FRANCE PARLEY
"Wala ka talagang silbi!, palamunin ka!, napaka-simple ng pinapagawa ko sa'yo hindi ba?!, naglalakwatsa ka nanaman siguro ano?!, punyeta kang bata ka!, isa kang pabigat!" sigaw sa akin ni papa.
"Pa pasensya na po, gumawa lang po ako ng project sa school kaya po late ako naka-uwi-"
"At sumasagot ka pa?!, walanghiya ka!" hindi na ako nabigla sa sampal na kaniyang iginawad sa'kin
Tumulo nanaman ang aking luha, hind na ako nag-atubiling punasan, hinayaan ko nalang.
"Huwag mo akong iyakang bata ka!, inutil!, naku umalis ka na sa harapan ko at baka hindi lang yan ang matamo mo sa'kin" agad akong pumasok sa aking kwarto at ini-lock ang pintuan.
Totoo namang gumawa ako ng projects sa school. Apat pa nga 'yun eh, ang akin at ang tatlo ay sa aking classmates, binayaran naman nila ako kaya ayos lang. Wala naman kasing maibibigay sa'kin si papa na pera dahil wala siyang trabaho. Hindi ko nga alam kung pano pa siya nakakapag-sabong kasama mga kumpare niya eh.
Naligo na ako at nagpalit ng damit pantulog. May mga assignment pa akong tinanggap na para bukas. Ito lang ang alam kong paraan para kumita ng pera, para pang-gastos ko rin sa pangangailangan ko sa school.
Kaya siguro nilayasan ni mama si papa dahil sa ugali niya. Simula nung umalis si mama samin, halos araw-araw lasing si papa kung umuwi, puro sabong ang inaatupag, mas itinuring niya pa nga 'yong panabong na manok na anak kesa sa'kin eh. Nagalit nanaman siya sa'kin dahil sa hindi ko nanaman pinakain yung pang-sabong niya.
Tanginang manok 'yon, gawin ko talagang fried chicken yan pag napuno ako.
"France?, halika at kumain na" tawag sa akin ni lola mula sa labas.
"Sige po lola, lalabas na po ako!" sabi ko at iniligpit muna ang iba sa aking ginagawa at lumabas na.
Simula ng maghiwalay si mama at papa, tumira na kami dito kay lola, more like inaya na kami ni lola kasi baon na baon na kami sa utang duon sa dati naming tirahan. Ibinenta ni papa ang bahay at lupa namin don para makabayad sa mga utang.
Ngayong nandito na kami sa pudar ni lola, wala ng paki si papa, kumakain naman daw ako at may maayos na matutulugan kaya nagpapa-sarap na siya sa buhay.
Naabutan kong naghahanda si lola sa hapag kaya agad akong tumulong. Si lola lang ang may sagot sa kuryente, tubig at pagkain, hindi niya masita ang anak dahil nga sa sobrang mahal niya si papa. Kaya rin hindi na ako humihingi ng pera na kinakailangan ko para sa school dahil sapat lang ang kinikita ni lola para dito sa bahay, nagtatrabaho lang siya dyan sa may Laundry Shop.
"France apo, tawagin mo na ang papa mo ng maka-kain na tayo" ngiti sa'kin ni lola
"Nako lola, bahala siya dyan" sabi ko, nangiti nalang si lola, alam niya kasing nagsisimula ng sumama ang loob ko kay papa.
Natapos naman na kami sa hapunan at ako na nag-prisintang mag-hugas. Binilisan ko nalang dahil baka maabutan nanaman ako ni papa at bulyawan O saktan pa ako. Hindi niya kasi ayusin buhay niya, siya 'tong pabigat dito eh, konti nalang hindi ko na siya ituturing na papa eh.
Saktong natapos na ako sa paghuhugas ng kumalabog ang pintuan
"Putanginang yan!, talo nanaman!"
Oh fuck galit nanaman!, tago na self!. Nagtatakbo na ako papunta sa aking kwarto at agad nag-lock. Asikasuhin niya sarili niya don hmp.
Nag toothbrush muna ako at pinagpatuloy ang pag-gawa sa mga assignment. Nagpapabayad ako ng 100 pesos kada isang assignment, syempre depende ang presyo, pag-mahaba yung assignment edi tumataas ang presyo, mayayaman naman ang mga iyon at wala na silang reklamo sa pine-presyo ko. Palibhasa sustentado ng mga magulang, edi sana all.