ALENDRO SMITH
She's at it again, thinking deeply.
Lumapit ako at niyakap siya, trust me that's all she need, a tight hug.
"Calm your mind, I'm here..." naramdaman ko namang unti-unting yumayakap siya pabalik. It looks like PDA, but for her?, it's about calming. I observed her a lot so I know when she's overthinking.
Nakita ko si Jason, nagtatakang palapit.
"Bro, what happened?" I shrugged then looked at France, there we go... she's alright.
"Huy, anyare sayo?" tawag pansin sakanya ni Jason kaya kumalas ako ng yakap at nag face to face silang dalawa.
"Wala..." looks like she doesn't want to talk about it.
"Dito lang ako ah?, dito lang si Kuya..." then he hugged her. That's family, even tho they're not blood related.
"I know... I know..." she whispered
Natapos na ang 2nd Quarter, 3rd na means kasali na ako at si Jason. Goodluck to us.
FRANCE PARLEY
After nung scene kanina, back to normal syempre. He noticed agad... am I too obvious? shit
Naglalaro na silang dalawa ngayon, at silang dalawa talaga yung pansin na pansin sa laro, pano puro sila yung nagpapasok ng bola, ayaw tumira nung iba kasi daw andyan si Alendro at Jason, sa magkaibang panig pa, lugi daw sila, rinig ko lang naman.
"Maangas ang labanan ngayon mga kabayan!, nagbabaga sa angas!, ipinasa kay Smith, pumwesto...PASOOOOK!" late 'tong comentator, nung 2nd Quarter lang dumating
"Oh oh oh, napunta kay Jason ooooohhhh itinira, 3 points!" natatawa tuloy ako kasi yung boses niya masyadong ganado.
"Hoy wag ka dyan!, epal 'to, oh sige ikaw dito palit tayo, haharang-harang eh, ALIIIIS!" binatukan tuloy siya nung nasa likod niya, nakatapat kasi sa bunganga niya yung mic kaya narinig ng lahat, napuno tuloy ng tawanan sa gym
Magagaling nga talaga sila Alendro at Smith, laging pasok walang mintis, naghahabulan talaga sa score
---------
Natapos na ang laro, nagkakamayan nalang sila. Panalo sila Jason, lamang lang ng isang puntos sa score namin HAHAHAHAHHAHA walang bago, laging panalo. Ikaw ba naman papa mo coach sa basketball diba, nako
Sasalubungin ko na sana si Alendro kaso biglang may dumaan sa likod ko at natakbong niyakap si Alendro. Is that Anne?
"AYIIIIIEEEEEEE!!!!!" sigaw nung mga nakakita, edi dyan na siya. Bahala siya sa buhay niya.
Hoy, may gusto na ba ako kay Alendro?, putaaaAaa
Dumiretso nalang tuloy ako kay Jason, at nakipag-apir
"Ayos ah, dumami moves!" napansin ko kasing ang dami niyang eme kanina
"Syempre naman!, Jason's special tawag don HAHAHAHAHAHAHA, teka bakit ka andito?, saan si Smith?" tumalikod ako at itunuro yung mag kayakap, wow hA, kapit na kapit Anne?
"There" simple kong sabi at napahinga ng malalim
"Ohohoho, wala na may iba na yon!" sabi niya at inakbayan ako
"Actually bagay sila" yeah, bagay nga. Maganda si Anne, gwapo si Alendro, both A pa nagsisimula names, rich asses, bagay nga
"Awit lodi. Tara ikain nalang natin yan. Lunch na eh" nadala nalang ako sa akbay ni Jason. Bestfriend bestfriend muna kami ngayon hehe
