FRANCE PARLEY
Parang hindi lang ako umiyak kani-kanina dahil sa trato niyang ganito, jusmiyo!
"Aww!, masakit nga sabi eh!, luh ano ba?!" walanghiyang Alendro 'to!, hinahatak niya kasi ako papuntang Gymnasium, mag t-training daw siya para sa volleyball, maki-epal ka lang naman don habang may training tapos nagustuhan ni coach performance mo may chance ka na maging varsity eh
"Ang OA mo, hinahatak lang naman kita?"
"Stupid!, natatalisod ako!, masakit sa paa! , pwede bang bagalan mo lakad mo?!' dambuhala kasi!, asar!
Tinawanan nalang naman niya ako at hintak na uli papuntang Gymnasium, so close na kami nito ganon?, improving mamsh HAHAHAHAHAHAHA
Nang makarating na kami sa Gym, andito ang karamihan sa varsities, kanya-kanyang practice, training, daldalan etc. Hindi naman na bago na makita ako ng mga yan dito dahil nga vice president ako sa sports club--
"Andyan ka na pala Junior Vice!, tara na at mag-start na ang meeting!" shuta!, oo nga pala!, ako pinapa-attend ni Jason dito!, kamuntikan ko pang makalimutan!. Dito naman pala ang meeting eh, asan na yung gagong yon?!
"Punta ko muna don, tingin lang sa mga volleyball" paalam ni Alendro, tumango nalang ako at pumunta na sa space kung saan mag me-meeting na. Bali andito lahat ng officers, Senior president, vice and secretary. Samantalang ako sa Junior, vice at secretary lang ang nandito, yung punyetang president namin nowhere to be found
"So ayun nga 'no, alam niyo namang Intrams na and as usual, budget ng club natin ang mangangalaga para sa pagkain ng mga vartisies. Tayo rin ang mag fa-facilitate to make sure na in order ang lahat na gagawing activities within the week. Any suggestions para malikom pa tayo ng pera?" bali lahat lang ng officers at members ng sports club ang makaka-alam nito, tuwing intrams at may kung anong game pa ang school sa sports, club namin ang nauuna dyan
"How about we ask our members na mag-ambag?, like before lang. 100 pesos each student"
"Okay sige, ano pa?"
"Let's collect din ng mga branded shoes, headbands, socks, yung madalas na ginagamit ng mga players. Tapos we'll sell it for additional budget diba" opo, ganyan kayaman ang mga tao dito sa University, pang-mayaman talaga, yung hindi ko kaya, nakakaloka
"Good idea, madali nalang ang mag fund raising because we all know nga na kayang-kaya na bilhin yan ng students. Settled na yang part na yan, sabihan ko ang student council ng mga gagawin natin mamaya para ma-aprove na agad at makapag-simula tayo. Sa decorations naman ano?" gastos talaga ng sports club ang mananaig potek
"Royal blue balloons para ipapalibot sa buong school, then mga bandana na ipapakalat sa students at ang maghubad ay multa ng 150 pesos, that's my idea for fund raising. So back to the school's design, as usual tarpaulins na mukha ng players at logo ng ating school, confetti para sa magiging winner ng each activities. We don't really need to design the school naman kasi masisira lang, so balloons and tarpaulins are fine. And I was thinking for the officers to wear something na same lang ang design para pag nagkaroon ng problema, we can address it fast. Since we'll about to separate, para mabantayan ng tama ang lahat, siguro shirts with prints na 'sports club officers' and 'sports club members', hindi na kailangang fancy kasi alam ko namang itatapon na yun pagkatapos kaagad ng intrams" mahaba kong sabi, I generalize my ideas para hindi ako mahingan pa ng opinyon, seryoso lang ako habang sinasabi yun kaya nakinig sila ng maigi.
"Good one France, ayos na rin tayo dyan, i'll take note about the bandanas and shirts, sa pagkain naman, ano?"
"Cooking club will surely participate din, it's their apportunity to earn funds again for the foundation next year, we'll let them do that so that they can gain too. Kaya ang sasagutin nalang natin ay ang pagkain ng varsities and club members" sabi nung vice sa seniors, yep that's right, tulungan lang