"Haaay, Raven! Ayaw ko na ngang sumama! Wala naman tayong napapala riyan sa crush mo!"
Napangiwi ako sa sinabi ng kaibigan kong si Karel. Saglit akong nag-isip bago ngumuso at nagpapungay ng mata. Nilakasan ko pa ang pagbuntong-hininga.
"Sige, tara na. Ayos lang naman kung hindi ako makapunta sa huling beses na sasali si Aidon sa swimming competition na iyon." Umupo ako sa mga nakahilerang upuan sa harap ng Cashier ng university na pinapasukan namin at nagpanggap na nakatitig sa kawalan.
"C'mon, Karel. This would be the last time that she'll see her crush compete. Samahan na natin."
Naramdaman ko ang pagningning ng mga mata ko sa tinuran ni Julian, ang natatanging lalaki sa grupo naming magkakaibigan. Pinigilan ko ang pagpapakita ng saya sa aking mukha.
"No, it's okay, Julian. Karel's right. We gain nothing from that." Ibinagsak ko ang aking mga balikat para ipaalam sa kanila na malungkot nga ako sa pagpapaubayang ginawa.
Mabilis akong tinabihan ni Sophie para daluhan. She tucked the loose strands of hair behind my ear and frowned.
"Don't say that. You get happiness from that, so we will support you."
I slowly lifted my eyes to her, silently asking her to help me with Karel. As usual, Sophie smiled at me sweetly and nodded. Ugh! I really really really love her!
Sophie looked at Karel and sighed.
"One last time, K." She stood up in front of her as if making a business deal.
Magkasingtangkad ang magaganda kong mga kaibigan, pero nasisiguro kong kapag tatayo ako ay mas matangkad pa ako sa kanilang dalawa.
"What the fuck? Pati ikaw?!" si Karel na miserable na ang ekspresyon habang sapo ang noo.
I bit my lip to suppress the smirk that was forming on my lips. She's going to agree, for sure. We made a promise to each other as friends. In making a decision, we have to hear each of us out. The majority wins, most especially when the decision won't harm anyone of us.
Karel sighed and my heart jumped in joy when she chuckled in defeat. Awww, I got the best among the bests in this world.
"Tara na nga. Baka nagsimula na iyon."
Tinalikuran niya kami bago nauna nang maglakad. At kahit gaano ko pa kanais na magpasalamat sa mga kaibigan ko ay nanaig na sa akin ang sabik na makita ang lalaking nagpapatibok ng aking puso.
The narrow staircase is our short-cut to the swimming area of the university. Bago kami tuluyang makapasok ay nakita ko ang aking kuya na kausap ang ladyguard sa entrance ng school hindi kalayuan sa kinaroroonan namin.
Kumunot ang noo ko sa hawak ni Kuya na bouquet of roses, pero nang nakita ko siyang naglakad na palapit ay yumuko ako para magtago. Kaya lang ang kaibigan kong si Julian na iniidolo itong kapatid ko ay tinawag pa nga si Kuya.
Halos napamura ako nang marinig ang mga yapak ni Kuya paakyat sa sementadong hagdan.
"Kasama mo si Raven?"
"Oo, Kuya. Nandito oh."
Unti-unti akong umayos nang tayo at mapait na ngumiti. "Kuya, hello..."
"Wow naman, Kuya Ross. Para kanino iyang roses mo?" si Julian na punong-puno ng pagkamangha sa kapatid kong masungit.
Hindi pinansin ni Kuya si Julian at deretso ang mapang-insultong mata sa akin. "Ano pang ginagawa mo dito, hah? Wala na kayong klase 'di ba?"
"Manonood lang ako sandali." Angil ko kaagad.
YOU ARE READING
Sweetest Mistake
Storie d'amoreLove keeps the world spinning, but it also keeps several hearts bleeding. Nevertheless, love is what those broken hearts need in order to heal. This is why Raven Paige La Fuente believes so much in the power of love. It is what inspired her since sh...
