Chapter 2

3 0 0
                                    

FRANCE PARLEY

"What is going on in here?, go on students, magsi-pasok na!" agad naman nawala ang aking mga audience nung sumigaw si Ma'am Ilagerz, joke!, Ma'am Ilagan lang.

"Morning ma'am" sabay naming bati ni Jason

"Good morning din, oh what happened to you France?" gulat na tingin niya sa'kin

"Nagka-holdapan kanina ma'am eh, di ko trip ibigay gamit ko, ayun lumipad nalang ako palabas ng jeep, I believe i can fly" gulat at nanlalaking tingin ang natanggap ko mula sa dalawa

"What?!" sabay nilang sigaw



"Whatatops, sakit na nga katawan ko, pati eardrums ko idadamay niyo pa, maawa naman kayo sa'kin--aray ma'am!, inaano ko ba kayo at binabatukan niyo ko?, mapanakit kayo ah!" umilag naman ako sa muling pwersa na dadagok nanaman sa aking ulo, masakit pa hoy!


"Did you know na serious matter ang naganap sa'yo?!" bulyaw sa akin ni ma'am at iginaya na ako papasok sa school, naka akbay pa rin ako kay Jason

"Ay weh legit serious matter ba yun---sabi ko nga ma'am seryoso yun hehe" sama ng tingin hmp


"Good morning ma'am! oy neng, kita kong tumalon ka dun palabas sa jeep ah!, hay nako may nag 123 nanaman, mahiya naman kayo at mag-bayad"


"Kuya guard, eh kung ikaw ang ihagis ko palabas ng jeep?, aba tapat akong studyante at nagbabayad ho ako!, tsaka nakita mo naman pala ko kanina eh!, bakit 'di ka tumulong?!, patayo-tayo ka nalang dyan at lamon ng lamon, laki na ng tyan mo oh!, at sinong tao na magagawang tumalon palabas sa jeep dahil lang sa 123? masyadong creative utak mo kuya"


"Bastos ka talaga France" bulong ng natatawang si Jason sa akin


"Kamuntikan ng ma-holdap ang bata kuya, tapos pagbibintangan mo pa studyante ko?, papalitan na kaya kita 'no" irap ni ma'am at tuluyan ng pumasok


"Ma'am biro lang ho!" sigaw ni kuya guard


"Che!, France at Jason, halika na!" sigaw sa amin ni ma'am


"Bleh, kala mo ha HAHAHAHA" tawa ko kay kuya at sumunod na kay ma'am na papuntang clinic


"Kabataan nga naman oh" kamot ulo na sabi ni kuya, tinawanan nalang namin siya ni Jason


"Nurse, paki asikaso naman" sabi ni ma'am sa masungit na siguro menopause na na si ate nurse


"May naka-away ka 'no?, dahil nanaman sa lalaki?, jusko mga batang ire, kire pa sige, kebabata pa puro pag jo-jowa ang inaatupag, hala mag si aral nalang kayo ng may magandang maidulot ang pagpapa-aral sa inyo ng magulang niyo" ay? meganon?, at sinimulan na niya gamutin ang aking mga sugat, pinanood naman ako ni ma'am at Jason, 30 minutes pa naman bago mag-bell hudyat ng pagsisimula ng klase


"Offend na offend na pagkatao ko sa inyo ah!, makapag-salita 'tong mga ito. Ate, hindi ho ako cheap, for the better understandment of yours para makipag sagupaan sa kapwa babae para lang sa walang kwentang lalaki, at tsaka wala ho akong jowa, at wala akong time para lumandi, alam ko namang maganda ako eh, ano ba kayo ako lang 'to" napatawa nalang sa gilid si ma'am at Jason dahil sa sinabi ko, tawa kayo dyan. Seryoso ako sa part na maganda ako noh.



"Sus ginoo hija, wag ako, alam na alam ko na iyang mga taktika niyo, asan na ba mga magulang niyo ha, dapat pinapatawag eh" irap pa niya habang braso ko naman ang ginagamot niya


"Magulang ko ho?, sus ginoo ate nurse, wala naman sila saking paki eh hehe, wag ka mag-alala, sa susunod hindi nalang ako tatalon palabas sa jeep para ma-holdap nalang ako at mawala yung pinaghirapan kong pera para sa sarili ko, salamat po sa pag-gamot, una na'ko" walang emosyon kong sabi at tumayo na


Comfort of Euphoria (on-going)Where stories live. Discover now