FRANCE PARLEY
"Anak..."
"Po?" baling ko kay papa, lutang pa 'ko!. Kakagising ko lang eh!
"Mangingibang-bansa ako..." ha?
"Hmm" response ko at itinuloy ang pagkain. Si Marvy at Lola naman ay walang imik na kumakain lang
"Ayos lang ba anak?" ewan ko din
"Ayos lang pa, saan po ba?"
"Japan" naks! pwede bang sumama, char HAHAHAHAHA
"Kelan alis mo pa?" uminom ako ng tubig at iniligpit ko na kaagad yung pinagkainan ko
"Mamaya-"
"HA?! BAT ANG BILIS?!" agad kong baling sakanya, anak ng potakte! agad-agad?!
"Yung boss ko kasi, sabi niya mas maganda daw kung duong branch na ako maglalagi, malaki na daw sweldo, kwalipikado pa raw ako... hindi na ako nagdalawang-isip pumayag agad. Anak, mas malaki ang sasahurin ko dun, makakabili ka na ng mga gusto mo..." tuwa yarn?
"Anong oras po ang flight?"
"1 PM anak..." puta 'di man lang namin ni Marvy maihahatid si papa sa airport
"Si Lola lang po ang maghahatid sa inyo?"
"Hindi, ako nalang mag-isa para pag-uwi niyo, andito ang Lola niyo" ahhh, settled na pala eh.
"Edi ayos na pala?, may problema pa po ba?"
"Wala naman, pero ayos lang sa'yo na aalis ako ng bansa?" bakit akin lang tinatanong?, alam na ba ni Marvy? shet?
"Wala naman na akong magagawa eh. Ayos lang naman sa'kin pa, tuwing kelan ka ba uuwi?"
"Every Christmas to New Year... pero this year hindi ako makaka-uwi, kasi magtatrabaho na ako kaagad dun. Hindi ko kayo makakasama, pero next year makaka-uwi ako..." dahan-dahan niyang sabi. Awit lods.
"Ahhh, sige po. Maghahanda lang ako para sa school" umakyat na ako at 'di na lumingon. Medyo nagtatampo lang ako, 'di ko siya makakasama sa pasko at bagong taon eh.
Mabilis naman akong naka-ayos. Monday ngayon kaya naka-coat kami, putcha ang init!. Kinuha ko na ang dapat kuhanin at bumaba na. Nays ang gwapo ni Marvy!, bagay na bagay sakanya ang uniform!. Pag grade school kasi, hanggang tuhod lang ang pants. Tapos walang necktie, pero may coat. Ang I.D nga pala namin naka pin sa kaliwang side ng chest, walang lace.
Marvy Welton
Kinder 2- BlueI.D ng aking kapatid
France Parley
Grade 9- EliteYan naman ang akin. Simple lang diba HAHAHAHAHA pag nawala yan, pagawa ka lang uli ayos na.
"Anak alagaan mo pamilya natin ha?, magtatrabaho lang si papa" sabi sa akin ni papa. Syempre yumakap naman ko, eeehhh! kasi naman!
"Naman pa!, see you next year! mwah!" I kissed his cheeks at hinawakan ko na sa kamay si Marvy na nagpaalam na rin kay papa.
"Nga pala anak, may tiga hatid-sundo ka. Nangako sa'kin" may service?
"Service po?" yung yellow na tricycle?, ughhh
![](https://img.wattpad.com/cover/240706942-288-k785537.jpg)