Chapter 9

2 0 0
                                        

FRANCE PARLEY

"Ano ba mga kailangan mo for school Alendro?, bumili ka na ng gamit mo habang andito tayo sa mall. 7 AM pa lang naman, at 8 AM pa ang start ng show" sabi ni Ate Jaylen kay Alendro, tiningnan ko lang naman siya habang nakain ako.

"Notebooks and pens etc. lang naman" sagot niya at halatang bagot na bagot

"Oh edi punta na kayong NBS nyang si France" suggest ni Kuya Hames, may napapansin na 'ko ah!

"Sige. Maya" lagi nila kaming pinapalayas ni Alendro!, HA! kala nila ah!, ayaw ba nila samin?, naiirita sila sa presensya namin?

"Stop thinking." at nabatukan nanaman po ako ni Alendro ano po. ANO BA?!

"And stop hitting me. Maka-batok ka kala mo 'di masakit eh" hindi ako makasigaw. Nasa hapag eh mwehehe

"O.A ka lang, 'di naman matatanggal ulo mo" eh kung lagutan ko 'to ng hininga ngayon?

"Che!, bobo na nga 'ko mas mabobobo pa."

"Buti you know na bobo ka?"

"Weeeh epal. Dun ka na nga!" itinulak ko yung pagmumukha niya. Bwesit!

"Ew, don't touch" HAHAHAHAHAHAHA tinampal niya lang yung kamay ko. Subukan niyang maging marahas, magkakasubukan kami ngayon.

"16 ka na pala 'no Alendro?" biglang tanong ni Kuya Lukariah

"Yep" he said popping the p.

"Isang taon lang pala tanda tols!, kaya yan! HAHAHAHAH" kantyaw nila kay Kuya Alessio, ha? anmeron?

"Hoy tara na. Samahan mo 'ko" kalabit ni suplado.

"Teka wait!, ubusin ko lang sandwich ko" sinalpak ko naman kaagad sa bunganga ko. Napalingon pa ako sa nakakunot niyang noo kaya nag peace sign ako at tumawa.

Baka ikamatay ko pa ang pagtawa at mabulunan, kaya nemen uminom ako ng aking frappe.

"Let's go" tumayo na siya kaagad. Bakit ba ang tatangkad ng mga tao ngayon?!, kawawa naman ang height ko! lugi ah!

"Oh san punta niyo?"

"NBS"

"Ahh, sige. Bilisan niyo ah"

Nagpunas nalang ako ng tissue at nanghingi ng kung kanino mang alcohol yun. Then binitbit ko nalang frappe ko.

"Yan, tara na" tumayo na ako at sumunod sakanya.

"France?!" oh? sino nanaman yon?

"Uy Jason!, ba ginagawa mo dito?!" bati ko sakanya at nakipag-apir. Tropa tropa eh!

"Wala naman, pasyal lang. Bored ako sa bahay eh. Ikaw? ginagawa mo dito?, ba sumisikat ka ah!" pangbibiro niya pa. Sus hindi kaya, curious lang ang tao kung sino ako. Kalaunan mawawala din ang interes nila. Pahupain lang ang issue and I'm back with my old life MUWAHAHAHAHAHA!

"Ah kasama ko 'to, tsaka yung grupong Unprepared. Oh ano?! who you ka ngayon 'no?! BWAHAHAHAHAHAH" ayan! lalait ka pa kase! sinasabi ko naman kasi sayo pards HAHAHAHAHA

"Nyenye, anyway who's him?" turo niya sa katabi kong walang pakialam sa mundo. Pano may sarili siya non

"Jason, Alendro. Alendro, Jason" pagpapakilala ko sakanila

"Right/yeah" sabay nilang sabi. Ganyan ba pag mga lalaki?

"Okaaaaay, Jason una na kami ah?. Samahan ko lang 'to!, see you bukas!. Tara naaaa" kumaway nalang ako kay Jason at hinatak na si Alendro pa NBS, tinapon ko na ang cup kong walang laman sa basurahan at pumasok na.

Comfort of Euphoria (on-going)Stories to obsess over. Discover now