10

3.9K 188 23
                                    

10

"Hi MJ!" Coach Laine is waving her hand the moment she arrived at the sports center where they will have their drills and intensive training.

She smiled at her coach, "Hi po!" Patakbo na siyang lumapit sa ginang na nasa outdoor tennis court. "Maaga yata tayo?" Nilingon niya ang buong paligid at nakitang sila pa lang dalawa ang nandoon.

Umiling si Coach Laine, "Actually, Villagomez and his team are here. He just assisted the male doubles in the other court."

Parang may mga paro-paro sa kanyang tiyan nang marinig ang apelidong iyon, awtomatikong isang hot at gwapong lalaki ang nakikita niya kapag naririnig iyon.

"I'll go to the locker room first to change my clothes." Nakasuot pa kasi siya ng maong shorts at shirt.

"Go on."

Pumunta siya sa may locker room. She was about to put her things on the last locker when something caught her eyes. May isang neon green sticky note ang nasa may dulo ng locker. "Hmm, what's that?"

She got curious and so she went to that locker. She gasped when she saw what was written on the note. "Open this, sugar." She read on the sticky note then looked at it.

Pinihit niya ang lock ng locker at nang marinig ang pagunlock ay napalunok siya ng ilang beses at binuksan iyon.

Nakita niya ang pamilyar na shopping bag na may nakatatak na sikat na brand ng sports shoes, ang K Swiss. Mayroong sticky note ulit doon sa paper bag at binasa.

To my Misty Jeanne,

It's a limited edition sugar, wear it today.

Forever yours,

C.G.N.V.

Kinuha niya ang paper bag atsaka nakita roon ang shoe box. "H-He bought this for me?" Nanginginig pa ang kanyang mga kamay habang inilalabas ang shoe box atsaka umupo sa stainless steel bench.

Nakita nga niyang kakaiba ang shoe box at nang makita na niya ang nasa loob ay umawang ang bibig niya, "Oh my God." Mahinang sambit niya habang hawak-hawak ang isang sapatos. "A Hypercourt? And limited edition?"

Namamanghang sambit niya habang pinagmamasdan ang kulay maroon at may kaunting gintong kulay na sapatos. Hindi siya nag-aksaya ng panahon at isinuot niya kaagad ang bagong sapatos na tamang-tama lamang sa kanyang paa.

"He knows my size." Her lips' corners are curved upwards as she looks at her feet wearing those limited edition shoes from a very famous brand.

Ipinusod niya ang kanyang buhok atsaka na lumabas sa locker room at bumalik sa tennis court. Nakita na niya si Corey na kausap si Coach Laine, marahil pinag-uusapan ang kanilang training.

Lumapit siya sa may bench kung saan nakaupo si Sandra doon. "Hi." Bati ni MJ sa teammate na seryosong nakatitig sa kanyang phone.

Lumingon sa kanya si Sandra, "Hi." She said flatly then looked at her phone again.

Napanguso naman si MJ dahil sobrang snob kasi nitong si Sandra, kinakabahan tuloy siya kung makakasundo niya ba sa court ang babae.

"MJ."

Napalingon siya sa harapan niya. Di niya namamalayang nakalapit na pala sina coach Laine at si Corey sa kanila.

Biglang nataranta si MJ nang magsalubong ang titig nila Corey tapos ay bumaba ang titig ng lalaki sa kanyang paanan, "Nice shoes, Quijano."

Ramdam niyang tumitig na rin ang dalawa pa nilang kasama sa kanyang paanan, "Wow, are those K Swiss?" Sambit ni coach Laine. "Nice shoes, MJ."

"Ahm, t-thanks po. I-It's a gift, actually." Pasimple niyang tinitigan si Corey na bahagyang nakanguso halatang pinipigilan ang ngumisi nang malapad.

HRS4: Craving a Hot Romance with the EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon