Chapter 24

5K 178 1
                                    

Venus Pov

Nakita kong galit si Blake kay Beatrix. Mula riyo hanggang sa kinatatayuan nila tanaw ko na salubong ang kilay niya.

Its time to shine Venus *smirk*

Nang makita ko siyang papalapit sa pwesto ko ay agad na sinalubong ko siya.

"Ouch! aww ansakit!" daing ko ng matisod.

"Venus?" aniya at tinulungan ako.

Nakasuot ako ng pulang two piece at simpleng make up lang. Matapos niya kong itayo ngumiti ako ang galing ko talaga at  mukhang nakita yun nila Beatrix *smirk*

"Ansakit ng paa ko Blake, pakiramdam ko may naipit na ugat can you check?" saad ko sabay paawa effect. Nakita kong nagdalawang isip siya pero tinulungan padin niya ko.

"Saan ba masakit?" tanong niya. nice one Ven!

"Ah here oh! Look" arte ko at lumapit pa kay Blake yung malapit talaga.

"Okay na ba?"

"Ahh n..no masakit pa rin eh. Pwede paki massage pa. Masakit talaga eh" aniya ko at tumingin kina Beatrix na nakatingin din dito.

Mainggit ka ngayon

"Okay nayan bumalik kana sa kwarto mo." utos niya at tumayo. "W..wait Blake!" sigaw ko kaya nilingon niya ko ulit.

"I.. i can't walk parang di ko yata kayang maglakad" sabay paawa effect pak!

"Okay I'll just call Hunter to carry you" aniya

"N..no! Gusto ko ikaw please?" pilit kopa.

"Why me? Marami akong gagawin at hindi tayo okay Venus baka nakakalimot ka" aniya at nagmartsa paalis. Bwiset!

"Arghh!!" inis kong sigaw at tumingin kina Beatrix.

"Ven c'mon hop on my back" lapit sakin ni Hunter pero tinulak ko siya.

"Ayoko sayo! Bwiset!" inis kong sabi at naglakad paalis.

"Wtf?" rinig ko pang mura niya. Shit! nakalimutan kong masakit nga pala ang paa ko. Shit sira ang plano!!

____________________________________
_________________________

Lyndsey's Pov

Nagalit si Blake kay Beatrix kaya ayon nag walk out ang lolo niyo.

Akala ko kasi malulusutan namin kapag nakabihis na siya kaso ayun nagalit pa nga lalo.

Nakita naming natumba si Venus hindi siya pinansin ni Demon pero tinawag niya yun at nagpatulong. Ayos ah?

Napansin kong nakatingin siya dito sa gawi namin at nakay Beatrix ang tingin?

Teka nanadya ba ang babaeng yun pinagseselos pa yata ang bestfriend ko.

"O..ouch ansakit"

"Ang arte naman ng babaeng yan! Nakakairita" inis kong sabi.

"What do you think Trix ?" singit ni Finn.

"I.. i can't walk parang di ko yata kayang maglakad" rinig ko pang pagmamakaawa niya.

Aba sarap ibalibag ng babaeng toh ah!! Ang kapal ng mukha.

"Ano na Trix wala ka bang gagawin tutunganga ka nalang diyan!!" sigaw ko sakanya na kanina pa walang kibo.

Pagtingin ko sa kanya ay nakita kong pulang pula ang mata niya as in pulang pula talaga!

"Trix?" taka kong tanong

Nakita kong pabalik na dito sa kinatatayuan namin si Blake at naiwang nakanganga doon si Venus.

Inutusan niya si Hunter na siya na ang magbuhat kay Venus na hindi 'kuno' makalakad

"Change your clothes now Beatrix" bulong niya kay Beatrix. Pagtingin ko naman sa babaeng kasama ko eh normal na ulit yung mata niya. Shit ano yun?!

Nagulat ako ng bigla niya kong hatakin pabalik sa beach house.

"Beatrix! Ano ba kinakabahan ako sayo e, nakakagulat ka naman! Aray ko naman dahan dahan mapuputol ang braso ko sayo eh"

"Nakakairita e! Nasan yung damit ko? Magbibihis nako"aniya.

Binigay ko sakanya yung bag niya at hinintay siyang matapos magbihis.

"Tara na" aniya.

"OH. MY. GOD! Beatrix! WAHHH!!" tili ko ng makita siyang naka two piece na at walang balabal nilugay niya rin ang buhok niya.

"Ano nganga? Tara na" aya niya at naunang lumabas.

"Anyare? Akala ko magbibihis kana?"asar ko at sumunod saknaya.

"Asa ka" maikli niyang sagot.

"Good yan wag kang papakabog sa Venus mapagpanggap nayon!" saad ko at hinampas ang pwet niyang matambok.

"Lyndsey!!" reklamo niya.

"Lahat kase malake sayo eh sana all hahaha!" asar ko pa.

Lumabas na kami at bumalik sa cottage. Jusko baka ma-rape na siya I'm so eksayted HAHAHAHA!

"Beatrix?" gulat na bungad ni Blythe woahh ang hot din niya topless tapos naka sweat short.

"Hmm what?" aniya maang-maangan si auntie niyo

"Y..your ho---"

"Sige. Ituloy mo yang sasabihin mo ng dukutin ko yang lalamunan mo" malamig na baritonong boses ang nagsalita sa likod niya.

Si Blake hooo lord di ako kasali dito ah. Out ako jan!

"Tss too possessive" aniya ni Blythe at ngumisi.

"What do you think Draven?" tanong pa niya.

Malapit ka ng ma gahasa ng asawa mo gaga!!

"I love it" aniya

Whuttt!!! Ano daw?!

The Childish Wife of a Cold Mafia Boss(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon