Chapter 3

7 1 0
                                    


Grabe! The school year was just starting, pero nakuha ko na ang pinakamalalang kahihiyan na dadalhin ko buong buhay ko.

I went home that day, I called Ate Jing, our househelp to pick me up. I didn't even go out of the restroom. I just stayed there until my guardian picked me up. Tita Chione already talked to my teachers so I could go home.

Because of that gruesome incident with Aidon, I doubled my best to avoid him. Even at home, when Kuya Ross is talking about his class, just one mention of his name, my mind will automatically command my whole body to stop from reacting.

Kaya naman kabadong-kabado ako nang maatasang magdala ng pagkain ni Kuya Ross, isang araw ng Oktubre, sa kaniyang band rehearsal. Inasahan ko nang makikita ko si Aidon, kaya pinaliguan ko na ang aking sarili ng mamahaling pabango. Oo!

OA na kung OA, pero dinidbdib ko talaga yung araw na sabihan niya akong mabaho. Kahit na totoo naman dahil sa tagos sa aking palda, masakit pa rin sa akin na marinig iyon. Mula noon ay hindi ko na pinalalampas ang isang araw na hindi nilalagyan ang katawan ng mga de-kalidad na pabango.

The corridors in their building are free from any noise when I walked in the high school building. I heard from Kuya last night that their new principal will be supervising today.

Halos walang taong makikitang pakalat-kalat. All of the students are locked up in their air-conditioned classrooms and I bet, all teachers are extra-industrious.

My heart was pounding hard when I knocked on Kuya Ross' classroom door. Because of my height, I saw through the rectangle glass mirror that their teacher is not inside.

Kilala naman ako ng ilang barkada ni Kuya. Maybe Kuya Baxter or Ate Judy is here. Bakit pa kasi sa dulong upuan iyong maharot kong Kuya? Ang hirap niya tuloy tawagin.

The smile I prepared faded right away when the coldest man on earth showed up in front of me. The way he held the doorknob proved how he disliked opening it to whoever knocked from the outside.

I cleared my throat and stepped forward to check someone I know from the front row, but Aidon stepped once and blocked my view. I'm taller than my classmates, but he's just way taller than me. Baka singtangkad niya si Kuya.

Nagtaas siya ng kilay sa akin at hinintay na sabihin ko ang pakay ko.

"Kay Ross La Fuente." Kinakabahan akong ngumiti.

"Wala siya rito." Mabilis niyang tugon.

Parang tinusok ang tiyan ko sa lamig na naramdaman. Ugh! Bakit kaya may mga ganitong tao? Bakit hindi na lang sing-hospitable ko lahat? Nakakainis naman! At nasaan ba iyan si Kuya at nagpadala pa ng pagkain, kung wala naman siya rito?

"Kay Baxter na lang o Judy Letrero." Sabi ko, tinutukoy ang mga kabanda ni Kuya.

"Wala sila dito. Ano bang pakay mo?"

"Ahh... iaabot ko sana itong pagkain ng Kuya ko at damit."

"Akin na. Ako na ang magbibigay mamaya."

His hand reached out for the big paper bag on my hand. Nang tumagal pa ang ilang segundong hindi ko iyon inabot sa kaniya, nagbuntong-hininga siya.

Ano ba? Hindi man lang ba ako puwedeng mag-isip kung pagkakatiwalaan ko siya o hindi? Nakakainis! Kinakabahan na nga ako.

Pero kahit na naiinis ako sa kaniya ay ngumiti ako sa kaniya pagkatapos iabot nag paper bag, umaasang ngingiti rin siya sa akin pabalik kahit papaano. Pero hindi. Sungit.

Pagkakuha noon ay mabilis siyang tumalikod. Isasara na sana niya ang pinto nang pigilan ko iyon. Abot-abot ang tahip ng puso ko nang titigan niya ako nang madilim, para bang nagalit na inaabala ko na siya masyado.

Sweetest MistakeWhere stories live. Discover now