Chapter 15

178 10 3
                                    

"Sana ol napagkakamalang jowa" pang aasar sakin ni Sheki.

Flashback

Kakaupo ko lang sa tabi ni Sela ng biglang may kumalabit sakin sa likod.

"Hi po Ate!  Jowa niyo po ba si Captain?" tanong ng babae.

"Uuuhm-"

"Hindi pa pero malapit na" sabat ni Sheki. Nakatingin lang samin sila Sela habang pinipigilan ang tawa.

"Ang swerte mo naman ate" nakangiting sabi sakin ng babae.

"Thanks, I guess"

End of Flashback

Kakatapos lang ng laro at as expected UST ang nanalo. Hinihintay namin na matapos ang huddle nila Dana since inalok nila kami na magmiryenda after ng huddle nila.

"Congrats girls" bati ni Sheki kila Dana na naglalakad palapit samin.

"Thanks Sheks. Hi Girls" isa isang nakipagbeso samin si Dana.

Ambango bagong shower. Nakasuot sipa ng casual clothes nila kaya mas girly sila tingnan.

"Hi Ella" nakangiting bati ni Gia kay Ella.

"Ay? Hindi tayo nakita" kunyaring dissapointed na sambit ni Belle.

"Huwag kang epal girl" sabat ni Sheki sakanya. "Masyadong kang pabida eh"

"At least ako hindi iniwan" lokong Bells mapanakit.

"Anong connect" sabat ni Sela.

"Wala, Parang kayo nung Abby" double kill.

"Pigilan niyo ko bibigwasan ko toh" kunyaring galit na sabi now  Sela

Hindi ko alam kung paano namin nakakayanan ni Ella ang walang katapusan na asaran ng mga batang ito. Nakatingin lang samin si Gia at Cole na pilit pinipigilan ang tawa habang si Lara naman at Dana nag uusap para sa championship this Wednesday.

"Tara na?"

"How about Somera?" tanong ni Sheki.

"Sinundo siya ni Ate Yzabel niya" sabat ni Lara.

"Yzabel as in yung ex mo? " bulong ko kay Dana.

"Yeah, kapatid siya ni Yzabel na ex ko" awkward niyang sagot.

"Mimah saan ka sasakay?" tanong sakin ni Sela.

"She's going with me" nakangiting sagot niya.

"Solo flight naman ako. " malungkot niyang sagot.

"Says who?" sabat ng babae mula sa likod ng sasakyan ni Dana.

"Abby?!" gulat na sigaw ni Sela na ikinatawa naman ni Sheki at Belle.

"So you're Abby?" maintrigang tanong sakanya ni Sheki.

"Yeah, And you're?" tanong sakanya ni Abby.

"This is Ella,Sheki and Belle"

"Hiiii" sabay sabay nilang bati.

"Abby, Dana and Gia's best friend"  nakangiting sagot niya. "Hi Jem glad to see you again. "

Lumapit siya sakin at yumakap ng mabilis.

"Back off Abby, She's mine" suway sakanya ni Dana.

"Chill babe, masyado ka namang possessive eh" pang aasar sakanya ni Gia.

"And may Sela naman ako. Hindi ko sayo aagawin Mimah mo" natatawang sagot niya.

"Yakap nga Marsela" hinila ni Abby ang jacket ni Sela pero umusog ito.

Fly High My ToraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon