FRANCE PARLEY
Potanginaaaa, ang sama ng pakiramdam koooo...
2nd day of intrams let's go. Kagabi nagpa-uwi ako, syempre baka nag aalala na sila lola and Marvy.
Naligo na ako at nag asikaso, hindi naman na ganon kasama pakiramdam ko katulad kahapon... medyo nalang. 7:40 na?, amputcha!
Dali-dali akong bumaba, naabutan ko sila lola na nag uumagahan
"Oh apo?, papasok ka?" obvious? charot!
"Opo!, bye Marvy!" kiniss ko siya sa noo, antok na antok pa ang bebe. Kumuha lang ako ng pandesal na may itlog na palaman sa lamesa at tumakbo na palabas ng bahay.
Shit wala nga pala si Alendro, ang alam non hindi ako papasok ngayon!. Bahala na, commute nalang!
Sumakay na kaagad ako tricycle... ilang minuto lang nasa jeep naman ako. 8:00 na hoy, late na 'ko. Sabagay late naman na ako, edi wag na magmadali sus. After minutes nakababa na ako sa harap ng school. 8:20, ayos ka France HAHAHAHA. Late si tanga!
"Oy neng!, late ka ah!" uy si Kuya Guard na hanggang ngayon 'di ko pa rin alam pangalan
"Late ako nagising eh hehe, una na 'ko kuya!" nagtanguan nalang kami at pumasok na ako. Intrams naman, no need for late slip!
Ingay ah!, basketball na nga pala this day, ay kaya maingay. Bida-bida nanaman ang varsity players dyan, yung iba syempre magiging magkalaban, by section kasi ang labanan.
"President!, ano pong gagawin ko?" tawag pansin ko don sa shs president namin
"France?, buti nakapasok ka?. Anyways, ganon pa rin naman" nagtatakang tingin niya sa'kin. Lagnat lang 'to eh HAHAHAHAHA
"Ay sige po!, ikot-ikot na 'ko!" tinanguan ko nalang sila at nag ikot-ikot na. Wala ng bandana ngayon, dami ng budget na nakuha kahapon HAHAHAHAHAHA yayaman nila eh.
At dahil nga start of the day pa lang, wala pang nagsisimula na laro. Kaya ayun, pupunta ko canteen, gutom ako lodi hshshs. Hingi nalang rin ako gamot sa clinic.
Agad naman akong naka order ng pagkain, syempre chibog agad!
"Wassup France!, andito ka lang pala!" kaldag pa sa'kin ni gago, putangina!
"Tangina mo Jason, papatayin kita!" lakas kumaldag, animal na 'to, nabulunan kaya ako!
"Kalma!, high blood mo naman, ang aga aga eh!" tawa pa niya, eh kung sungalngalin ko siya ngayon?
"Ang aga aga rin badtrip ako sa'yo." irap ko at nagpatuloy sa pagkain. Tomguts nga ako eh
"Inaano kita? HAHAHAHAHA kalmahan mo nga lang!. Pero himala ah, 'di mo kasama si Smith?, may iba ng babae 'no?"
"Pakelam ko don, edi mambabae siya, support ko pa eh. Alam mo, ang aga aga nga tapos ikaw putragis ka ang ingay mo!" piningot ko nga, epal epal eh.
"Araaaaay!, walangya bakit ka galit na galit?!" binitawan ko na at nginitian siya sabay irap. Che!
Nagpatuloy naman ako sa pagkain, naupo pa si bobo sa harapan ko. Luh
"Oh bat ka naka-upo?"
"Kasi hindi nakatayo, bobo mo naman!—joke!, joke lang! HAHAHAHAHAHAHA" kamuntikan ko na siyang masakal, sayang at nakaiwas.
"Nood ka ah!, first game kami mamaya 9:00, 'di ko pa alam kalaban. Baka kayo" tinanguan ko nalang siya at inubos na ang kinakain ko.
"Ge, una na 'ko. Hihingi pa 'ko gamot sa clinic eh-"