17
"Paano? Kailan? Saan?"
Napayuko na lamang si MJ habang namumula ang kanyang ilong dahil sa kanyang pag-iyak. Nakatayo sa harapan niya si Joe at palakad-lakad. "Hindi ko alam."
"Hindi kaya nagpapanggap lang ang yummy mong husband?" Pagdududa naman ni Joe.
Iniangat niya ulit ang kanyang ulo at nakita niya ang pagngiwi ni Joe dahil sa kanyang nakakahabag na hitsura. "Y-You look miserable, MJ." Joe sat on the free space of the couch.
"Hindi siya mukhang nagpapanggap lang. Kinilatis ko kilos niya, litong-lito talaga siya nung sinampal ko siya. Tapos sa unang beses na nagkita kami, MJ ang tinawag niya. That's not Corey, my husband would call me sugar or Jeanne."
Joe nodded slowly, "Pero bakit hindi man lang natin nalaman na naaksidente siya?"
Nagkibit-balikat si MJ at binuksan ang pangalawang box ng tissue dahil walang tigil siya sa pagluha. "I wanted to ask him but I was in shock and in confusion to do it. He even saw my rings, yet he did not recognize the one he gave."
Kinuha naman ni Joe ang box ng tissue tapos ay siya na ang nagpunas ng kanyang mga luha, "Hush now. We're going to find it out, okay?"
She nodded like a kid who is in front of her mother. "I-I still love him, Joe. I never stopped, pero siya, parang tumigil na, mali, hindi na niya ako mahal."
"Don't say that, he has amnesia."
"At ang utak lang niya ang nakakalimot, pati ba puso affected?" Hindi nakasagot si Joe kaagad sa kanya. "Now, you can't answer me. That's it, I am going to U.S and file for a divorce."
"MJ, wag kang padalos-dalos."
She shook her head quickly, "No. This has always been the plan! Hindi siya tumupad sa usapan noon. Dapat matagal ko nang ginawa 'to. Ewan ko ba bakit hindi ako kumilos kaagad."
Joe sighed in front of her, "At least tell him first that the two of you are married." Joe held her hand, "I think his heart recognized you, MJ. Why don't you keep on showing up, you might help him get his memories back."
"Oh yeah? Then, he will remember that he chose his criminal of a mother over me. Babalik lang yung sakit, Joe. Ayoko na." Napatakip na siya ng mukha at muling umiyak. "I cannot go over to that same pain again. Iyong sakit na hindi ako pinili."
Niyakap siya ulit ng kaibigan at hinaplos-haplos ang kanyang likuran, "I'm sorry, MJ. I forgot how painful it was for you back then."
"And it is still painful until now, Joe. Iyong hindi naman niya sinasadya kung bakit ako nasasaktan ngayon, pero wala, masakit din itong ngayon."
Hindi rin naman siya nagtagal sa bahay nina Joe dahil kailangan din ng kaibigan niyang asikasuhin ang kanyang mga anak. Kaya nung makahinahon na siya at bahagyang gumaan ang pakiramdam ay nagpaalam din siya sa kaibigan.
Habang bumibiyahe siya ay siyang buhos naman nang malakas na ulan. Malungkot siyang ngumiti habang nakatitig sa kalsadang basang-basa na.
"What a nice timing."
Natagpuan ni MJ ang sarili na pumunta sa isang coffee shop. Hindi niya gustong umuwi sa bahay na ganoon ang hitsura dahil paniguradong uulanin na naman siya ng tanong ng kanyang mga magulang, hindi pa kasi niya nasasabi na nagkita sila ni Corey at nabagok ang ulo kaya isa siyang stranger sa lalaki.
"Hi, Ma'am! What shall we prepare for you?" The energetic crew of the coffee shop smiled widely as she was speaking to her.
"Blonde vanilla latte, please." She cleared her throat when she felt it was too scratchy, maybe because she cried nonstop at Joe's house. "Extra foam, please."
BINABASA MO ANG
HRS4: Craving a Hot Romance with the Enemy
Ficción GeneralWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Misty Jeanne or known as MJ Quijano is a woman of strength and beauty. She is a famous professional tennis athlete and one of the highest paid...