Chapter 5

0 0 0
                                    

FRANCE PARLEY

"Nak?!" Sigaw ni papa mula sa baba


"Po?!, nag susulat ako eh" bumaba na rin naman ako. Sabado ngayon hehe, alaws pasok.


"Nakuha ko na unang sweldo ko!, magbihis ka dali!, lalabas tayo" ngiting-ngiti na sabi ni papa. Kaya naman pala umalis siya kanina. Umaga pa lang, 8:00 AM


"Weh?!, wait lang pa!, gisingin ko lang si Marvy!" Dali-dali akong umakyat at dumiretso sa kwarto nang kapatid ko


"Marvy?, hey wake up ka na" marahan kong gising sakanya, naalimpungatan naman siya


"Po?"


"Good morning baby!, bangon ka na. Aalis tayo nila papa"


Tinulungan ko siyang maligo at mag-ayos ng sarili tsaka ko siya ibinaba


"Aba ang gwapo ah!, halika nga dito"


"No papa!, waaahh ate!" At ayun nga po ano, naghabulan ang bata at isip bata.


Natawa nalang ako at umakyat na para mag-ayos ng sarili. Naka-panjama pa akez noh!


Halos isang buwan na ang nakalipas ng mangyare ang paglalabas ko sakanya ng sama ng loob. Pagkalabas niya nun sa hospital, tatlong araw pa lang may trabaho na siya. 34yo pa lang si papa, gwapo kaya niya tapos makisig (kaya sobrang sakit ng sampal niya eh punyeta) tapos 6 footer pa. Simula non, lagi nalang siyang nasa bahay, pinatigil na ni papa si Lola sa pagtatrabaho at nandito nalang din sa bahay. Kapag nga namamalengke si Lola, kasama kaming tatlo HAHAHAHA sabi ni papa eh. Tuwing linggo nagsisimba na rin kaming apat tapos papasyal sa mga parks.


Tuwing may assignment naman si Marvy, si papa na ang nagtuturo. Kaya mabilis napalapit si Marvy kay papa at ganun din si papa. Lahat ng bisyo niya itinigil niya, nag jo-jog siya tuwing umaga, inaaya pa nga niya ako, syempre sama na rin, way yun ni papa para bumawi eh. Kahit naman wala siyang sinasabi, alam ko na nagsisisi na siya, matagal ko na siyang napatawad. Sa loob lang ng isang buwan, ang daming nagbago.


Kung dati itong bahay parang lagi nalang may lamay, ngayon buhay na buhay na. Lahat ng bintana binubuksan ni papa tuwing umaga, pinalitan na din niya yung ibang bombilya kaya mas lumiwanag. Nung nakaraan nga, nagtanim pa siya ng halaman sa labas HAHAHAHAHA kasi diba may gate kami, tapos may malawak na grass, dun naglagay-lagay siya ng paso, nagbungkal ng lupa, nagtanim ng bulaklak tapos mga gulay, kaya si lola tuwang tuwa din. Menos sa gastos daw at aalagaan lang, tutal madalas na daw siya sa bahay, aalagaan nalang daw niya yun.


At madalas kong nakikita si papa na naglalaba sa likod bahay, nagsasampay, nagluluto ng kakainin namin, namamlantsa ng mga damit lalo na sa uniforms namin ni Marvy, at naglilinis ng bahay. Two in one na talaga si papa, papa na mama pa HAHAHAHAHA.


Natapos naman na ako sa pag-aayos ng sarili ko at bumaba na rin. Naabutan ko silang dalawa na nanonood ng cartoons. G na g si papa oh!


"Pa si lola?" Tanong ko, napalingon naman silang dalawa sa'kin at kumurap. Luh?


"Kamukhang-kamukha mo talaga mama mo 'nak. Ganda!" Puri pa ni papa, dUh i know mwehehe. Maganda talaga si mama pramis, maputi, tangos ilong, makapal kilay at medyo sa labi, sexy pa!.


"Oo nga po ate, akala ko si mama na kaharap ko!" Cute talaga ni Marvy!, pansin ko rin na hindi na siya gaanong conyo, sometimes nalang.


"Nga pala, ayaw daw sumama ni mama at dun nalang siya tatambay sa cafe shop nung kumare niya. Kaya tara na at ilo-lock natin ang bahay. May spare key naman na si mama" sabi ni papa kaya ayun, pinatay lahat ng dapat patayin at tuluyan ng isinara ang bahay.


Comfort of Euphoria (on-going)Where stories live. Discover now