Hindi ko malaman ang dapat na gawin, kaya minabuti kong bumalik na sa ensayo namin. Akala ko ay mabilis kong makakalimutan iyon, pero hindi. Binabagabag pa rin ako pagkatapos ng ilang oras.
With full courage, I went to my three stubborn classmates right after our teacher dismissed us.
Their reaction proved to me that they all look guilty of what happened and that they are all afraid that I'd spill the truth.
"You let him shoulder your responsibility?" galit agad ang pambabaeng boses ko.
"Raven..." tawag sa akin ng pinakamatangkad sa kanila.
I crossed my arms and tilted my head before throwing him daggers.
"What?"
Worry was etched on his face while struggling for an explanation. "W-We are s-sorry that..." maligalig ang mata niyang hindi mapirmi sa akin, hindi alam kung paano magpapaliwanag sa kasalanan. "It was never our intention. It was a mistake... o-our parents will be mad."
"So it's okay for him to be scolded by his parents instead?" sabi ko, naiinis sa kanila nang lubusan.
Kung hindi naman kasi sila tumakas sa practice namin at nagkulit doon kahit na sinabihan na sila ni Aidon ay wala na sanang mapaparusahan o mapapagalitan o masasaktan.
"He said his parents are abroad." Sabi noong katabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay at hinintay ang mas maganda niya pang rason, pero hindi naman dumating.
"You shouldn't have put the load on him." Naramdaman kong lumalim ang kunot ng aking noo.
"He volunteered." Sagot niyang muli.
I eyed them head to toe, before rolling my eyes at them. I cannot tolerate that wrongful act! I will go to guidance and report the truth.
Ganoon nga ang ginawa ko, pero hindi naman ako pinaniwalaan ni Miss Maya.
"Were you there when that happened?"
Natigilan ako sa pagrereklamo at dahan-dahang napailing-iling.
"Darling, it's okay. Aidon admitted his fault and realized –"
"No! Hindi nga siya ang may kasalanan! Tumulong lang siya." Giit ko.
"Nakita mo?" malambing ang tinig niya pero punong-puno iyon ng sarkasmo sa pandinig ko.
"Sinabi niya."
"Ang sabi niya rin sa akin ay siya nga ang may sala. Inamin niya, Miss La Fuente."
I groaned in annoyance. Why would he do that? Nakakainis naman siya. He's tolerating injustice in this school.
"CCTV?" huling bala ko na.
"I'm sorry but the CCTV's are broken in that part."
Halos irapan ko siya sa sinabi, pero marahas na lang akong bumuga ng hininga. Kasalanan ko bang sira iyon at katanggap-tanggap bang rason iyon? Ang laki-laki ng tuition fee namin tapos ilang buwan ko nang naririnig sa parents ng classmates ko na sira pa rin ang iilang CCTV sa university. See what hassle can it bring? If the CCTV was working, I wouldn't have to persuade her this way.
I went home with a very foul mood that day. Isinumbong ko ang nangyari kay Tita Chione. She stands as our guardian. Mom and Dad both passed away when I was 6. Plane crash. It was hard and lonely, but I am healing because of Tita and Kuya's help.
"You're right, Tita! You're so brilliant!" sabi ko sabay halik sa pisngi niya.
Ipinayo niya sa aking kausapin si Kuya Omeng para humingi ng tulong sa pagsiwalat sa katotohanan. She smiled and hugged me back.
YOU ARE READING
Sweetest Mistake
RomanceLove keeps the world spinning, but it also keeps several hearts bleeding. Nevertheless, love is what those broken hearts need in order to heal. This is why Raven Paige La Fuente believes so much in the power of love. It is what inspired her since sh...
