Blake's Pov
"Hubby gising!" Dinig kong gising niya sakin.
"Hubby!!!"
Napadaing ako ng bigla siyang tumalon sa likod ko..
"Arghh yung buto ko ah!" daing ko at inalis siya.
"Gutom na ko hubby gusto ko ng pancakes" aniya at ngumuso. Bumangon ako at binuhat siya pababa gutom lang pala kailangan pang mandagan tsk.
"Goodmorning ebrewan!" sigaw niya habang pababa kami ng hagdan bigla namang nagtakbuhan yung mga ungas.
"Ayan na siya! tabi! potek" pagpapanic ni Dexter at tumakbo palabas.
Ano problema nga mga ungas na to?
"Hey Hunter saan ka pupunta? Iluto mo ng pancake si Trix " tawag ko sakanya na nakataklob ng kumot.
"I..ikaw na kaya! ikaw asawa niyan eh" aniya abat!
"Gusto mong sapakin kita?" usal ko.
"Hubby naman pancake ko!" Pagmamaktol ni Trix isa pa to eh bwisit.
"Narinig mo shawn? Cook her pancakes!" ngisi ko at nilapag si Trix sa couch.
"Ayyy!!! bwiset!" inis niyang sambit at kumuha ng pan para magluto na haha!
Umupo ako sa tabi ni Trix at hinawi ang buhok niya gusto ko lang halikan yung tiyan niya. Baka ito na kasi ang huling beses na mahahawakan ko yun
"Hi baby. Ok kalang ba jan?" sabay himas ko sa tiyan ni Trix.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya
"Kinakamusta ko lang baka kasi di ko na siya makita eh" sabi ko
Bigla namang dumating si manang kasama si Lyndsey na may dalang prutas.
"Hi preggy" bungad niya at tinabihan kami.
"Gising kana pala iha nag almusal kana ba?" aniya ni manang at hinagod ang pisngi ni wifey.
"Hindi pa po nagluluto pa"
"Anong gusto mo iha?" tanong niya
"Nakoooo!!! manang pakiusap! Wag mo ng tanungin kung anong gusto niya! Please lang jusko!" biglang sigaw ni Hunter na nasa kitchen.
"At bakit naman ha dapat kung anong gusto niyang kainin yun dapat! para dun siya maglihi naku ka" sagot ni manang at pinagbalat ng mansanas si wifey.
Hindi ko sila nagegets ah.
"Bahala kayo basta kapag naghanap yan ng langka na walang tinik at rambutan na kulay orange manang ah! Hay naku nalang talaga!!" Inis niyang sambit.
"Ano kaya kung sa mansanas ka maglihi iha? Para kasing pula nito ang labi ng anak mo mala snow white ganun?" dagdag niya
"Tsk no. lalaki ang anak ko" singit ko at pinagkrus ng braso.
"Pero mukhang hindi ko yata siya makikita dahil ipapalaglag ni Trix yang bata kaya pwede ba tigilan nyo nayang kalokohan nayan" dagdag ko pa.
"Ha?"
"Ano daw pfft!"
"Hindi mo pa alam king? Ay oo nga pala haha" aniya ni Triton
"What? bakit kailan ba ang abortion tsk hindi ako sasama ayokong makitang mawala ang anak ko tsk" saad ko.
"Pfft! Sino nagsabing mawawala ang baby ko?" singit ni Trix. Lahat sila nakatingin sakin na parang ako lang ang walang alam sa nangyayare.
"What? sabihin nyo na!! Hindi ako mang huhula woii!"
"Hay nako iho! nagbago na isip niya haha isasama ko siya sa probinsya para dun siya magbuntis at para narin ligtas siya"-
manang"Really! wife?" di makapaniwalang tanong ko at hinawakan sa magkabilang pisngi si Trix ngumiti naman siya saka tumango.
"Yes hubby hoho" aniya
"Is this? oh..myy wife! hahaha! Im so glad! hahaha shit" saad ko at tinadtad siya ng halik sa mukha. Ansaya ko shit magkakaanak nako.
"Sige magsaya kayo hehe tignan natin kung masaya talaga kapag malala na yung paglilihi niya haha!" bulong ni Dexter na nasa gilid ng sofa nakasiksik.
"Thankyou wifey. I love you so much!" nakangiti kong sabi saka hinalikan siya sa noo.
"I love you too hoho"aniya
"Oh siya sige mag asikaso na muna tayo ng mga kailangan ni Beatrix para sa check-up niya mamaya" singit naman ni Lynn.
Tumayo nako at uminom ng tubig pakiramdam ko natuyo lalamunan ko sa nalaman ang saya shit.
"Get ready king" bulong ni Finn kaya napatingin ako sakanya napansin ko ang pasa niya ako nga pala may gawa non.
"What do you mean?"tanong ko.
"Isang salita lang DELUBYO!" Saad niya na sinigaw pa sa tenga ko.
"Ano ba! lumayo ka nga tsk dadagdagan ko yang pasa mo" aniya ko at lumayo sakanya
"Binabalaan lang kita haha hindi mo alam pinagdaanan namin nung wala ka haha" aniya at umalis.
Pinagsasabi nitong mga to diko talaga sila naiintindihan.
Ano ba kasi ang nangayari nung wala ko?? Haystt!!
BINABASA MO ANG
The Childish Wife of a Cold Mafia Boss(COMPLETED)
Teen FictionSky Crawford a childish girl and the only heir of the Black Sapphire and the only daughter of Mr. Algernon Crawford Blake Watson also called as Draven a handsome guy and a Mafia Gang Leader Of Dark Crusades who marry a childish girl. Hindi pa niya l...