Chapter 13: The Come back

34 0 0
                                    

Sumisinag ang araw sa mga mata ko. Umaga na pala. Nilingon ko ang kwarto at kita kong walang tao.

*Knock knock*

May pumasok na nurse.

"Maam, check ko lang po yung vital signs ninyo."

Nagnod naman ako.

"Excuse me po Maam, pero boyfriend nyo po ba yung matangkad na mukhang foreigner na magaling magtagalog?"

"Ha? Ah hahaha oo, bakit?"

"Ang sweet niya po kasi, hindi niya po kayo iniwan habang natutulog kayo. Pero pinapasabi po niyang bibili lang siya ng breakfast ninyo."

I smiled. Ang caring niya talaga, para talaga akong prinsesa kapag siya ang kapiling ko.

Bumukas ang pinto.

"Goodmorning my princess!" Ang enthusiastic niyang lumapit saakin at hinalikan ako sa cheeks.

"Hihihi good morning knight"

"Ang cute niyo po talaga tingnan, sana po magtagal kayo." sabi ng nurse. Oo nga pala andito pa siya.

"Salamat, shempre naman, hinding hindi ko bibitawan ang babaeng nagpatibok ng puso ko."

Ay shem :") feeling ko namumula nanaman ako.

"Ay sige po mauna na ako."

At lumabas na siya ng pinto.

"Princess kain na, i bought you breakfast." Nakasmile siya saakin habang inaayos ang pancakes.

"James bat ang saya mo?"

"Because you'll be released today."

"So?"

"So it means we are coming home." He winked at me.

Coming home? Baka he means coming back to the resort. :) Teka, nasaan ba si Taylor? Siya ang guard ko tas wala siya dito.

Umalis muna sandali si James paa asikasuhin ang release papers ko. Tinanggal narin ng nurse dextrose ko. Finally im out of here.

Sumakay ako sa sasakyan ni James. Habang byahe, kita kong iba ang dinadaanan ni James.

"Knight?"

"Yes my princess?"

"Hindi naman to ang daan papuntang resort ah,"

He chuckled then smiled.

Maya maya nakarating na namin ang..

"Airport? Anung ginagawa natin sa airport?" Tanong ko

"I told you we are coming home princess. We'll be meeting your parents, together."

Make Me BelieveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon