwede lang itulak niya si Corey nung umupo siya sa may gilid ng kanyang kama ay ginawa na ni MJ pero hindi niya kayang magsayang ng pagkain.
"I made you a bowl of chicken congee."
Napatingin si MJ sa pagkain at doon ay naramdaman niya gaano siya kagutom habang nakikita ang tila masarap na pagkakaluto ng porridge.
"Do you want me to feed you, Jeanne?" Masuyong tanong ni Corey.
Sinamaan niya ng tingin si Corey, "I can feed myself." Inis na kinuha niya ang porcelain soup spoon at kumain. Natigilan siya nang dumampi sa labi niya ang lugaw at napaso siya, pero pinigilan niya ang dumaing.
"Mainit." Mukhang napansin siya ni Corey. Marahang hinawakan ni Corey ang kanyang pulsuhan. Nanlaki ang mga mata ni MJ nang ilapit ni Corey ang mukha sa may spoon at hinipan iyon. "There, eat it now."
Hindi na siya umangal at kumain na, kung sigurong hindi siya galit kay Corey ay pupurihin niya kung gaano kasarap ang kanyang niluto.
Parang magkakaroon pa yata ng stiff neck si MJ dahil sa nakatitig lang talaga siya sa bowl, ramdam niya kasing nakamasid si Corey sa kanya.
"Ang pawis mo. Saglit." May kinuha si Corey sa tray, isang white table napkin na gawa sa tela. Natigilan si MJ nang simulang punasan ni Corey ang noo at leeg niyang pawis na pawis. "How are you feeling now, sugar? Gusto mo pa ba? Mayroon pa sa kusina, ikukuha ba kita?"
"Anong tingin mo sa'kin, matakaw?" Mataray na sambit niya.
Bumuntong-hininga na lamang si Corey, "Baka lang nagugutom ka. You probably fainted because of hunger."
"You're not a doctor to say that. Tss." Kinuha naman niya ang isang basong tubig at ang paracetamol na nasa tabi tsaka uminom. "Okay na, itabi mo na 'yan. Matutulog na ako, at ikaw, umuwi ka na."
Walang ano-ano ay humiga si MJ ulit at tinagilid ang katawan para di makita si Corey. Narinig lamang niya ang pagliligpit ni Corey at ang kanyang mga yabag hanggang sa makaalis na si Corey sa kwarto niya.
Matutulog na sana ulit si MJ nang mapagtanto niyang hindi pa siya nakakapagpalit ng damit simula nang umuwi siya sa kanyang unit.
"Shit, ang baho ko yata." Bumangon siya at pumunta sa may wardrobe cabinet. "Mukhang hinilamusan naman niya ako, pwede na." Bulong niya sa sarili sabay hablot sa isang t-shirt, underwear at shorts.
BINABASA MO ANG
HRS4: Craving a Hot Romance with the Enemy
Fiksi UmumWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Misty Jeanne or known as MJ Quijano is a woman of strength and beauty. She is a famous professional tennis athlete and one of the highest paid...