Trix's Pov
Naalimpungatan ako ng may nakakasilaw na liwanag na tumama sa mukha ko. Kinapa kapa ko muna si Blake ng wala kong makapa sa higaan napamulat ako ng mapagtantong wala na sa tabi ko si Blake.
"Blake.." mahinang tawag ko pa baka kasi asa banyo lang. Pero ng tingnan ko wala namang tao.
Ahh baka nasa baba siya
Bumaba ako para hanapin siya. Pumunta rin ako sa kusina pero wala talaga siya so I decided na magtanong nalang. Sakto naman kasi na nakita ko si Triton na nag aalmusal
"Tri nasan si Blake??" tanong ko kina Triton at Dexter na nagkakape.
"They went to school early I think its around 6am ng umalis sila. By the way Trix its already 8 your going to be late c'mon lets eat"
"What!!!" pagkasabi ko nun dali dali akong umakyat sa taas pero bago pa ako makaakyat ay narinig kong nagsalita si Triton.
"Saan ka pupunta? Beatrix kumain ka muna!! Malalagot kami kay Draven pag mahilo ka dahil di ka nakakain!!" sigaw niya.
"Ako ng bahala ang importante hindi ako malate!!" saka dali dali akong umakyat at pumasok sa kwarto. Naligo ako at ginawa ko na ang moening ritual ko. Hindi naman ako nagmemake up pulbo liptint at suklay lang naman
Kinuha ko ang phone ko at bumaba na nakita ko pang nakailang missed calls si Lyndsey siguradong praning nanaman tong babaeng to.
Lalabas na sana ko para pumunta sa kotse ko ng magsalita si Dexter.
"Ah Trix hintayin mo nalang kami binilinan kasi kami ni Blake na bawal ka magmaneho samin ka nalang daw sumabay" sabi ni Dex na naka bihis na din.
Haysss ano ba yan kelan ba ko makakapagmaneho kaya ko naman ihh malelate na nga ko kainiss!!
"Ok dun nalang ako sa kotse maghihintay" sabi ko. Dumiretso ako sa kotse at saka naupo sa backseat.
Nilabas ko ang phone ko at tinawagan ko nalang si Lyndsey.
"Late na ko sorry late na rin ako nagising eh" sabi ko.
'Hays ano pa nga ba absent ka na rin lang naman sa klase ni Ms. Luna. Punta ka nalang dito sa cafetria hintayin kitang Sleeping Beauty ka!!'
Sunod sunod niyang saad. Ang ingay talaga ng babaeng yun kahit kelan haysss.
"Let's go"
____________________________________
________________________Pagkarating namin sa school una ko agad hinanap si Blake.
Nasan na ba kasi yun ni hindi manlang nagpaalam sakin na mauuna na pala siya :<
"Trix una na kami ah, malapit lang naman room mo dito eh ingat ka ahh" nakangiting sabi ni Triton saka ginulo ang buhok ko.
Bat ba ang hilig nilang guluhin ang buhok ko ah ang ayos ayos na eh guguluhin pa hmp
"Ihatid na natin. Tayo malalagot kay Draven nyan eh saka anong mauuna ka diyan bugok!!" - Dexter sabay binatukan si Triton.
"Aray depungal ka para san yun ah" akmang babatukan din niya si Dexter ng magsalita ako.
"Woii wag na kayong magbangayan diyan para kayong timang. Sige na ok lang naman ako na bahala tsaka hinihintay ako si Lyndsey sa cafeteria" pagtataboy ko sa dalawa.
"You sure?" tumango ako.
"Oum sige byeee kitakits mamaya" I smiled.
"Alright ingat ah" then naglakad na sila papuntang engineering building.
BINABASA MO ANG
The Childish Wife of a Cold Mafia Boss(COMPLETED)
Teen FictionSky Crawford a childish girl and the only heir of the Black Sapphire and the only daughter of Mr. Algernon Crawford Blake Watson also called as Draven a handsome guy and a Mafia Gang Leader Of Dark Crusades who marry a childish girl. Hindi pa niya l...