Chapter 8: Friends?

29 0 0
                                    

~School~

"Okay class, magkakaroon kayo ng dance recital before the semester ends. And our theme is ballroom dancing."

Announced by our Music and Arts professor. Sari-saring reaction ang binigay ng mga classmates ko. Ako, okay lang sakin. I know ballroom dancing.

"This will be a part of your performance which is 75% of your grade."

Natahimik ang lahat, 75% is pretty big to fail. Walang magagawa ang mga complains nila.

"So i will be announcing your partners."

Malapit nang maubos ang mga pangalan na binabanggit ni Ma'am, pero ako di pa natatawag

"And finally, Ms. Montecillo and Mr. Villarama"

Lahat sila tumingin sakin. What? You think I like this to happen? I raised my hand immediately.

"Ma'am! Can I just import a partner?"

Si Taylor nalang, mapipilit ko naman yun eh. Baka nga maging heartrob pa yun dito.

"Why is that Ms. Montecillo?" Tanong ni Ma'am

"I believe Mr. Villarama deserves a better partner."

"I definitely agree with that Ma'am!" Pagsingit ni Cassandra.

Hinara ni Mam si Stephen.

"Do you Mr. Villarama?"

Stephen shook his head.

"She's the perfect partner Mam thank you." He smiled.

"WHAT?? SERIOUSLY??!" Sigaw ni Cassandra.

"Well then, go with your partners and start planning on your dance recital."

Agad agad tumabi saakin si Stephen.

"At my house, at 6. I'll set appointments with my instructor para matapos natin kaagad." Diretso kong sabi

"Wow so bossy."

"Anong gusto mong sabihin ko? Wow im so glad to have you as my partner??" Sarcastic kong sabi. "I just want to pass that's why Im doing this, and I cant let anything fail me. Not even you." Tumayo ako sa upuan ko.

"Be at my house at 6. Dont be late." And i walked out.

Pagkatapos ko nakita ko si Jess sa open field.

"Hey Jess :)"

"Hi Dess! Yay! You should make kwento! *O* James ba yung nagsundo sayo nung Monday last week?"

Bakit ba ang hyper niya palagi? Parang hindi nauubusan ng energy. Nakakatulog pa ba ng maayos to?

"He left, and I dont know if he'll come back."

Once again, nakaramdam ako ng lungkot. Niyakap ako ni Jess

"Gusto mo talaga siya noh?"

"No Jess I think I already love him."

"That was fast."

"He's not hard to love Jess."

~House~

"Miss Dess may bisita po kayo, Stephen daw po ang pangalan."

"Thats him." Sabi ko sa dance instructor ko. He nodded.

"Papasukin mo siya Manang at pakisabi dumiretso siya dito."

Maya maya pumasok na si Stephen sa hall ng bahay namin. Pinaayos ko ito bago ako makauwi para ready na pagdating ko. The first 30 mins was wasted dahil hindi kami magkasundo sa sasayawin namin. Gusto ko cha-cha siya naman tango

"Cha-cha gusto ko! Para energetic ang dating!" Pagpipilit ko.

"Tango gusto ko! Para may chemistry!"

"Asa ka pa namang may chemistry tayo! Gusto mo lang laging magkadikit katawan natin eh!"

"Akala ko ba walang malisya sa pagsasayaw ng ballroom?"

And the argument goes on. Dahil walang may gustong magpatalo saamin, napagdesisyonan ng dance instructor namin na paghaluin nalang. For 3 nights nagpractice kami sa bahay ko. Last night na to ng practice

"Guys Ill just do some calls. Urgent kasi to eh. Magpractice muna kayo dyan." Sabi ng dance instructor namin.

"Okay po take your time." sagot ko.

Pagkalabas ng dance instructor namin biglang humigpit ang hawak ni Stephen sa mga kamay ko.

"Stephen."

"Dess, alam kong galit ka sakin pero makinig ka na muna."

"Para namang may choice ako di ba?" mataray kong sagot.

Huminga siya ng malalim.

"Dess yung mga narinig mo nung kausap ko si Cassandra, hindi ko naman talaga sinasadyang sabihin yon. Im sorry if i took for granted yung pagkagusto mo saakin. Ive been a jerk."

Bigla siyang lumuhod sa harap ko.

"Ui Stephen tumayo ka nga dyan para kang tanga."

"Dess, Im sorry for taking you for granted. Im sorry for hurting your feelings before. Please, will you forgive me?"

Nakaluhod lang siya habang nakatingin sa mga mata ko. He sounded very sincere.

"Fine. I forgive you."

"Really?" nagsmile siya at tumayo siya at niyakap ako.

"So friends na ulit tayo?"

"Ang demanding mo ah." natatawa kong sagot.

"Ano na nga bati na tayo di ba? Friends na tayo ulit?" Pangungulit niya.

"Hahahaha oo  na, friends?"

At nagsayaw na ulit kami. Last night na ng practices ito, bukas na ang dance recital namin.

"Girl nandyan na yung mga inorder nyong damit. Magpalit na kayo para makapagstart na tayo sa dance rehearsal."

Agad kaming nagpalit ni Stephen. Siya sa cr ako naman sa kwarto ko. Terno ang damit namin, Latin Ballroom style. After an hour natapos na kami sa dance rehearsal namin.

"Bye Destiny my friend." Nakasmile na sabi ni Stephen. Di ko mapigilang matawa, ang baduy kasi niya.

"Ewan ko sayo haha sige na bye na."

Sinara ko na yung gate. Papasok na sana ako ng bahay nang bigla nanaman niya akong tinawag.

"Goodluck saatin bukas." Kumaway siya at umalis na.

Siguro kung ako yung dating Destiny na may crush sakaniya siguro nagtatatalon na ako sa tuwa. Kaso hindi eh, iba na ako ngayon at iba narin ang tinitibok ng puso ko. Halos magiisang lnggo narin pala simula nung umalis si James at hindi manlang siya nagparamdam. Siguro napagtanto na niya na kung ano ang gusto niya at hindi ako yun? O baka naman nagiisip parin siya?

Make Me BelieveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon