"Taylor anong oras flight natin?" Nakaupo ako sa sofa.
"11:30. Settled na lahat, rooms, transportation and everything." sagot ni Taylor habang busy sa phone niya.
_____________________________________________
Pagkatapos ng flight, may naghihintay na saming van sa airport. Hinatid kami sa resort namin sa Puerto Princesa
"Goodmorning Maam, Sir. Are you availing for our honeymoon suite?" tanong nung receptionist
Honeymoon suite? Upakan ko kaya tong isang to. Hindi ba niya alam at kilala kung sinong kausap niya? Tiningnan ko si Taylor, halatang nagpipigil ng tawa.
"I am Taylor Smith and this is Miss Destiny Chance Montecillo."
Biglang namutla yung mukha ng receptionist.
"I-Im sorry Miss. Kayo po pala yan."
I just smiled. Im here to relax.
"Here's the key to the presidential suite Ma'am. And this is your key for your own suite Sir. Im really sorry for the inconvenience po. May nakasched po kasing newly wed na dito gagawin ang reception at honeymoon nila."
"Its okay. Get your manager on the line when I get to my room."
Oh ha. Taray ng peg ko dito.
"Yes Maam."
Habang papunta kami sa room ko, kita kong natatawa si Taylor. Pinagbuksan niya ko ng pinto.
"In you go Mrs. Smith." kinindatan niya ako
"Che!" siniko ko siya sa dibdib. Loko talaga to.
"Grabe naman to. Brutal ha." sabi niya habang hinihimas ang dibdib niya. Tinawanan ko lang siya.
*KRIING KRIING*
"This is Destiny Montecillo speaking,"
"Goodafternoon Mam, this is the manager. How may I help you?"
"I want all the event reports be placed on my table at 6 o'clock. I want all events listed until Friday next week."
"Yes Ma'am. Would that be all?"
"Yes thank you"
Binaba ko na yung telepono. Kita kong namumutla si Taylor.
"Oh anyare sayo??" tanong ko.
"Para saan yung events schedule??"
"Para kay Dad. Nakakatamad kayang gumawa ng report. Eh di un nalang ibibigay ko"
"Tamad ko talaga."
Tumawa ako.
"Sino bang may gustong gumawa ng report kung nandito ka para magbakasyon?"
"Hmm. Sabagay. Sige punta muna ako sa kwarto ko."
"Sige. Ingat ka."
Lumabas na siya dala ang mga gamit niya. Saan kaya kwarto niya? Dahil pagod ako sa byahe, natulog muna ako.
"Dess. Huy. Gising."
"Mmm?"
Pagdilat ko ng mata ko medyo madilim na, palubog na pala yung araw.
"Eto na yung reports na hinihingi mo."
"Pano ka nakapasok dito??"
"May duplicate ako."
"Bakit ka may duplicate??"
"Baka nakakalimutan mo personal bodyguard mo parin ako?"
"Hahaha oo nga pla."
Tiningnan ko ang file. Marami rin palang nkareserve para sa mga events na gaganapin dito.
"Bakit itong engagement party na mangyayai bukas walang nakalagay na pangalan?"
"Cancelled daw yan. Bigla kasing namatay yung lolo ng ikakasal. Natakot sa sukob."
"Eh bakit di nalang nila tanggalin ng tuluyan?"
"May nagpareserve daw kasi. Pero hindi pa nakikipagnegociate."
"Hindi pa nakikipagnegociate eh bukas na plano niya?? Sino ba yan??"
"Dess pwede ba, body guard mo ako hindi information center ng resort na to. Wag ka ngang high blood masyado. Hayaan mo na ang staff mag solusyon dyan."
Natahimik ako. Oo nga naman.
"Taylor hintayin mo ako maliligo lang ako. Kain tayo sa labas."
Nagnod siya. Pagkatapos pumunta kami sa isang seafood restaurant.
"Tara buffet tayo." hinatak ko siya.
"Tss. Patay gutom."
Tumawa ako at hinatak siya papunta sa buffet table. Pagkakuha namin pumwesto kami sa tabi ng bintana. Ang sarap ng simoy ng hangin dito
"Ay taken na ata. Girlfriend ata yung kasama."
Narinig ko ang dalawang staff ng restaurant na pinaguusapan kami.
"Hindi niya girlfriend yan. Tingnan mo naman ung babae, hindi sila bagay noh."
Ano?? Oh tapos tingin niya sakaniya maganda??!
"Eh bat nakahawak sa kamay nung lalaki ung babae kanina?"
"Sayang nman."
Umalis na sila. Siniko ko si Taylor.
"Type ka naman nung dalawang impaktang un."
"Wag kang maingay mamaya habulin ako ng mga yan eh."
Nakkatawa tong si Taylor, hindi siya takot sa baril at mga masculadong barumbado pero takot siya sa mga babae.
Pagkatapos kumain, naisipan naming libutin ang resort.
"Maging sino ka man, I will love you and Ill accept you. Ill never let you go. I love you."
May newly wed couple na nasa gitna ng napakalaking garden ng resort kung saan ginaganap ang reception. Sila siguro yung binanggit nung babae sa reception kanina.
"And I promise to love you and cherish you forever. Hindi kita iiwan love."
At nagkiss sila. Ang swet nila, yung love puno ng promises. Sana magkaganyan din ako. Naalala ko ulit si James, si James na mahal ko. Biglang inabot sakin ni Taylor ang panyo niya. Di ko namalayan umiiyak na pla ako.
"Salamat."
"Tara na, hatid na kita sa kwarto mo."
Pagkapasok namin ng kwarto ko, umupo ako sa kama at nagumpisang umiyak. Naramdaan ko ang pagtapik ni Taylor sa likod ko.
"Taylor miss ko na tlaga siya."
"Ssshh tama na, namimiss ka rin nun."
"Tingin mo?"
"Oo naman. Kaya wag ka ng umiyak."
Humiga ako sa kama t naggoodnight kay Taylor. Pinatay niya ang ilaw at umalis na.
*Taylor's POV*
"She was crying, Destiny, I saw her."
"Malungkot siya, something you're not concerned of."
Natahimik lang siya.
"Is everything all set?" tanong ko.
"Yes, and I assure you I wont screw it this time."
"Be sure or else.." pagbabanta
Ko.
"Dont worry. Ill make sure Destiny gets what she deserves."
BINABASA MO ANG
Make Me Believe
RomanceNaniniwala ka ba sa fairy tales? Eh sa happy endings? Paano kung dumating yung araw na mangyari iyon sayo? Anong gagawin mo? This is a story of how a girl who believes that one day she'll be able to have her own happy ending. Will she be willing t...