Chapter 13

3 0 0
                                        

FRANCE PARLEY

At dahil nga November na!, andito nanaman ang INTRAMURALS!. So heto kami ngayon... naging policy (neks nemen), not totally policy naman ng school. Pero tuwing Intrams nga, need ng students na mag practice diba. So every morning lang ang class, pag patak ng Lunch Break hanggang 3 which is uwian, ay vacant ng lahat. Malay ko lang sa College students, may kanya-kanyang schedules yung mga yun eh HAHAHAHAHA

Kung kanina recess, lunch na po namin ngayon, at kasama ko na si Marvy, ang aking super cute na kapatid!

"Ate?"


"Hmm?" baling ko sakanya at inubos na ang pagkain ko. Busog!


"You have something on your cheek po eh" turo niya sa pisngi ko kaya agaran kong kinapa. Wala naman ah?


"Let me, ang tanga naman kasi" tamo 'tong shokoy na 'to!


"Hiningi ko ba tulong mo-asfklj" pinunasan naman na niya yung sauce sa kung saang parte ng bwakanang pisngi ko


"Marvy eats more decent than you" nangutya pa?!


"Ang epal mo!, perpekto ka ha?, kala mo naman kung sinong hinubog ng puong may kapal na meron ng lahat!" Itong Alendro na 'to! grr!


"Point one thing na wala ako, sige" oh edi siya na perfect!, tinarayan ko nalang. Lord kelan ba 'ko mananalo sa supladong 'to?


"Ang cute niyo pong tignan hihi" ay Marvy, bad words!


"Ganun talaga pag masyadong magaganda yung lahi namin-"


"Anong namin?, ako lang. Assumera" ah?


"Linya oh, linyaaaa. 'Di ka kasali!" imagination ang linya sa pagitan namin! punyeta siya!


"Weh pikon" lakas mang-asar nito lord!, hinay-hinay naman! makakasapak ako ngayon ng nilalang na ginawa mo God eh.


"Lul!, tumahimik ka nga!. Lahat nalang naka-kontra ka eh" inambaan ko pa siya ng suntok, wengya! 'di natalab!



"Pano kakontra-kontra ka kasi, 'di ko na kasalanang kabara-bara ang bawat statement mo-aray!" sinuntok ko na!, animal na 'to.


"Gago ka, tantanan mo nga ako!. Lakas ng sapak nito" at bumaling ako kay Marvy na humahagikgik lang, pinunasan ko naman ang bibig. Punong-puno ng chocolate!


"Hi France!, hi Alendro!, hi baby boy!" biglang upo ni Jas sa tabi ni Alendro, dahil nga sa likas na maarte ang kupal na yan, agad siyang tumabi kay Marvy, bali napaggigitnaan na namin yung kapatid ko HAHAHAHAHAHA


"I'm ate Jas!, what's your name baby?" masigla niyang tanong at nginitian si Marvy, ay transition! from smiling to simangot!


"I'm not a baby anymore so don't call me that. My name's Marvy" magkapatid po talaga si Alendro at Marvy, kasi ako 'di naman suplada, malay ko lang dyan kay Alendro. Maniwala uto-uto sige.



"Okay!, Marvy then!. By the way France!," at bumaling siya sa'kin, kaya napatingin din ako sakanya "totoo ba yung chika?, my ghad president ha!, kalat na kalat ang issue na two-timer ka daw?!" sabi na kaya lang nandito yan ay sasagap ng chismis. Chismosa talaga. Napansin ko namang yung ibang mga studyante na nakapaligid samin at napalingon sa'kin. Ganon ako kaganda! de joke lang



"My ghad vice president ha!, totoo ba yung chika?, na chismosa ka daw?!" pang gagaya ko pa sakanya. Kunware shook na din ganern. Tinawanan ko naman nung sumimangot, Alendro and Marvy are just listening lang.


Comfort of Euphoria (on-going)Stories to obsess over. Discover now