"Raven, ang ganda-ganda mo na. Dalaga ka na talaga." sabi noong Grade 8 student na si Ate Kyla. Umaalon ang buhok niyang natural na kulay brown, hindi gaya ng akin na purong itim.
Humagikhik ako at pinasadahan ng tingin ang sarili pagkatapos iabot sa nagtitinda ang bayad ko para sa biniling Potpots.
She's right. Only a year had passed, but the changes in my body are very visible. I grew taller and I'm starting to gain some curves. Tita Chione told me that other girls really mature fast, especially once menstruation started. Baka ganoon ang lagay ko.
"Sige, una na ako. May klase pa. Aattend ka naman ng Halloween party 'di ba?"
"Yes, Ate. See you!"
Entering secondary level brought my world closer to Aidon's. I even ran for a position in the student council just so I could see him often.
Our university holds a policy concerning the use of phones in the classroom. Every student is required to surrender his/her phone to the class adviser before the first class starts. Phones can only be borrowed during break time. The student council is tasked to do random surprise inspections to check if anybody is breaking the rules. At siyempre, parati akong sumasama sa surprise inspections para makapaglibot at makasilay sa crush ko. Sa mga announcements at program ay sinisiguro kong active rin ako.
It's a good thing that the La Fuentes are known for being charming and confident. It's so easy for me to get along with people from different year levels. Kaunting ngiti at pagpapacute lang ay nagiging close ko na sila. Not to mention that most of the girls in our school have a crush on Kuya Ross, lumalawak ang connection ko. So useful rin pala si Kuya, indirectly.
"Kuya, bilisan mo naman diyan! Kailangan na ako sa council, e!" sigaw ko mula sa labas ng kuwarto niya.
Pairap-irap na ako dahil ang tagal niyang nagising at kani-kanina pa lang siyang nag-ayos. Baka malusaw na itong light make-up ko. Light na nga lang e, baka mawala pa agad. Kahit na sinabing long-lasting naman ang mga ginamit ko sa mukha ay hindi ako naniniwala.
Kakatok muli sana ako nang biglang bumukas ang pinto ni Kuya. Napanood ko ang pagtagis ng kaniyang bagang habang nalaglag naman ang panga ko. Sabay kaming nagulat sa isa't isa.
"Ano iyang suot mo?" sabay naming tanong.
"Duh? I'm an angel, Kuya. Isn't it obvious? How about you? A beggar?"
"Go back to your room and change." He commanded strictly after ignoring my comment.
Napakurap-kurap ako sa agarang namuhay na inis sa dibdib ko. Ang tagal-tagal kong nag-ayos nang sarili ko tapos pagpapalitin niya lang ako? No way! His protectiveness over me will not be tolerated tonight.
"Bilis na!"
"Ayaw ko." I answered firmly, crossing my arms to prove my point.
"Isusumbong kita kay Ti-" Hindi na natapos si Kuya sa sasabihin dahil umalingawngaw ang boses ni Tita sa likod ko.
"Bakit, Ross? Anong problema?"
Nagdiwang ang mata ni Kuyang nakatuon sa akin. Akala mo talaga ay nanalo siya sa kumpetisyon kung makangisi. Tuwang-tuwa na matatalo niya ako sa isa na namang argumento naming magkapatid.
"Itong batang ito, Tita, ang igsi-igsi ng damit, pinagpapalit ko-"
Kuya's lips parted when he glanced at Tita Chione who was holding my cute wings. She helped me wear it. Kuya's eyes dilated in disbelief and shock.
"Kasabwat ka niya, Tita?" hindi makapaniwala ang tunog ng boses ni Kuya. Lumapad lalo ang aking ngisi.
"Oh my God, Ross! Stop making it sound like we committed a crime!" natatawang bulalas ni Tita.

YOU ARE READING
Sweetest Mistake
RomanceLove keeps the world spinning, but it also keeps several hearts bleeding. Nevertheless, love is what those broken hearts need in order to heal. This is why Raven Paige La Fuente believes so much in the power of love. It is what inspired her since sh...